Chapter 3 Pain

2526 Words
THEA Alas kwatro ng madaling araw na ako nakatulog. Nagising ako ng bandang alas dyes na ng umaga, kaya naligo agad ako. Dadaan pa kasi ako sa publishing house para bumili ng libro. Mas mura kasi roon. May mga books ako dito, pero hindi ko ito pwedeng ibigay dahil hard copy ko ang mga ito. At saka, wala akong ideya sa gusto na genre ng kaibigan ng kapatid ko. Hindi na ako nag-almusal dahil malapit na mag-tanghalian. Pagdating ko sa publishing house, dumiretso ako sa book store area at tinawagan si Kuya Tan-Tan. “Kuya, anong genre ang gusto niya? Nandito ako ngayon sa book store ng publishing house.” “Book ng kaibigan mong writer,” mabilis na sagot nito. Umikot ang mata ko. Marami akong kaibigan na writer. Sino sa mga ‘yon? “Hindi lang isang writer ang kaibigan ko, Kuya. Huhulaan ko, gano’n?” sarkastikong sabi ko. Tumawa ito sa kabilang linya. “Si Shattered Heart daw.” Natigilan ako. Kalaunan ay mahinang natawa. Libro ko pala ang gusto. Mukhang gustong masaktan ng kaibigan niya. “Okay. What is the title of the story?” “I'll ask her first.” “Pakibilisan, Kuya. Nagugutom na ako,” reklamo ko rito. “Don't tell me, hindi ka kumain ng almusal dahil alam mong ililibri kita ng lunch?” “Tanghali na ako gumising, kaya hindi na ako kumain ng almusal.” "Okay, I'll send you the title. Please have Shattered Heart sign it too, okay?” “No problem, my handsome kuya,” malawak ang ngiti na sabi ko. Hinintay kong i-send niya ang title. Mayamaya lang ay natanggap ko na ang pamagat. “Heartless Billionaire” was the title of the story. It's one of my novels with a sad and painful narrative about a billionaire who learns the true meaning of love after losing everything. However, it has a happy ending. Bagong publish lang ang librong ito. At dahil sa akin ang libro, maswerte ang kaibigan ni Kuya Tan-Tan dahil makakatanggap siya ng freebies mula sa akin. Kapag nai-turnover na kasi ito sa mga bookstore, wala na itong freebies. “May pagbibigyan ka?” tanong ni Berry, ang kahera sa book store ng publishing house nang inabot ko ang bayad sa kanya. “Kaibigan ng Kuya ko,” nakangiting sagot ko. “Mukhang gusto niyang masaktan, ano?” natatawang saad niya. “Hayaan mo na. Happy ending naman. Masasaktan lang siya ng konti,” sabi ko na natatawa rin. Nabasa na nito ang "Heartless Billionaire," kaya alam na niyang masakit ang kwento. Pagkatapos kong magbayad, pumunta muna ako sa mall para bumili ng pambalot sa libro, bago pumasok sa isang coffee shop at umorder ng iced coffee. Naghanap ako ng bakanteng mesa. Nakakita ako sa sulok, kaya dito ako pumuwesto. Pinirmahan ko ang libro at nagbigay ng kaunting mensahe bago ito binalot kasama ng mga freebies. Napangiti ako pagkatapos kong balutin ang libro. Nilagyan ko pa ito ng sticker sa gitna na may nakasulat na Shattered Heart. Nang maubos ang iniinom kong iced coffee, dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng prutas para kay Daddy. May edad na kasi ito, kaya kailangan ay bigyan ito ng pampalakas ng immune system. Pasado alas onse na kaya medyo hindi na ganoon kaluwagan ang usad ng mga sasakyan sa daan. Tinawagan ko muna si Kuya Tan-Tan para sabihin na papunta na ako. Baka naiinip na kasi sa akin. “I'm on my way na, Kuya. Na-stuck lang ako ng traffic,” sabi ko nang sinagot nito ang tawag ko. “Take your time, sis. May ginagawa pa naman ako.” “Sige. Dadaanan ko muna si Daddy bago ako pupunta sa ‘yo, okay?” “Are you sure?” Nagsalubong ang kilay ko sa tanong nito. “Bakit?” “Mainit kasi ang ulo niya.” “Ha? Bakit?” Tumahimik ito sa kabilang linya. Parang nag-aalangan itong sabihin sa akin ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ng ama namin. “Sige, puntahan mo na lang siya. Basta sandali ka lang, okay?” Wala akong nagawa kundi sang-ayunan ang kapatid ko kahit hindi nito sinagot ang tanong ko. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na rin ang kumpanya namin. Parang nagdadalawang-isip na akong puntahan si Daddy, lalo na nang sinabi ng kapatid ko na mainit daw ang ulo nito. Pero sayang itong binili ko kung hindi ko siya pupuntahan. Kapag mainit kasi ang ulo nito, ayaw niya na kinakausap siya dahil baka madamay lang ang kumausap sa kanya. Pagkatapos kong mag-park ng sasakyan sa labas ng Ravalez Group of Company, dumiretso agad ako sa lobby at lumapit sa information desk. “Hi, Georgina,” magiliw na bati ko sa information clerk na naka-duty dito. “Ma'am Thea, kayo po pala. Diretso ka na lang po,” nakangiting sabi nito. "Could you please let my dad know first? Baka kasi busy s'ya at ayaw muna niya ng istorbo.” “Sige po, ma'am.” Ilang sandali lang ay kausap na niya ang sekretarya ng daddy ko. “Hindi busy ang daddy n'yo, Ma'am Thea,” sabi niya pagkatapos makipag-usap sa sekretarya ni daddy. “Thanks, Georgina.” Naglakad ako palapit sa elevator. Hahabulin ko sana ang pasara na elevator, pero hindi na ako nakaabot. Ngunit natigilan ako nang mahagip ng mata ko ang mga sakay nito. Hindi lang malinaw, pero parang may pamilyar na mukha na kasama ang ibang empleyado sa loob. Umakyat ako sa ika-labing siyam na palapag. Nandito ang opisina ni Daddy at Kuya Tan-Tan. May ibang empleyado na matagal na sa company at kilala ako, kaya binabati nila ako. Nang makita ako ni Agnes, sekretarya ni Daddy, ngumiti agad siya sa akin. “Pasok ka na, Ma'am Thea,” salubong na sabi niya sa akin. Pagkatapos kong magpasalamat, pumasok ako sa opisina ni Daddy. Tama nga ang sabi ng kapatid ko dahil halata sa hindi maipinta nitong mukha na mainit ang ulo nito. “Hi, Dad,” magiliw pa rin na bati ko. Hindi ko pinahalata na alam kong mainit ang ulo niya. Kaagad na naghiwalay ang magkadikit niyang kilay nang makita ako. Umaliwalas din ang mukha niya. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap. “My princess,” malambing na sabi nito. Tinapik-tapik ko ang likod niya. Kahit man lang dito ay mabawasan kung ano ang iniisip niya. “May dala akong prutas. Kainin mo, ha. Huwag n'yo ng patagalin para hindi mawala ang sustansya,” bilin ko at pinatong ang supot sa ibabaw ng office table niya. “Thanks, sweetheart.” “Kumain ka na po ba ng lunch? Sumabay ka na sa amin ni Kuya Tan-Tan. Ililibre niya ako ng lunch,” pilya ang ngiti sa labi na sabi ko. Pilit kong pinapagaan ang loob niya, ngunit hindi man lang siya ngumiti. “Later, anak. May kailangan pa akong tapusin,” sagot nito nang bumalik sa swivel chair nito. Bumuntong-hininga ako. Hindi na ako nagtanong kung ano ang problema dahil alam ko sa sarili ko na wala rin akong maitutulong. Sinabi ko na lang na magte-take out na lang ako ng pagkain para sa kanya. “Althea, anak.” Malapit na ako sa pintuan ng tinawag niya ako. Nilingon ko siya. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi nakaligtas sa mata ko ang guilt sa mukha nito. Mayamaya lang ay ngumiti siya. “Mahal kita, anak.” Bagamat nagtataka sa pagbabago ng emosyon nito, ngumiti pa rin ako. “I love you too, Dad,” tugon ko bago lumabas ng opisina niya. Nasa pasilyo na ako at naglalakad patungo sa opisina ni Kuya Tan-Tan ay napapaisip ako. Parang may problema si Daddy na hindi niya magawang sabihin sa akin. Parang may pumipigil sa kanya. Ngumiti agad si Penelope nang makita ako. Siya naman ang sekretarya ni Kuya Tan-Tan. I think there's something going on between her and my brother. They seem to be getting really close lately. “Si Kuya?” “Nasa loob.” Napansin ko na parang pasimpleng gumala ang mata niya. Nagkaroon kaagad ako ng ideya na baka siya ang kakilala ng kapatid ko na gusto ng libro ko. Natatawa ako sa pagtatago nila sa akin. Wala silang ideya na nahahalata ko na silang dalawa. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa opisina ng kapatid ko. “Kuya, I'm hungry—” Naputol ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang prenteng nakaupo sa sofa na kasama niya. Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ko nang magtapo ang aming mga mata. Hindi kaya siya ang nakita ko sa elevator kanina? “Nandito ka pala,” pormal na sabi ko. Dapat maging kaswal pa rin ang pakikitungo ko sa kanya, kahit gusto ko nang tumalon sa tuwa dahil hindi ko inaasahan na pupunta pala siya sa opisina ng kapatid ko. “Yeah,” tipid niyang tugon. “Galing ka na sa opisina ni Daddy?” tanong ni Kuya Tan-Tan. Umupo ako sa sofa saka kinuha ang nakabalot na libro sa bag ko. Inabot ko ito sa kapatid ko. “Yes.” Hindi ko na uusisain ang napansin ko kay Daddy. Ayokong may ibang nakakarinig na pinag-uusapan namin ang problema ng pamilya kahit si Clarkson pa iyan. Akmang kukunin ni Kuya Tan-Tan ang libro ng nilayo ko ito sa kanya. Nagsalubong agad ang kilay niya dahil sa ginawa ko. “Bayad muna,” nakataas ang kilay na sabi ko. Pumalatak siya. “Ayaw mo talaga magpalamang,” napapailing na sabi nito. “Sa panahon ngayon, wala ng libre kahit magkapatid pa tayo,” pilyang sabi ko. “E, bakit nagpapalibre ka sa ‘kin ng lunch?” “Dahil dito,” tukoy ko sa libro ko. “May freebies na ang kakilala mo, may pirma pa ng writer. Dapat lang talaga na ilibre mo ako,” malawak ang ngiti na sabi ko. “Pambihira, ililibre na nga kita, babayaran ko pa itong libro. Dehado yata ako,” reklamo nito. “Ang daming reklamo. Akin na ang bayad mo, Kuya, para makakain na tayo. Nagugutom na ako,” iritableng sabi ko. “Sandali. Kukunin ko lang ang wallet ko.” Nang tumayo si Kuya Tan-Tan, saka ko lang nagawang tingnan ulit si Clarkson na hindi ugaling makisali sa sagutan namin ng kapatid ko. Natutuwa pa nga yata siya na nakikita kaming nagtatalo sa harap niya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, kaya ngumiti ako sa kanya. “Hindi ko alam na pupunta ka, kaya hindi ko nadala ang blazer mo.” “It's okay. Ibigay mo na lang sa akin sa ibang araw,” sagot niya. “Hey, how much?” Masama ang tingin na binalingan ko ang kapatid ko. Istorbo kasi sa pag-uusap namin ng mahal ko. “Two thousand.” “What? Ang mahal naman.” Ang totoo, hindi aabot ng dalawang libo ang libro. Gusto ko lang singilin ng mahal si Kuya Tan-Tan dahil sa paglilihim niya sa status nila ni Penelope. “Makapal ang libro at bagong release ng publishing house, kaya asahan mo na mahal, Kuya,” paliwanag ko. “Dinudugasan mo na ako, Althea, ha. Baka pati ‘yong freebies, may bayad din.” “Kaya nga freebies, kasi free. Ang may bayad, ‘yong effort ko. Ako kaya ang nagbalot nito. Kinausap ko pa si Shattered Heart para pirmahan niya itong libro. Imagine, sinadya ko talaga siya para lang magpapirma. Kaya huwag ka na magreklamo, Kuya. Bayaran mo na ako.” Binanggit ko talaga ang mga ginawa ko para makonsensya siya sa pang-aabala niya sa akin. Napatingin ako kay Clarkson nang tumikhim ito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagpipigil niyang tumawa. Pasimple akong napangiti. Tumataba ang puso ko kapag napapatawa ko siya kahit hindi niya pinapakita sa akin. “Ito na.” Inabot ni Kuya Tan-Tan ang dalawang libo sa akin, sabay hablot sa libro na hawak ko. “Thank you, my handsome brother,” malambing na sabi ko at kaagad na tinago ang pera sa wallet ko. Binalingan ko si Clarkson. “Sasabay kang mag-lunch sa amin.” Sana, sumabay siya. Lihim kong panalangin. “Yeah.” Yes! Tumalon sa tuwa ang puso ko. Ilang sandali lang ay sabay-sabay na kaming lumabas ng opisina ni Kuya Tan-Tan. Sa malapit na restaurant lang kami kumain. Nang magpaalam si Kuya Tan-Tan na magba-banyo siya, natuwa ako dahil masosolo ko kasi si Clarkson. “Babalik ka sa opisina ni Kuya after natin kumain?” tanong ko. Kung babalik siya, sasama ako. Wala naman akong ibang gagawin. Mamayang hapon pa ako magsusulat. “Hindi na. Babalik na ako sa opisina ko.” Kahit nadismaya, tumango na lang ako. “How about you?” Natigilan ako. Tumalon na naman ang puso ko sa tuwa dahil tinanong niya ako. It's a small thing for him, but it means a lot to me. “Dadaan ako sa shop namin. Nami-miss ko na ang mga bake ni Mommy. After that, pupunta ako sa bahay. Kukunin ko si Nos.” Seven years ago, after telling him I had a cat, even though I wasn't really into cats, I bought a British Shorthair cat, the same breed as Alta. So, I've had a cat for seven years. “Iniiwan mo rin sa bahay n'yo?” he asked. “Yes, pero kukunin ko na s'ya ngayon.” “I see.” “Si Alta?” Kapag pusa ang pinag-uusapan, mapapahaba ang usapan namin. Isa sa dahilan kung bakit ipinasya kong mag-alaga ng pusa dahil makakausap ko siya ng matagal. “She's currently at my condo.” Sa pagkakaalam ko, dinala na niya si Alta sa condo niya. Namo-monitor na kasi niya ito kahit nasa opisina siya. Tumango-tango ako. Mayamaya lang ay dumating na ang order namin. Sumunod ay si Kuya Tan-Tan. Nilalagay ng waiter ang mga order namin sa mesa nang natabig ko ang kutsara, kaya nahulog ito sa sahig. Yumukod ako para kunin ito. Nang hawak ko na ang kutsara, ay parang may dumaloy na libo-libong kuryente sa katawan ko nang mahawakan niya ang kamay ko. Dadamputin din pala niya ang kutsara. Nawalan ako ng balanse sa upuan, kaya napaupo ako sa sahig. Pero dahil nataranta ako, hindi sinasadyang tumama ang noo ko sa noo niya. Napangiwi ako habang hawak ang noo ko. Tinanggal niya ang kamay sa noo ko, sabay marahan niya itong hinaplos, at sinabing, “Are you alright?” Tiningala ko siya. Halos gahibla na lang ang espasyo ng mukha namin sa isa’t isa. Napansin kong bumaba ang mata niya. Hindi ko lang matukoy kung saan siya nakatingin. Parang gusto ko siyang kabigin at halikan para maranasan ko maman mahalikan ng lalaking matagal ko ng lihim na minamahal, pero wala akong karapatan. Magiging komplikado lang ang sitwasyon kapag ginawa ko iyon. “Babe?” Biglang naglaho ang pantasya ko nang marinig ang pamilyar na boses. Sabay kaming napatingin sa bagong dating. She was smiling while looking at him. There was no hint of jealousy on her face dahil alam niyang parang kapatid lang ang turing sa akin ni Clarkson. Inalalayan ako ni Clarkson tumayo. Parang piniga ang puso ko ng bitawan niya ang kamay ko para lupitan si Rosie. A sharp pain pierced my heart when I witnessed him kissing Rosie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD