THEA “Hindi ko kilala si Aiden, pero kung galing sa anak ko ang opinyon, bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon, hija? I'm sure susuportahan ka ng parents mo, lalo na ng mommy mo,” segunda ni Tita Cassandra. Para makabawi, pinilit kong ngumiti sa harap nito. “Ang totoo po niyan, Tita, mukhang pasado po si Aiden kay Mommy,” saad ko. Katulad ni Clarkson, pinagtutulakan na rin ako ni Mommy kay Aiden. Siguro ay kailangan ko lang ng sapat na panahon para kilalanin pa ng lubusan si Aiden. Sa ngayon, ayokong pilitin ang sarili ko na ibaling sa kanya ang atensyon ko. Ayokong dumating sa punto na gawin ko lang siyang panakip-butas para lang makalimutan si Clarkson. Tama si Clarkson, mabuting tao si Aiden, at hindi nito deserve na masaktan. Nagliwanag ang mukha ni Tita Cassandra nang marini

