Chapter 6 Favor

2006 Words
THEA Sumama nga siya sa akin pagbalik ko sa condo ko. Habang nasa elevator ay hindi ko maiwasang lihim na magdiwang dahil kasama ko siya. Makikita na rin niya si Nos. Pero bigla kong naalala si Alta. “Paano pala si Alta?” Basag ko sa katahimikan sa loob ng elevator. "Don't worry about her; she's used to being alone," he answered. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. “Si Nos din. Pero ang sabi ni Manang Tonya sa akin kanina, lagi raw umiiyak, lalo na sa gabi. Nang nakita nga niya ako kanina, parang sabik na sabik siya sa akin. Naging busy rin kasi ako lately, kaya kanina ko lang siya nakuha.” Iniiwan ko lang si Nos sa bahay kapag alam kong magiging busy ako, at kapag kailangan kong pumunta sa ibang lugar. Kailangan ko rin kasing makakita ng bagong paligid para fresh ang utak ko sa pagsusulat. Hindi lang ‘yong lagi akong nasa condo. “He cried because he hadn't seen his owner for a long time. Kaya mabuti na rin na kinuha mo siya,” he stated. “Hindi kasi inaasahan ang pagkikita natin, kaya hindi mo nadala si Alta. Sayang, pagkakataon na sana nila magkita ni Nos,” nanghihinayang na sabi ko. “Next time, ikaw naman ang pumunta sa condo ko. Dalhin mo si Nos,” suhestiyon niya. Hindi ko siya napigilang sulyapan. Seryoso ba siya? Gusto niyang pumunta ako sa condo niya? "I'm also going to invite your brother,” he added. Biglang nalaglag ang balikat ko sa kasunod na sinabi niya. May mga bagay talaga na hindi dapat kaagad ako umaasa dahil sa bandang huli, ako rin ang nasasaktan. Ilang sandali lang ay huminto na ang elevator sa floor kung saan ang unit ko. Naglalakad na kami nang makasalubong namin si Tita Ruth at ang anak nitong dalagita. Sa katabi kong unit sila nakatira. May pagkakataon na binibigyan nila ako ng pagkain kapag alam nilang nasa unit ako. “Hija, ngayon na lang ulit tayo nagkita,” magiliw na sabi nito at niyakap ako. “Oo nga po, Tita Ruth. Busy po kasi,” sagot ko. Lumipat ang tingin niya sa kasama ko. “Sa wakas, may boyfriend ka na ring dinala sa condo mo.” Alanganin akong ngumiti. Pinagkamalan pang boyfriend ko si Clarkson. Sa kabilang banda, may bahagi ng pagkatao ko na nagustuhan ang sinabi nito. Pero kung realidad ang pagbabasehan, magiging boyfriend ko lang si Clarkson sa pantasya ko. Hindi ko kailanman magiging kasintahan ang lalaking parang kapatid lang ang turing sa akin. “Hindi po, Tita. Parang kuya ko na po siya,” mabilis na pagtatama ko na tila ikinagulat pa nito. Hindi yata niya inaasahan na mali siya ng hula. Sa gilid ng mata ko ay tinapunan ako ng tingin ni Clarkson. Mahilig manghula si Tita Ruth. Gusto nga niya sabihin kung ano ang hula niya sa akin, pero tumanggi ako. Hindi kasi ako naniniwala sa hula. Ang paniniwala ko, tao ang gumagawa ng magiging kapalaran nila. “Si Clarkson nga po pala; kuya po siya ng kaibigan ko. Clark, si Tita Ruth at si Ranna. Sa kabilang unit lang sila nakatira,” pakilala ko sa kanila. “Nice to meet you, ma'am.” Nilahad ni Clarkson ang kamay niya sa harap ni Tita Ruth, na kaagad naman nitong inabot. Mayamaya lang ay napansin kong pumikit ito. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Clarkson at kaagad na nilayo kay Tita Ruth. Kapag may hinahawakan kasi ito, awtomatikong sasabihin ang hula nito sa nakadaupang palad nito. “Sige po, Tita Ruth. Bye!” sabi ko at hinila na palayo si Clarkson. “Althea, hija.” Napahinto ako at lumingon nang tinawag niya ako. Napakunot ang noo ko sa kakaibang emosyon na nakita ko sa mga mata nito. Hinintay kong may sabihin siya, pero isang mapait na ngiti ang pinakawalan lamang nito bago tumalikod sa amin. “Why?” tanong ni Clarkson, kaya napatingin ako sa kanya. “Bakit parang takot kang hawakan niya ako?” Bumaba ang mata ko. Saka ko lang napagtanto na hawak ko pa pala ang kamay niya, kaya kaagad ko itong binitawan. “Mahilig manghula si Tita Ruth. Baka hulaan ka kasi niya.” “Hindi ako naniniwala sa hula,” sagot niya. Napangiti ako. “Pareho pala tayo.” Pagpasok namin sa unit ko, ginala agad niya ang mata sa loob. Hindi ako makalat, kaya wala siyang mapupuna sa loob ng unit ko. Sabay namin tinungo ang kusina. Nilabas ko na rin ang cupcakes na pinadala sa akin ni Mommy para ipatikim sa kanya. Muntik ko na itong makalimutan. Panghimagas ko lang kasi ito, kaya bumili pa rin ako ng pagkain. “Galing ba ito sa shop ni Tita Theresa?” “Yes. Kumuha ka na. Hindi ko rin naman mauubos iyan.” Kumuha siya ng isa. Mayamaya lang ay bumaba ang mata niya. Napangiti ako nang makita ko si Nos na kinikiskis ang balahibo nito sa binti niya. Kumuha ako ng platito para dito niya ilagay ang cupcake na kinagatan niya dahil parang gusto niyang kunin si Nos. Heto na nga at buhat na niya ang alaga ko. Halatang mahilig talaga siya sa pusa. “Hi, Nos. Parang kailan lang, sa picture lang kita nakikita.” Nagsalubong ang kilay ko. Wala akong matandaan na may larawan akong pinakita sa kanya ni Nos. “I don't remember—” “Pinakita sa akin ni Chazzy,” putol niya sa sasabihin ko. Tumango-tango ako. Nakalimutan ko na kapag pumupunta dito ang kaibigan ko, kumukuha siya ng larawan kasama si Nos. “Ano pala ang lulutuin mo?” Binaba niya si Nos. Kaagad namang lumapit sa akin ang alaga ko, kaya ako naman ang bumuhat dito. “Masyado ng gabi para mag-heavy meal ka pa.” “It's okay, madaling araw na rin naman ako nakakatulog.” Nagsalubong ang kilay niya. Napapaisip siguro siya kung ano ang ginagawa ko sa madaling araw. Wala siyang ideya na pagsusulat ang dahilan kung bakit madaling araw na ay gising pa rin ako. “Mahirap na kasi ako makatulog kapag nagising ako ng ganitong oras. So, nanonood na lang ako ng movies,” mabilis na palusot ko. Tumango-tango siya, sabay naglakad palapit sa refrigerator. “Kung ano na lang ang makita ko na pwede kong lutuin dito,” sabi niya bago ito binuksan. “Sige, tutulungan na lang kita magluto.” “No. Ako na ang bahala dito. Tatawagin na lang kita kapag luto na.” Naghahalungkat na siya sa loob ng refrigerator. Naghahanap na siya ng pwedeng lutuin. Nilagay ko muna sa refrigerator ang mga canned beer na binili ko. Tinabi ko rin muna ang hotdog sandwich. Iinitin ko na lang ito mamaya kapag kakain na ako. Pagkatapos ilagay ang mga beer, kumuha ako ng isa. Pero nagulat ako ng bigla itong nawala sa kamay ko. Nang sulyapan ko ito ay hawak na ito ni Clarkson. “Mamaya ka na uminom nito kapag may laman na ang tiyan mo.” Sumimangot ako at walang nagawa kundi tingnan ang beer habang binabalik niya sa loob ng refrigerator. “Lagi mo ba itong ginagawa?” tanong niya nang hinarap niya ako. “Hindi.” Tinaasan niya ako ng kilay. “‘Yong totoo, Althea,” may awtoridad niyang sabi. Para talaga siyang nakatatandang kapatid kung umasta sa harap ko. Hindi ko makita na hindi kapatid ang tingin niya sa akin kapag pinagsasabihan niya ako. Siya ang pumapalit kay Kuya Tan-Tan kapag wala ang kapatid ko sa tabi ko. Nakagat ko ang labi ko. “Minsan,” sagot ko, sabay tumingin sa ibang direksyon. He let out a heavy sigh. "Don't do that again, okay?” Tumango ako bilang tugon. Kung hindi pa mismo nanggaling sa kanya, hindi ako titigil. Pero hindi dahil pinagsabihan niya ako, susundin ko na siya. May sarili akong desisyon. Hindi porket mahal ko siya, susunod ako. Hawak na nga niya ang puso ko, pati ba naman mga gagawin ko sa buhay, makikialam siya? “Katukin mo na lang ako sa kwarto ko.” Tumango siya, at inabala na ang sarili sa gagawin