THEA
Despite knowing that he loved someone else, I mustered the courage to tell him how I felt. I don't want to reach a point where I regret not expressing my true feelings for him. I have to confess, even if it breaks me.
I thought I was ready to be hurt, but my bravery and courage only shattered my heart into a million tiny pieces.
Before I lose myself entirely, I need to let go. I'll try to be happy for him, even if it feels like my heart is being buried deeper and deeper each time I see him happy with the person he chose to love.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago bumaba ang mata ko sa mesa at kinuha ang tasa na may lamang kape. Napangiwi ako nang ininom ko ito. Malamig na ang kape, kasing lamig ng puso ko sa loob ng nakalipas na pitong taon.
Napailing na lang ako at ininom pa rin ang kape. Sa sobrang focus ko sa pagsusulat, ilang ulit na akong uminom ng malamig na kape. Muli kong tinuon ang atensyon sa screen ng laptop ko at binasa kong muli ang point of view ni Martha. Napabuga na lang ako ng hangin at natagpuan ang sarili ko na nakatingala sa kalangitan.
Alas kwatro na ng hapon. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng condo unit ko. Ito ang favorite spot ko dito sa unit ko. Maganda kasing pumuwesto dito, lalo na't pagsapit ng hapon. Sigurado akong aabutin na naman ako dito ng gabi. Aalis lang ako kapag naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko, at babalik lang dito para magsulat ulit.
I am a writer who hides under the pen name "Shattered Heart." My pen name reveals the depth of emotion that runs through my stories. High school pa lang ako ay nagsusulat na ako ng maikling kwento na may masayang wakas. Itinuloy ko ito hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo. Lumipas ang maraming taon, unti-unti akong nagkaroon ng mga published books.
Nang makilala ko ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, lalo akong na-inspire na magsulat. Pero katulad ng tao, ang daloy ng kwento na sinusulat ko ay nagbago rin. My books, once filled with happy endings, turned into ones with painful endings. Hindi dahil gusto kong idamay ang mga mambabasa sa malungkot na kwento ng puso ko, kundi dito ko lang inilalabas ang lahat ng sakit at kabiguan na nararanasan ko sa tuwing nakikita kong kasama ng lalaking mahal ko ang babaeng pinili niyang mahalin. Lahat ng gusto kong sabihin na hindi ko magawang sabihin sa kanya, sa mga bidang babae ng kwento ko dinadaan.
“Sana matapang din ako katulad mo, Martha,” usal ko habang nakatingin sa kalangitan.
My current novel features Martha as the central character. Kung si Martha ay nagawang ipagtapat ang nararamdaman sa taong mahal niya para lang wala siyang pagsisihan sa bandang huli, ako, hindi. Hindi kami magkatulad. Tanga kasi ako. Pitong taon na akong tanga sa taong hindi ko mabitawan kahit alam kong wala naman akong mapapala.
Martha's story is different from all my previous novels. Her ending is a gut-wrenching reminder that not all stories have happy endings. Ilan kasi sa sinulat ko, bagamat nasaktan ang mga bidang babae, masaya pa rin ang naging wakas. Ayokong matulad sila sa akin na piniling masaktan ng palihim at paulit-ulit.
Sabihin nang duwag ako, pero kailangan kong itago ang nararamdaman ko dahil ayokong masira ang aming samahan na nabuo sa loob ng pitong taon. Nirerespeto ko rin ang relasyon nila ng girlfriend niya, kaya pinili ko na lang na mahalin siya ng palihim. Masaya naman ako sa ginagawa ko kahit na ang kapalit nito ay paulit-ulit akong masaktan.
Sinulyapan ko ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Tumatawag ang kapatid ko, kaya sinagot ko ito.
“Why, Kuya?”
“Gusto ko lang siguraduhin kung pupunta ka ba talaga sa party?”
Umikot ang mata ko sa paraan ng pagtatanong niya. Para kasing ayaw niyang pumunta ako.
Sa totoo lang, hindi angkop para sa akin ang party dahil puro negosyante ang pupunta roon. Wala akong alam sa pagnenegosyo. Pero dahil dadalo rin ang kapatid ng kaibigan ko, pupunta rin ako.
“Oo naman, Kuya. Sunduin mo ako dito, ha.”
“What? Hindi mo dadalhin ang kotse mo?”
“Mabigat, Kuya.”
“Anong mabigat?”
Pigil ang tawa ko dahil hindi naintindihan ni Kuya Tan-Tan ang biro ko. Wala talaga itong ka-sense-sense kausap.
“Mabigat ang kotse kapag dinala ko,” sabi ko, sabay humagalpak ng tawa.
“What the hell, Althea? Is that a joke?”
I rolled my eyes. Masyado talaga siyang seryoso sa buhay, kaya kahit biro ay hindi niya masakyan.
“Basta, daanan mo ako dito. Sasabay ako sa ‘yo,” pinal na sabi ko.
“Fine. Basta pagdating ko, naka-ready ka na, okay?”
“Yes, sir,” nakairap na sabi ko.
Pagkatapos kong makipag-usap sa kapatid ko, tinawagan ko ang kaibigan ko para ipaalala ang pagpunta namin sa party. Mabuti na lang ay na-contact ko na siya dahil kagabi pa ako kinukulit ng boyfriend niya.
Ayon kay Chazzy, hiwalay na sila ng boyfriend niya. Nahuli raw kasi niya si Kier na may ginagawang milagro kasama ang isang babae sa loob ng opisina nito. Sinasabi ko na nga ba na hindi gagawa ng maganda ang lalaking iyon. Una pa lang nang makita ko si Kier na may kasamang babae, naghinala na agad ako. Mabuti na lang ay nahuli ng kaibigan ko sa akto. Tiyak akong magagalit ang kuya niya kapag nalaman nitong niloko ang kapatid niya.
Dumating ang araw ng party; nandito na ako sa loob ng function room at hinihintay ang pagdating ng kaibigan ko. Ang totoo, kapatid niya ang gusto kong makita.
Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Chazzy; palapit na siya sa direksyon ko. Tumagos ang mata ko sa likod niya, pero nadismaya lang ako nang hindi ko nakita ang dahilan ng pagpunta ko sa party na ito.
“Si Clark?” bungad na tanong ko kaagad sa kaibigan ko paglapit pa lang niya sa akin.
Sumimangot siya at pinaalala na hindi niya ako kukonsentihin dahil hindi kasama ang girlfriend ng kuya niya. Sa parte ko, wala akong planong landiin si Clarkson. Alam ko naman kung hanggang saan lang ang limitasyon ko, at aware roon ang kaibigan ko.
In-inform ko siya na imbitado rin ang ex-boyfriend niya. Inaasahan ko nang maiinis siya dahil iniiwasan niya si Kier, pero nagkita naman sila dito.
Umupo kami. Nagsimula na ring gumala ang mata ko sa loob ng function room. Napangiti ako nang makita ko ang kanina ko pa hinahanap. Pinatong ko ang isang siko sa ibabaw ng mesa at nangalumbaba na tinitigan ang lalaking lihim kong minamahal.
“Ang gwapo talaga ni Clark,” I said, my eyes fixed on him, filled with admiration.
Pakiramdam ko, laging kumikislap ang mga mata ko tuwing nakatingin ako sa kanya. Kung paano ko siya tiningnan noong una ko pa lang siya nasilayan, pareho pa rin ang tingin ko sa kanya ngayon.
“Baka matunaw naman ang kapatid ko,” sita sa akin ni Chazzy.
Mahina akong natawa, ngunit nanatiling nakatuon ang mata kay Clarkson. Abala siya sa pakikipag-usap sa mga kakilala niya. Hindi pa niya nagawang lumapit sa amin. Hindi ko nga alam kung nakita na ba niya ako o hindi pa. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Parang kapatid lang ang turing niya sa akin, kaya hindi niya pagkakaabalahan na puntahan ako at batiin.
“Hayaan mo na ako habang hindi pa ako napapansin. Kapag pumunta siya dito, hindi na ako makakatingin ng diretso sa kanya,” I said, smiling, but a shadow of sadness clouded my voice.
Sa malayo ko lang kasi siya nagagawang tingnan ng matagal. Mabuti na lang, kahit paano ay sinusuportahan ng kaibigan ko ang kahibangan ko, as long as hindi ko nasisira ang relasyon ni Clarkson at ng girlfriend niya.
“Kailan ka kasi magigising?” she asked.
I removed my hand from my chin, letting out a deep sigh. I glanced sadly at my friend, a bitter smile twisting my lips. “When I'm tired of being hurt.” My voice was heavy with sadness as I answered.
Her face softened with concern, her eyes filled with sympathy. Saksi si Chazzy kung ilang beses na akong nasaktan dahil sa kapatid niya. Wala naman siyang magawa kahit lagi niya akong pinapayuhan na tumigil na ako. Pero sadyang matigas talaga ang ulo ko, kaya hanggang ngayon ay pinipili ko pa rin na masaktan ng paulit-ulit.
Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam si Chazzy na pupunta sa ladies' room, kaya naiwan akong mag-isa sa mesa. Nang binalik ko ang tingin kay Clarkson, hindi ko na siya nakita.
Tinuon ko ang atensyon sa wine glass bago ininom ang laman nito. Nang wala nang laman, nagpasalin ulit ako sa waiter. Pinaiwan ko na rin ang bote ng wine para hindi ko na siya tawagin.
“Hi.” Napatingin ako sa nagsalita; isang mestiso at gwapo na lalaki ang tumambad sa harap ko. “Mukhang mag-isa ka. Can I join you?”
Alanganin akong ngumiti. “May kasama ako. Pumunta lang sa ladies' room.”
“I see. Sasamahan na lang muna kita habang wala pa siya,” sagot nito.
Pasimple akong napangiwi. Paano ko ba itataboy ang lalaking ito?
“I’m with her.”
Naudlot ang akmang pag-upo ng lalaki nang may nagsalita. Sabay kaming napatingin sa pamilyar na boses. Napangiti ako nang makita si Clarkson na seryosong nakapamulsang nakatayo sa likuran ko.
“Oh, sorry. I thought she was alone.”
Walang nagawa ang lalaki kundi umalis. Nakahinga ako ng maluwag sa pagdating ni Clarkson.
Umupo siya sa tabi ko. “Where’s Chazzy?”
“Pumunta sa banyo.”
Hindi na siya sumagot at tinutok na ang atensyon sa mga bisita. Mabilis kong nilagok ang laman ng wine glass at muling nagsalin. Pampakalma ko ito dahil nagsimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngunit nang dalhin ko na ang baso sa bibig ko, pinigilan niya ako.
“Baka malasing ka,” sabi niya at kinuha ang wine glass na hawak ko. Nilayo na rin niya ang bote ng wine sa akin.
“Minsan lang naman,” nakasimangot na katwiran ko.
“Huwag ka nang mangatwiran.”
Inismiran ko siya, ngunit lihim kong itinago ang ngiti sa labi ko. Alam kong pag-aalala lang iyon na parang isang kapatid, pero malaking bagay na iyon sa akin.
“Bakit hindi mo kasama si Rosie? Akala ko ay isasama mo siya,” tanong ko.
Dapat ay iwasan kong banggitin ang girlfriend niya kapag kami lang ang magkasama, pero wala akong ibang maisip na paksa para pag-usapan. I try to avoid getting hurt by him, but I keep finding ways to get hurt again.
“She’s busy,” tipid niyang sagot.
Tumango-tango ako. “May pictorial siya?” usisa ko.
His girlfriend is a model.
Tumuwid siya ng upo at marahas na bumuntong-hininga bago binaling ang tingin sa akin.
"Look, Thea, maybe you should hold off on asking about her when she's not here. Sinabi ko na busy siya, kaya ‘wag mo nang itanong kung ano ang ginagawa niya.”
Kung hindi lang ako sanay sa ugali niya, baka na-offend na ako. Pero ganito talaga siya magsalita: straightforward. Tama naman siya; ‘wag ko na itanong ang wala.
“Ang sungit! Magsama nga kayo ni Kuya Tan-Tan. Wala kayong sense of humor kausap,” nakairap na sabi ko.
Kung gaano siya ka-straightforward sa akin, gano’n din ako sa kanya. Kaya sinong mag-aakala na may gusto pala ako sa kanya?
“Brat,” mahinang sambit niya, ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ko.
“Sungit,” hindi nagpapatalo na sagot ko. Ito ang samahan na ayaw kong magkaroon ng lamat dahil lang sa nararamdaman ko.
Napapailing na tumingin na lang siya sa ibang direksyon. Ngunit namilog ang dalawang mata ko nang dinala niya ang wine glass na kinuha niya sa akin sa bibig niya. Sakto sa labi niya ang bakas ng lipstick ko na naiwan sa bunganga ng baso.
“Clark,” agaw ko ang atensyon niya. Ubos na niyang inumin ang laman ng baso.
Salubong ang kilay niya nang binalik niya ang tingin sa akin. “What?”
Bumaba ang mata ko sa wine glass na hawak niya. “That's my glass,” sabi ko.
Tiningnan niya ang baso. Nakalimutan yata niya na kinuha niya ang inumin ko at hindi siya aware na hawak niya ito. Akala siguro niya, kanya ang wine glass.
Mula sa baso ay lumipat ang tingin niya sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha habang matamang nakatitig sa akin.
"What do you want me to do? Spit out what I just drank?" he said sarcastically.
Umismid ako. “May lipstick kasi ang baso. Parang hinalikan mo na ako n’yan dahil sa lipstick ko tumama ang labi mo,” walang preno ang bibig na sabi ko.
Matagal na niya akong kilala, kaya balewala na lang sa kanya ang mga sinabi ko. Hindi niya ito binibigyan ng kahulugan.
“So, what? Mas mabuti ang lipstick mo kaysa sa lipstick ng iba ang dumampi sa labi ko,” sagot niya, dahilan ng pag-awang ng labi ko.