THEA Dumating ang araw ng event. Sobra ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bukod sa unang beses ko ito, kinakabahan din ako na may makakakilala sa akin. Hindi lang si Rosie ang pupunta, kundi maging si Kuya Tan-Tan dahil sasamahan nito si Penelope. “Kumalma ka nga, friend,” sita sa akin ni Chazzy. Kasama ko siya dito sa loob ng sasakyan ko dahil inaayusan niya ako. “Pati ako, natataranta sa ‘yo, e.” “Paano ako kakalma kung pati si Kuya ay pupunta rin? Kilalang-kilala ako ng kapatid ko. Baka makilala niya ako,” puno ng pagkabahala na sabi ko. Kumunot ang noo ko ng sumilay ang pilyang ngiti sa labi niya. “Paano kung sabihin ko na kasama ni Rosie si Kuya Clarkson?” Hindi ako nakahuma sa narinig ko. Lalong dumoble ang kaba ko sa sinabi nito. “Akala ko ba, may business tri