niya. Tumalikod na rin ako at naglakad patungo sa kwarto ko. Pagpasok ni Nos, saka ko ni-lock ang pinto at tinungo ang balkonahe. Pinagmasdan ko ang gusali kung saan si Clarkson tumutuloy. Halos magkatapat lang talaga ang condominium namin. Alin kaya riyan ang unit niya? Umupo ako at binuksan ang laptop ko. Tinuloy ko ang pagsusulat ko. Bigla akong sinipag magsulat dahil nagluluto ng pagkain ang lalaking pinapangarap kong maging akin, ngunit pag-aari naman ng iba. Makalipas ang ilang minuto, may kumatok na sa pinto, kaya kaagad akong tumayo para pagbuksan siya. “Your food is ready,” he announced. I smiled at him. “Thank you.” “Kumain ka na para may laman na ang tiyan mo. Aalis na ako.” Mabilis naglaho ang ngiti ko sa labi nang marinig ang sinabi niya. Hindi man lang ba niya ako sasaluhan? Talagang ang pinunta niya lang ba dito ay para magluto? Nang akma siyang tatalikod ay hinawakan ko siya sa kamay para pigilan. Wala akong balak na landiin siya o kung ano man. May respeto ako sa kapwa ko babae. Hindi ako desperada para agawin siya kay Rosie. Kahit naman gawin ko iyon, sa bandang huli, ako pa rin ang talo. Kuntento na akong magmahal sa kanya ng palihim. Ang gusto ko lang ay may kasalo akong kumain. “Pagsaluhan natin ang niluto mo.” Nakikiusap ang tingin na pinupukol ko sa kanya. Nabahala ako ng hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. “Please.” Bumaba ang mata niya, kaya inalis ko na ang kamay ko sa kanya. “Okay.” Napangiti ako sa sinabi niya. Binalingan ko si Nos, pero nakahiga ito sa kama at mukhang natutulog na naman, kaya hindi ko na inabala. Hinayaan ko lang na bukas ang pinto ng silid ko para kapag nagising siya ay lalabas na lang siya. Lalong nadagdagan ang paghanga ko nang makita ang carbonara na nakalagay na sa plato. Mas may alam pa yata siya pagdating sa pagluluto, kaysa sa akin. May natira pa sa kawali, kaya nilagay ko na ito sa plato at binigay sa kanya. Sabay kaming umupo at sinimulang kainin ang pasta na niluto niya. Nang matikman ko ito ay kaagad akong nag-thumbs up para ipakita sa kanya na nagustuhan ko ang luto niya. Tipid na ngiti lang ang tinugon niya. “Napansin ko, karamihan sa libro na nakalagay sa mga book shelvings mo, libro ni Shattered Heart.” Bigla akong napahinto sa pag-nguya at sinulyapan siya. May mga books kasi akong nakalagay sa sala. May mga binabasa rin akong ibang libro at nakahalo ito sa mga libro ko. “Ano kasi, mahilig rin ako magbasa ng mga books niya.” Book lover na talaga ako noon pa man. Kaya ako naging manunulat dahil may mga kwento akong nababasa na hindi ko nagustuhan ang wakas. Kaysa problemahin ko ang wakas na ayaw ko, ipinasya kong gumawa ng sarili kong kwento para kung ano ang gusto kong wakas ay ito ang ilalagay ko. “I see.” Nabusog ako sa kinain ko, kaya hindi ko na nagawang kainin ang hotdog sandwich na binili ko sa convenience store. Kumain lang ako ng isang cupcake, pagkatapos ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Paglabas ko sa kusina, naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Napangiti ako nang makita ko si Nos sa kandungan niya. Hinihintay na lang yata niya na dumating ako bago siya umalis. Nang napansin niya ang presensya ko, sinulyapan niya ako. "Could you do me a favor?” “Ano ‘yon?” “Don't let Nos mate with other cats.” My lips parted, surprised by his request. "Okay, but why?" Hindi ko mapipigilan ang pusa ko kapag may gusto siyang lahian. Baka kalmutin pa ako nito kapag pinigilan ko. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Inabot niya si Nos na hindi inaalis ang mata sa akin. “Because I want Alta to be the mother of his kittens.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD