Chapter 7 Exchange Numbers

2282 Words
THEA Sumang-ayon ako na ipagkasundo ang pusa ko sa pusa niya. Kung hindi siya magiging akin, na mukha namang malabong mangyari, kaligayahan na lang ni Nos ang iisipin ko. Kasama si Nos, hinatid ko sa labas ng unit si Clarkson. “Salamat ulit,” nakangiting sabi ko. “You are welcome,” seryoso niyang tugon. Tiningnan niya si Nos at dinala ang kamay sa ilalim ng baba nito. Tuwang-tuwa naman ang alaga ko habang hinahaplos ito. “Are you going to sleep?” tanong niya. Hindi ko alam kung si Nos ba o ako ang tinatanong niya. Kay Nos kasi siya nakatingin. Mula kay Nos, tumingin siya sa akin. “A-ako ba ang tinatanong mo?” naninigurado na tanong ko. He raised an eyebrow at me. “Who else could it be? Can Nos talk?” he responded rudely, making me frown. “Kay Nos ka kasi nakatingin, kaya akala ko ay siya ang tinatanong mo,” katwiran ko. Inalis niya ang kamay sa ilalim ng baba ni Nos. Tumuwid siya ng tayo at seryosong tumingin sa akin. Nagtaka naman ako dahil baka may dumi ako sa mukha ko. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko, sabay dinala ang isang kamay sa pisngi ko. Bumuntong-hininga siya. “Yes.” Hindi ako nakahuma ng awtomatikong dinala niya ang kamay sa gilid ng labi ko at tinanggal ng hinlalaki niya ang kung ano man ang dumi dito. Pigil ang paghinga ko habang nakadantay ang kamay niya sa mukha ko. Hindi ako sigurado kung saan nga ba siya nakatingin, pero titig na titig siya dito. Maya-maya lang ay napakurap siya, sabay alis ng kamay sa mukha ko at bahagyang umatras, na para siyang nahimasmasan. “I'm going now.” Hindi ko na nagawang tumugon nang tinalikuran na niya ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Salubong ang kilay ko nang pumasok ako sa loob. Bigla akong napaisip sa ikinilos ni Clarkson kanina. Pinatay ko ang ilaw sa sala bago pumasok sa silid ko. Nag-toothbrush ulit ako bago tinungo ang balkonahe at hinarap ang laptop ko. Awtomatikong tinapunan ko ng tingin ang Horizon Heritage Tower. “Nakauwi na kaya siya?” Mayamaya lang ay natagpuan ko ang sarili na hawak na ang telepono ko at tumitipa ng mensahe para sa kanya. "I wanted to check if he'd arrived home. “Are you home?” I asked. Kung hindi niya ako sagutin, okay lang sa akin. Sanay na akong binabalewala niya. Sanay na akong hindi kasama sa mga priority niya. Tinuon ko na ang atensyon sa laptop ko. Isang pangungusap pa lang ang naisusulat ko nang tumunog ang message alert ng phone ko. Kaagad na sumilay ang ngiti ko sa labi nang makita ang “My dream man” sa screen ng phone ko. “Yes.” Sapat na sa akin na sumagot siya, kaya hindi na ako nag-text ulit. Tumingin na lang ako sa condominium at kumaway kahit alam kong imposibleng makita niya ako. “Good night. Sleepwell, mahal ko,” mapait ang ngiti sa labi na sabi ko. Humugot ako ng malalim na paghinga bago muling tinuon ang atensyon sa ginagawa ko. Makalipas ang ilang oras na pagsusulat, sa wakas, tapos ko na rin ang kwento ni Martha. Pwede ko na itong ipasa sa editor. Humihinat ako ng kamay at tiningnan ang oras sa laptop ko. Malapit na pala mag-umaga. Medyo maliwanag na rin sa labas. Gising na ang mga papasok sa trabaho at paaralan, samantalang ako ay matutulog pa lang. Makakatulog na ako ng mahimbing dahil tapos ko na ang manuscript ko. Kokontakin ko na lang mamaya paggising ko si Ma'am Noemi para ipaalam na ipapasa ko na sa kanya ang nobela ko. Siya kasi ang editor ng mga libro ko. Tumayo ako at tumingin sa katapat na gusali. “Good morning,” nakangiti na sabi ko bago pumasok sa loob. Napangiti ako nang makita ang alaga kong pusa na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama ko. Mabuti pa si Nos, patulog-tulog lang. Nilagay ko muna sa ibabaw ng bedside table ang laptop ko bago sumampa sa kama. Kinuha ko si Nos para itabi sa akin. Mabuti na lang ay mabilis akong dinalaw ng antok. Alas dose na ng tanghali ako nagising. Sobrang init na ng sikat ng araw. Nakalimutan ko palang itabing ang kurtina sa sliding door sa balkonahe. Kaya pala hindi ko na maramdaman ang buga ng aircon. Humihinat na bumangon ako sa kama. Kaagad kong dinampot ang phone ko sa ibabaw ng bedside table para tawagan si Ma'am Noemi. “Good morning sa maganda kong editor,” namamaos pa ang boses na bati ko rito. “Tanghali na, Inday.” Natawa na lang ako sa sinabi nito. Bagong gising ako, kaya parang umaga pa lang para sa akin. “Are you going to submit it now?" she asked immediately. Ilang araw na rin niya akong kinukulit tungkol sa libro na sinusulat ko. Excited na raw siyang i-edit ito at umiyak. Natatawa nga ako kapag nagrereklamo siya sa akin. Nag-i-edit lang naman daw siya, pero bakit kailangan ko pa raw siyang paiyakin? “Yes. Kaya nga ako tumawag sa ‘yo.” “Good. I-send mo na sa email ko para masimulan ko na.” “Sige.” Naalala ko ang plano ko kapag natapos ko na ang nobela ko. “I need a break, ma’am. Magbabakasyon muna ako ng ilang linggo bago bumalik ulit sa pagsusulat.” “Walang pumipigil sa ‘yo, Inday. Kailangan mo rin iyan. Para pagbalik mo ulit, fresh na ang utak mo.” Napangiti ako sa sagot nito. Kaya sobrang kong pinapahalagahan ang editor na ito dahil pinapahalagahan din niya ako. Hindi lang ako, pati ang mga kasama kong manunulat na hawak niya. “Thank you so much, maganda kong editor.” “Huwag mo akong binobola, Inday. Kilala kita. Kahit sinabi mong magbabakasyon ka, kapag nakaisip ka ng plot sa utak mo, tiyak na hindi mo na naman mapipigilan ang magsulat.” Malutong akong natawa sa sinabi nito. That was partially true. Ilang beses na kasi ako humingi ng bakasyon. Lagi kong sinasabi na hindi muna ako magsusulat pagkatapos ng mga manuscript na pinapasa ko sa kanya, pero dahil passion ko ang pagsusulat, may pumasok lang na ideya sa utak ko, kahit nakabaksyon, nagsusulat ako. Pagbalik ko, may magandang balita na agad ako sa kanya. “Sige na. Nakipagtsismisan ka na naman sa akin,” reklamo ko rito. Natawa lang siya sa kabilang linya. Nagpaalam na ako sa editor ko. Pagkatapos ko makipag-usap, kaagad kong pinadala sa email niya ang manuscript ko. Nagligpit na rin ako ng hinigaan ko. Binuksan ko ang sliding door sa balkonahe para pumasok ang hangin. Awtomatikong napatingin ako sa tapat na gusali. “Pumasok na siguro siya sa opisina niya,” sambit ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Ngayong nalaman kong katapat lang ng condominium na kinaroroonan ko ang tinutuluyan niya, araw-araw na yata ako mapapahinto para tingnan ang katapat na gusali. Dapat pala ay hindi na ako nagtanong. Ang hirap maging aware sa tirahan ng taong gusto mo. Lagi ka na lang nakamasid kahit hindi mo naman siya nakikita. Pumunta ako sa kusina para pakainin si Nos. Nilagay ko muna sa microwave ang hotdog sandwich na binili ko sa convenience store. Ito na lang ang kakainin ko at ang cupcakes na bigay ni mommy. Bigla kong naisipang tawagan si Chazzy. Kumusta na kaya ang kaibigan kong iyon? Tinawagan ko ang kaibigan ko at niyaya siyang kumain ng hapunan sa labas. Pumayag naman agad siya. Gusto kong makibalita sa kanya tungkol sa kwento niya sa akin na naka-s*x niyang estranghero. Nakakaloka ang babaeng iyon. Hindi ko lubos akalain na isusuko ang p********e sa isang estranghero, samantalang ingat na ingat na ‘wag bumigay sa ex-boyfriend niyang hilaw. Medyo natawa lang ako roon sa sinabi niyang nahimatay siya ng binigla siya. Nagawa ko pa magbiro na gusto kong bibigla sa akin ay ang kapatid niya, na malabo naman mangyari. Bago magsara ang mall, pinuntahan ko si Chazzy. Pero hindi ko inaasahan na nasa store niya si Mr. Vittori. Mukhang magiging masaya na naman ang buhay pag-ibig ng kaibigan ko, kaya umalis na lang ako. May pupuntahan daw silang dalawa ayon kay Mr. Vittori. Wala akong nagawa kundi kumain mag-isa sa restaurant na pinuntahan ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko, e, may lakad ang kaibigan ko. Mula dito sa pwesto ko, may nahagip ang mata ko. Nang balikan ko ay nagtagpo ang aming mga mata. Parang pamilyar ang mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Patay-malisyang binalik ko ang atensyon sa kinakain ko. Mayamaya lang ay tumingala ako ng may napansin akong nakatayo sa harap ko. Nagsalubong ang kilay ko sa lalaking ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin. “Hi,” bati niya sa akin. Ngumiti ako. “Yes?” “Are you alone?” Muntik ng umikot ang mata ko. Napapansin ko, mahilig ako lapitan kapag mag-isa ako at magtatanong kung may kasama ba ako o mag-isa lang ba ako. Hindi pa ba obvious na mag-isa lang akong kumakain? At saka, kailangan ba talagang lapitan ako kahit alam na kumakain pa ako? Hindi ba pwedeng patapusin muna akong kumain bilang respeto man lang sana sa akin? “Yes, why?” “Would you mind if I—” “She's not alone.” Lumingon ang lalaki nang marinig ang nagsalita. Ako naman ay tumagos ang tingin sa likuran niya. Ito ang lalaki na nahagip ng mata ko. Dapat ba akong magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa niya? But I don't know him, either. The man turned to face me again. "You said you're alone?" he clarified. I shrugged my shoulders as an answer. Ayokong magpaliwanag, lalo na at kumakain pa ako. Nang hindi ako sumagot ay tumalikod na sa akin ang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na ito sa restaurant. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking tumulong sa akin para maitaboy ang isang lalaki. I smiled, ready to thank him, but he turned his back on me. “Suplado naman pala,” sabi ko na lamang at tinuon na ang atensyon sa pagkain. Pagkatapos kumain ay lumabas na ako sa restaurant. Uuwi na ako. Iniwan ko lang kasi si Nos kay Tita Ruth. Papasok na sana ako sa sasakyan ko nang may narinig akong tumikhim, kaya lumingon ako. Natigilan ako nang makita ang lalaking sinupladuhan ako kanina. Pagkakataon ko na ito para pormal na magpasalamat. Pumihit ako para humarap sa kanya. “Thank you—” “I'm sorry—” Nagkasabay kaming magsalita, kaya pareho kaming napahinto. “You, first,” nakangiting sabi niya. Marunong naman pala siyang ngumiti. Kanina kasi, ang seryoso niya. “I just wanted to say thank you. Hindi ko na nagawang magpasalamat sa ‘yo kanina. Tinalikuran mo kasi agad ako.” “I'm truly sorry about that. I admit I was rude earlier, so I waited for you to come out to apologize properly," he explained. “It's okay. Wala iyon sa akin,” sabi ko na lamang. Ngumiti siya, sabay lahad ng kamay sa harap ko. “I'm Aiden.” Nagsalubong ang kilay ko. Parang pamilyar ang pangalan niya sa akin. Maging ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita? “I guess you don't remember me, so I'll introduce myself again.” Namilog ang mata ko at napasinghap nang maalala ko na siya. Nagkita na kami sa bakeshop ni Mommy. “Oh my goodness! I'm so sorry.” Kaagad kong inabot ang aking kamay sa kanya para makipagkamay. “Pasensya na, medyo lutang pa ang isip ko, kaya hindi kita kaagad natandaan,” paliwanag ko. “It's okay, hindi naman lahat ay natatandaan,” ani niya. Tumingin ako sa likod niya. Mukhang hindi niya kasama ang dalawa niyang kaibigan. “Iba yata ang mga kasama mo sa loob?” Hindi kasi sina Bill at Chris ang nakita kong kasama niya kanina. “Mga tito at pinsan ko ang kasama ko.” “I see.” “Pauwi ka na?” “Yes. Binilin ko lang kasi sa katabi kong unit ang alaga kong pusa.” Lumapit siya sa sasakyan ko at pinabuksan ako ng pinto. “Thank you.” “Sana magkita pa tayo ulit.” Alanganin akong ngumiti. Sa liit ng Pilipinas, posibleng magkita pa kami. Nagkita nga kami ngayon ng hindi sinasadya, sa ibang araw pa kaya? “Malay mo naman,” sagot ko na lang. “Or maybe we could exchange numbers? If that's alright with you? Pero kung hindi, okay lang din. I'll respect your privacy.” Napahilot siya sa batok at alanganing ngumiti, na parang nahihiya sa sinabi niya. “Bilang utang na loob sa pagligtas mo sa akin mula sa lalaking lumapit kanina, sige, ibibigay ko ang number ko.” Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Kaagad niyang inabot sa akin ang phone niya para ilagay ko ang numero ko. Nang tapos ko na ay binalik ko kaagad ang phone niya. “Magpakilala ka, ha. Hindi ako nagrereply sa hindi ko kilala.” “Sure, sure.” “Mauna na ako sa ‘yo. Baka umiiyak na ang alaga ko.” “Drive safely,” nakangiting sabi niya. “Thank you.” Papasok na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. “Thea?” Nang sulyapan ko ito ay napatda ako. Bigla na namang may kumirot sa puso ko nang makita ko kung sino ang magkapareha na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nakangiting naka-angkla si Rosie sa braso ni Clarkson. Nang nilipat ko ang tingin kay Clarkson, hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ng mukha nito habang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Aiden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD