THEA “Oh God, baby, you're pregnant!” Punong-puno ng pananabik niya akong niyakap nang umalis ang doktor. Bakas sa boses niya na hindi siya makapaniwala na buntis na pala ako. Maging ako man ay pinoproseso pa sa utak ko ang sinabi ng doktor. Kaya pala nahihilo na ako nitong mga nakalipas na araw. Hindi ko alam na buntis na pala ako ng mga oras na iyon. Nakangiti ako habang yakap si Clark. Hindi lang ako masaya para sa sarili ko, kundi maging sa kanya. Ramdam ko ang excitement niya nang malaman niyang dinadala ko na ang anak niya. Yes, anak niya, dahil walang ibang umangkin sa akin kundi siya lang. “Congratulations, guys. Masaya ako para sa inyong dalawa. Sigurado akong matutuwa ang mga magulang ninyo kapag nalaman nilang magkaka-apo na sila. Konting tiis lang muna ngayon. Kapag okay na

