Chapter 91 Sorry

1502 Words

THEA Kinabukasan, maaga kaming umalis ng resort. Ang usapan namin ni Clark, ihahatid muna niya ako sa bahay ng mga magulang ko bago siya pupunta sa magulang niya. Wala na akong planong bumalik sa condo ko, kaya pinasya kong sa bahay ng mga magulang ko na lang ako tutuloy. Pupunta lang ako sa condo para kunin ang mga gamit ko. Makalipas ang mahigit isang oras, nasa tapat na kami ng bahay ng mga magulang ko. Pagbukas pa lang ng gate, bumungad na agad sa akin si Mommy. Alam niyang darating ako dahil tumawag si Clark kanina kay Daddy bago kami umalis sa resort. Nang makita niya ako ay tumulo agad ang luha sa pisngi niya. Paglapit niya ni Mommy sa akin, hinaplos niya ang pisngi ko, na parang tinitiyak niya kung ako nga ang nasa harap niya. Pagkatapos, niyakap niya ako ng mahigpit. Hangga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD