Chapter 2 Demure And Mindful

2070 Words
THEA Tuwang-tuwa ako nang magpaalam si Chazzy na mauuna na siyang umuwi. Ang pumasok kaagad sa isipan ko ay masosolo ko ang kapatid niya. Noong una, nadismaya ako dahil gusto na ring umalis ni Clarkson sa party. Sa isip ko, kung aalis siya, uuwi na rin ako. Busy na si Kuya Tan-Tan sa mga kakilala niya; ano pa ang silbi ng pananatili ko kung umalis na ang lalaking dahilan ng pagpunta ko dito? Simula nang umalis si Chazzy, hindi na umalis si Clarkson sa tabi ko. Binilin kasi ako ng kaibigan ko sa kanya, kaya siguro nanatili siya sa tabi ko. Kahit hindi nga niya ako kausapin, ayos lang sa akin; ang mahalaga ay kasama ko siya. May pagkakataon na tinatapunan niya ako ng tingin at tinatanong kung okay lang ako. Syempre, sasabihin kong okay lang ako para lang makasama ko pa siya ng matagal. Ganito ako kahumaling sa kanya. Mayamaya lang ay nakita kong palapit sa direksyon namin si Kuya Tan-Tan. Pinalangin ko na ‘wag naman sana kaming istorbohin ni Clarkson. "Aren't you going home yet?" he asked directly. Umikot ang mata ko. Nakakainis talaga ang paraan ng pagtatanong niya. Halatang pinagtatabuyan na akong umalis sa party. “Ihahatid mo ba ako?” "No, that's why I'm asking. I'll book a ride for you to go home. Matatagalan pa ako kasi ako dito. It's getting late, sis.” On the other hand, Kuya Tan-Tan was a very sweet brother to me. Hindi kasi siya vocal na tao, kaya iba ang paraan ng pagpapakita niya ng pag-aalala at paglalambing sa akin. “Pag-iisipan ko muna,” pilyang sabi ko. Pinaningkitan niya ako ng mata, pero nagkibit-balikat lang ako para mas lalo siyang inisin. Ganito kami maglambingan na magkapatid: nag-iinisan. “You brat. Hindi na dapat kita sinama, Althea.” “Behave naman ako, ha. Hindi naman ako gumawa ng magiging problema mo,” pagtatanggol ko sa sarili. “Kahit na. Bakit kasi hindi mo dinala ang kotse mo?” Bakas na ang iritable sa boses niya. Ngumuso ako. “Mabigat nga kasi. Ang kulit!” “Pilosopo ka talaga!” Sabay kaming napatingin kay Clarkson ng tumikhim ito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang tila pagpipigil niyang tumawa. “I'm sorry, Clark. Ang sama kasi ng ugali ng kapatid ko,” walang preno ang bibig na sabi ni Kuya Tan-Tan. “Look who's talking?” nakairap na balik na sabi ko sa kanya. “It's okay, Tan. Balikan mo na sila roon. Ako na ang bahala kay Thea.” Lihim akong napangiti. Nang sinabi niyang siya na ang bahala sa akin, pakiramdam ko ay ligtas ako na siya ang kasama ko. “Thanks, Clark.” Binalingan ako ni Kuya Tan-Tan. “Magpakabait ka kay Clark. Mahiya ka naman sa kuya ng kaibigan mo,” bilin nito sa akin bago kami tinalikuran. Sinundan ng mata ko si Kuya Tan-Tan. “Ang bait ko kaya,” bubulong-bulong na sabi ko bago nilipat ang tingin kay Clarkson. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. I wonder kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Alanganin akong ngumiti. “Mabait naman ako, ‘di ba?” tanong ko kahit hindi ako sigurado na sasang-ayon siya sa sinabi ko. “No,” walang kangiti-ngiti na mabilis niyang sagot, sabay tinuon muli ang atensyon sa mga bisita. Sumimangot ako. Pati ba naman siya? Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Clarkson. Hanggang sa nakaramdam na ako ng pamimigat ng talukap. Inaantok na ako, pero ayoko pang umuwi. Hangga't nandito si Clarkson, hindi ako uuwi. Mayamaya lang ay tumayo siya. Pero dahil inaantok ako, hindi ko siya pinansin. "I'm going home," he said, breaking the silence. Wala pa yata ako sa katinuan dahil sa antok, kaya sa halip na sagutin siya ay nangalumbaba lang ako at unti-unting pinikit ang mata ko. “Thea, I said I'm going home,” ulit niya. Pinilit kong imulat ang mga mata ko. “Okay,” inaantok na sagot ko, sabay tumango. Hanggang sa nagising ang diwa ko nang muntik nang bumagsak ang mukha ko sa mesa nang hawakan niya ang kamay ko. “Sumabay ka na sa akin umuwi.” Hindi na ako nakasagot dahil basta na lang niya ako hinatak patayo. Mayamaya lang ay naglalakad na kami palabas ng function room. Nasa elevator na kami ay hawak pa rin niya ang kamay ko. Nawala na yata sa isip niya na ako ang kasama niya at hindi ang girlfriend niya. Dapat sabihin ko, pero parang ayaw ko munang bitawan niya ako. Magkukunwari akong hindi ko napansin na hawak pa niya ang kamay ko. Pero nadismaya ako dahil siya na ang kusang nagtanggal ng kamay niya. Patay-malisya na lang ako sa ginawa niya. Mabuti na lang ay nakahanap ako ng dahilan para itago ang pagkadismaya ko. Tinawagan ko si Kuya Tan-Tan para aware siya na umalis na ako. “Kuya, uuwi na ako,” sabi ko nang sinagot nito ang tawag ko. "Yeah, I know. Clark already messaged me.” Awtomatikong tinapunan ko ng tingin si Clarkson na seryosong nakapamulsang nakatayo sa gilid ko. Nagsabi na pala siya sa kapatid ko bago ako hinila palabas ng function room. “Message me when you get home,” he added. “Okay.” “Wait.” I stopped just as I was about to press the end button. “Bakit, Kuya?” “May kakilala ako na mahilig magbasa ng novels. Can I get one from you?” My family believes I'm an editor at a publishing house, but the truth is, I'm a writer there. Wala silang ideya na isa akong manunulat. Ang tanging nakakaalam lang ay si Chazzy. Ginawa kong pribado ang pagsusulat kahit sa mga magulang ko. Hindi sa nahihiya akong ipagmalaki sa kanila na isa akong manunulat. Gustong-gusto kong ipagmalaki, pero mas gusto ko na lang itago ang aking pagkakakilanlan sa likod ng masasakit kong mga akda. Therefore, my identity as Shattered Heart remains a secret from them. Sinusuportahan nila ako sa career na tinahak ko, pero nararamdaman ko na labag ito sa kalooban ni Daddy. Hindi lang niya masabi sa akin ng diretso dahil ayaw niyang ma-descourage ako. Ayaw niyang isipin ko na hindi siya masaya sa career na pinili ko. Naiintindihan ko si Daddy dahil hindi ito ang pangarap niya sa akin. Gusto niyang dalawa kami ni Kuya Tan-Tan ang humawak ng kumpanya na iniwan sa kanya ni Lolo kapag dumating ang araw na gusto na niyang magpahinga. Malayo ito sa kursong kinuha ko. Kaya nga naging magka-klase kami ni Chazzy dahil parehong tungkol sa business ang kurao namin. Pero ayokong pilitin ang sarili ko, kaya sinunod ko kung saan ako magiging masaya. “Sure, pero bayaran mo ako.” “Wala akong matandaan na nilibri mo ako, kaya malamang, babayaran kita,” sarkastiko nitong sagot. Napaatras ako ng may pumasok na dalawang lalaki sa elevator. Nangunot ang noo ko ng tumingin ang isa sa akin. Sandali lang niya akong tinapunan ng tingin, pero bumaba ang mata niya bago tumalikod sa amin. “Sis, are you still there?” pukaw sa akin ni Kuya Tan-Tan “Dadalhin ko na lang sa office mo,” sabi ko. “When?” “Nagmamadali?” Narinig ko ang malutong na tawa nito sa kabilang linya, kaya hindi ko napigilang ngumiti. Ganito kami mag-usap. Ito ang paraan ng lambingan namin magkapatid. Natigilan ako ng may inilagay sa likod ko. Salubong ang kilay na tiningnan ko ito, pagkatapos ay sinulyapan si Clarkson. Itinago ko ang ngiti sa labi kahit parang napansin ko na dumilim ang mukha niya. Pinasuot kasi niya sa akin ang blazer niya. “Althea.” Napabalik ako sa huwisyo. Nasa kabilang linya pa pala si Kuya Tan-Tan. May pagkakataon talaga na parang tumitigil ang oras ko kapag si Clarkson ang kasama ko. “Dadalhin ko sa ‘yo bukas ng tanghali. Ilibre mo ako ng lunch, Kuya,” paglalambing na sabi ko. “Sure. Aasahan kita bukas. Dagdagan mo, ha. Bye.” Umikot ang mata ko pagkatapos ko makipag-usap sa kapatid ko. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa parking area. Kasabay pa rin namin ang dalawang lalaki na nahuli ko pang nakatingin sa akin ang isa. Siya rin ‘yong lalaki na tinapunan ako ng tingin sa pagpasok pa lang ng elevator. Pinagbuksan ako ni Clarkson ng pinto. Tuwang-tuwa ako dahil sa front seat niya ako pinaupo. Pero nanlumo ako sa isiping dito rin niya pinapaupo si Rosie. "Don't wear anything too revealing," he said as he got into the driver's seat. Nakasimangot na pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. “Hindi ba maganda ang dress ko?” Hindi ko na nga narinig na nag-compliment siya sa akin, pinuna pa ang suot ko. He's always so mean to me. “It's lovely, but it's too revealing. You're showing a lot of your cleavage. Hindi mo ba napansin ‘yong lalaki na kasabay natin kanina sa elevator? Tumingin siya sa dibdib mo,” walang kangiti-ngiti na sabi niya. Tumango-tango ako. Kaya pala niya pinasuot sa akin ang blazer niya. Hindi ko naitago ang pagsilay ng ngiti ko sa labi. Ayaw niyang may nakakakita na ibang lalaki sa dibdib ko. “Masaya ka pa na may tumitingin sa dibdib mo,” tiim bagang niyang sabi sa akin. Hindi ako masaya na may mga mata pala na nagpipiyesta sa dibdib ko; masaya ako dahil alerto pala siya sa paligid niya habang ako ang kasama niya. I know he only cares for me like a brother, but I can't ignore the way my heart flutters. Makalipas ang ilang minuto, huminto na ang kotse niya sa tapat ng condominium na tinutuluyan ko. Ibabalik ko sana ang blazer niya, pero hindi niya ito kinuha. Nag-aalala siya na baka pagpiyestahan na naman ang dibdib ko. As if na may gising pa ng ganitong oras. Madaling araw na, kaya imposibleng may makasabay pa ako sa elevator. Pagdating sa unit ko, hinubad ko ang blazer niya at parang hibang na inamoy ito ng paulit-ulit. Ang bango ng blazer niya. Pakiramdam ko, siya ang inaamoy ko. Pinag-iisipan ko pa kung ibabalik ko ito o hindi na. Parang gusto ko na lang itong itago at amuyin hanggang sa mawala ang amoy. Tinabi ko ang blazer niya sa closet ko. Wala akong pakialam kung hindi pa ito nalalabhan. Amoy naman niya ang hahalo sa mga damit ko. Naligo muna ako bago pumuwesto sa balkonahe. Hindi pa ako inaantok, kaya itutuloy ko na lang muna ang nobela na sinusulat ko. Bago ako magsimula, nagpaddala ako ng mensahe sa kapatid ko para sabihing nakauwi na ako. Mayamaya lang ay natagpuan ko ang sarili na tumitipa ng mensahe para kay Clarkson. “Salamat sa paghatid,” sabi ko sa mensahe. Inaasahan ko ng hindi siya sasagot, pero laking gulat ko ng may natanggap akong mensahe galing sa kanya ilang segundo pagkatapos ko magpadala sa kanya ng mensahe. “Welcome. Matulog ka na. It’s getting late,” sabi niya. “Letche! Paano pa ako makakatulog nito, aber?” walang pagsidlan sa tuwa na sambit ko. Tumatalon ang puso ko sa sobrang tuwa. Para akong teenager na pinansin ng crush ko. Anyway, crush ko na siya mula nang una ko pa lang siyang nakita. Lumalim lang ito sa paglipas ng pitong taon. “Later,” sagot ko. Kahit maikli lang ang reply ko, pinalangin ko na sana ay sumagot pa rin siya. Hinintay ko siyang sumagot. Nang tumunog muli ang message alert tone ng phone ko, muntik ko ng mahulog ang laptop ko dahil sa tuwa nang sumagot ulit siya. “Why?” “Dahil sa ‘yo,” usal ko. Pero hindi naman ako tanga para sabihin ito sa kanya. E, ‘di maghihinala siya kapag sinabi ko ito. Halos mapunit ang labi ko habang tumitipa ng isasagot sa kanya. Parang ayaw ko ng matapos ang gabing ito. Hindi pala gabi, dahil madaling araw na. “Hindi pa ako inaantok,” sagot ko. Kahit walang pagsidlan sa tuwa ang puso ko dahil nakikipagpalitan siya ng mensahe sa akin, kailangan ko pa rin maging kaswal sa pakikipag-usap. I should remain demure and mindful. Muli siyang sumagot. Pero para akong baterya ng phone na biglang nag-zero percent nang mabasa ko ang sagot niya. “Okay, good night.” Parang gusto kong ihagis ang cellphone ko dahil nag-good night na siya sa akin. But I still text him back to say goodnight. Matutulog pa rin akong may ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD