THEA
Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Akala ko, noo lang ang masakit sa akin dahil sa pagkauntog ko sa kanya, pero pati pala puso ko ay masasaktan dahil sa pagsulpot ni Rosie.
“Hi, guys!" bati ni Rosie nang tinuon niya ang atensyon sa amin magkapatid.
Tipid akong ngumiti. Hindi nama siguro halata na nasasaktan ako. Ganito talaga ako kapormal kapag nakikita siya. Hindi kami close para salubungin pa siya ng yakap.
“Saluhan mo na kami, Rosie.”
Parang gusto kong batukan si Kuya Tan-Tan dahil niyaya pa niya si Rosie. Gusto yata niyang paglamayan na ang puso ko. Sabagay, wala itong alam na may lihim akong pagtingin kay Clarkson. Walang ibang nakakaalam ng nararamdaman ko para rito kundi ang kapatid lang nito. Wala ring ibang nakakaintindi sa pinagdadaanan kong hirap at pagdurusa kundi si Chazzy lang.
“Okay lang ba?”
“No problem,” sagot ng kapatid ko.
Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi sumang-ayon na lang din, kaysa magpakita ako sa kanila na labag sa kalooban ko na saluhan kami ni Rosie? After all, wala naman itong ginagawang masama sa akin para pakitaan ko ng hindi kagandahang asal. It's not her fault that she fell in love with the man I love. I wasn't around when they met.
Pinaghila niya ng upuan si Rosie sa tabi niya. “What would you like to eat?" he asked, handing her the menu.
Umupo na rin kami ni Kuya Tan-Tan. Kaagad kong inabala ang sarili sa cellphobe ko para makaiwas sa makikita ko na masakit sa mata.
“Ikaw na ang bahala, babe. Magche-cheat day muna ako sa pagkain ngayon. Hindi naman siguro kabawasan kung kakain muna ako na sisira sa diet ko.”
Kailangan talaga niyang mag-diet dahil model siya. Ako kasi, kapag naisipan kong kumain, kakain talaga ako. Kapag dumadating sa punto na nagke-crave ako ng isang pagkain na wala akong stock sa condo ko, kahit madaling araw pa iyan, lalabas ako. Mabuti na lang ay may malapit na convenience store sa condo.
“Sige, ako na ang bahala.”
“Thanks, babe.”
Kung pwede lang sana maglagay ng earpods sa tainga para hindi ko marinig ang endearment nila sa isa't isa ay ginawa ko na. Lalo lang naninikip ang dibdib ko. Mukhang uuwi akong masakit ang noo, mata, at puso.
Tinawag ni Clarkson ang waiter at sinabi niya ang order para kay Rosie.
"Could I get another spoon, please? Nahulog kasi ang isang kutsara,” sabi niya sa waiter.
Kahit paano, natuwa pa rin ako dahil hindi niya nakalimutan na palitan ang kutsara na nahulog ko. Ako kasi ang gagamit nito.
"You guys eat first. I'll wait for my food.”
“Sabay-sabay na lang tayong kumain,” Kuya Tan-Tan the Great said. Sarap singilin ng mas mahal sa susunod.
“Nakakahiya naman. Baka gutom na si Thea.”
Saka lang ako nag-angat ng mukha para tingnan si Rosie. “It's fine with me, Rosie. Sabay-sabay na lang tayo,” nakangiting sabi ko.
Wala naman akong magagawa kahit gutom na ako. Kaysa magmukhang patay-gutom ako kapag nauna na akong kumain sa kanila.
“Hindi mo sinabi na nandito ka. What brought you here?” tanong ni Clarkson sa girlfriend niya.
“Malapit kasi dito ang shoot namin, kaya dito namin piniling kumain. Then I saw you, kaya nilapitan ko kayo,” nakangiting sagot nito. Tumingin siya sa kanang bahagi ng restaurant at tinuro ang mga kasama niya. “There, o. Iniwan ko sila,” natatawang dagdag pa niya. Kumaway ang mga kasama niya sa direksyon namin nang mapansin na nakatingin kami sa kanila.
“Mabuti nakita mo kami,” Kuya Tan-Tan said.
“Parang magnifying glass kasi ang mata ko kapag nararamdaman ko na parang nasa paligid ko lang si Clark.”
Pasimpleng tumaas ang sulok ng labi ko nang marinig ang sinabi niya. Parang ang corny sa pandinig ko. Sabagay, nagiging corny rin ako minsan dahil sa pagkahumaling ko kay Clarkson. Hindi pala minsan, kundi araw-araw. We both fell for the same man, and we're both kind of cheesy about him. The only difference is that he loves her, not me. That fact makes me hurt even more.
Mayamaya lang ay dinala niya ang kamay sa ibabaw ng kamay ni Clarkson. Hindi ko kayang tingnan na magkahawak ang kanilang mga kamay, kaya tinuon ko ang atensyon sa ibang direksyon. Hindi pa ba dadating ang order niya? Unti-unti na akong nawawalan ng gana.
"Hey Thea, I heard that Shattered Heart is releasing a new book. Would you mind letting me know when it comes out?”
Hindi na ako nagulat nang binanggit niya ang pen name ko. Isa rin kasi siya sa mahilig magbasa ng mga akda ko. Updated nga siya dahil kailan lang nang i-post ng admin sa page ng publishing house na may bago akong ilalabas na libro.
“No, problem. Ako na ang bahala kapag lumabas na ang book,” kaswal na sagot ko.
“Thank you, Thea. Anyway, matagal nang writer si Shattered Heart, pero hindi pa siya lumalabas sa publiko. Hindi rin siya um-attend sa mga book signing event. Siya pa naman ang inaabangan ng ibang mga bookworm lovers, and I'm one of those people who are eagerly waiting for her public appearance,” puno ng kuryusidad na tanong nito.
Pinaghandaan ko na ang mga ganitong tanong, kaya madali na lang sa akin na magpaliwanag, dahil ang alam ng nakakakilala sa akin ay editor ako sa isang publishing house kung saan manunulat si Shattered Heart.
"She's a very private person, Rosie. She's content knowing that people enjoy her work, even if she keeps a low profile," I said, which was true.
Kung alam lang nila na kaharap na nila si Shattered Heart.
Mayamaya lang ay dumating na ang pagkain niya. Sa wakas, makakakain na rin ako. Sa pagkain ko na lang idadaan ang puso kong lihim na nagdurugo.
Kaswal akong nagpasalamat kay Clarkson nang ibinigay niya sa akin ang kutsara na hiningi niya. Iniwasan ko rin tumingin sa kanya.
“Gano'n ba? Sayang naman. But if she ever decides to come out and meet fans, please let me know. I'd love to meet her. Sobrang gustong-gusto ko ang mga libro niya kahit masasakit ang kwento.”
My new book is going to break her heart even more because it doesn't have a happy ending. Parang ngayon lang ako natuwa na ipabasa, lalo na sa kanya, ang kwento ni Martha.
“Hold on, is Shattered Heart a woman or a guy?”
Mula sa pagkain ay sinulyapan ko siya. Mahirap bang hulaan kung babae o lalaki si Shattered Heart? Kanina pa namin siya pinag-uusapan, pero wala pa pala siyang ideya kung babae o lalaki si Shattered Heart? I can't believe this.
"I'm pretty sure Shattered Heart is a woman," Kuya Tan-Tan said, which made me look at him.
“Really?”
“Halata naman sa mga sinusulat niya,” sabi niya na parang buo ang kumpiyansa na tama ang hula niya. "I was at a bookstore the other day, and I saw her book. It wasn't sealed, so I opened it up and read a page.”
“Then…” Bakas sa tono ng boses ni Rosie ang kagustuhan na malaman kung babae o lalaki si Shattered Heart. I wonder kung big deal ba sa mga mambabasa ang gender ng mga manunulat. Ang mahalaga naman kasi ay nakapagsulat ng magandang craft ang manunulat, kahit babae o lalaki pa iyan.
Anyway, bakit ako ang topic dito? I mean, bakit si Shattered Heart?
“It was filled with heartache. Kahit anong pahina ang buklatin ko at basahin, lahat ay masakit ang bitaw ng mga salita niya. Mukhang bigo sa pag-ibig si Shattered Heart at sa libro lang niya dinadaan ang kabiguan niya,” natatawang komento ng kapatid ko sa librong binasa.
I automatically raised an eyebrow at him. What he said was partly true, but I wasn't comfortable with him laughing at someone's pain.
"Do you find that funny, Kuya? Huwag mong gawing katatawanan ang pinagdadaanan ng isang tao,” hindi ko napigilang sabihin dito. Kung hindi ko lang talaga siya nakatatandang kapatid, nginudngod ko na ang mukha niya sa pagkain.
Unti-unting humina ang tunog ng pagtawa niya at kaagad na sumeryoso ang mukha. Bigla naman akong nahimasmasan dahil sa sinabi ko. Alanganin na lang akong ngumiti dahil sa akin na pala sila nakatingin.
“I mean, hindi porket masakit ang mga sinusulat ay bigo na sa pag-ibig. Ang ibang writer kasi, hindi lang puro kilig ang dapat na isulat. Saan ka nakakita na puro kilig lang ang nararanasan ng buhay pag-ibig ng isang tao? Puro saya lang ba, walang sakit? Kumbaga, nangyayari rin sa totoong buhay ang mga sinusulat nila para mas maka-relate ang mambabasa. At hindi ibig sabihin na bawat pahina na nababasa na masakit, broken-hearted ang nagsulat. Hindi ba pwedeng binahagi lang nila sa bawat mambabasa ang kabiguan na naranasan nila?” mahabang paliwanag ko.
Pinagtanggol ko na ang sarili ko dahil walang ibang gagawa nito kundi ako lang.
Bahagyang nakaawang ang labi ni Kuya Tan-Tan pagkatapos kong magpaliwanag. Mayamaya lang ay pumalakpak siya na may kasama pang pag-iling. Iniinis lang yata niya ako. Kung wala lang kaming kasama, baka kung ano-ano na ang sinabi ko sa kanya.
“Ikaw, Thea, nasaktan ka na ba?” tanong ni Rosie, kaya muli ko siyang binalingan.
After Shattered Heart, it'll be my turn to be the subject of discussion. Amazing!
Iniiwasan kong tumama ang mata ko kay Clarkson dahil siya ang sagot sa tanong ng girlfriend niya. Lagi akong nasasaktan tuwing nakikita kong magkasama sila, at kung paano nila ipakita sa akin kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
“Paano masasaktan ang kapatid ko? Wala pang naging boyfriend iyan,” sabat ng magaling kong kapatid.
Totoo, wala pa akong naging boyfriend. ‘Yong lalaki kasing pinangarap ko, nakuha na ng iba. May mga nagpapalipad ng hangin, pero hindi ko na pinapaasa. Sinasabi ko na lang na may boyfriend na ako, kahit wala pa talaga.
"Even date someone, too?”
“Tamad akong makipag-date,” sagot ko.
Totoo, tamad ako. Sinubukan ko, pero hindi ko na inulit. That was two years ago. May hinahanap kasi ako na hindi ko makita sa kanila. Dahil siguro walang ibang nasa isip ko kundi makahanap ng katulad ni Clarkson. Kaso, wala. Nang-iisa lang talaga siya sa puso ko. Sa taas ng standard ko, tatanda yata akong dalaga.
"You should give dating a try, Thea. I'm sure you'll find someone special who will love you.”
Wala nga, e. Katabi mo ang lalaking gusto kong maka-date!
“Tama ka. Medyo nagkaka-edad na rin ako. Malay mo, kapag nagkita tayo, may ipakikilala na ako sa inyo,” nakangiting sabi ko.
Hindi ko naiwasang tingnan si Clarkson. Nang magtagpo ang aming mga mata, awtomatikong bumilis ang t***k ang puso ko. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Siguro, isa siya sa matutuwa kapag nalaman niyang may dini-date na ako.
Hindi ko namalayan na ubos na ang pagkain ko, kaya dessert na ang sunod na nilantakan ko. Nakatuon ang atensyon ko sa pagkain, pero lihim na nagmamasid sa gilid ang mata ko. Sinusubuan ni Rosie si Clarkson ng dessert na in-order nila. Sa harap ko pa talaga naglambingan ang dalawa.
Pagkatapos kumain, kasama si Rosie, sabay-sabay na kaming lumabas ng restaurant. Hinatid lang niya si Clarkson sa labas dahil babalikan niya sa loob ang mga kasama niya.
"Got any plans for later, babe?" Rosie asked, her arms wrapped around him.
Ewan ko ba kung bakit nakatingin pa ako. Pwede naman kasing mauna na ako sa kanila. Pero wala akong choice kundi hintayin sila dahil naka-park ang sasakyan ko sa harap ng kumpanya namin.
"Nothing. Why?"
"Mind if I come over to your place?”
Hindi lang basta may humiwa sa puso ko, kundi para na itong binabaon sa ilalim ng hukay dahil sa narinig ko. Kailangan ba talagang iparinig sa amin? Kaunting delikadesa naman sana dahil babae siya.
“Please.”
And now, she's begging Clarkson to say yes.
Huwag kang papayag, please! Parang gusto kong isigaw sa kanya.
“Okay.”
Abot langit ang ngiti ni Rosie sa naging tugon ni Clarkson. Ako naman ay abot sa ilalim ng lupa ang kirot na nararamdaman sa pagpayag niya.
“Thanks, babe,” malawak ang ngiti na sabi ni Rosie, sabay halik sa labi niya.
I looked away. I couldn't take it anymore. Tumingala ako at nagkunwari na tumingin sa sikat ng araw. Tinakpan ko na lang ng kamay para hindi halata ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko.
What I witnessed felt like painful torture. I guess this is the price I pay for wanting to be with Clarkson—to be hurt by seeing their sweetness.