THEA Kahit mahirap tanggapin ang pagkawala ni Kuya Tan-Tan, kailangan na namin siyang ihatid sa huli niyang hantungan. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya sa piling namin. Pakiramdam ko, nasa paligid lang siya at nakamasid sa amin. Parang kasama pa rin namin siya at nakikipagkulitan sa akin. Naiwan akong mag-isa sa puntod ni Kuya Tan-Tan. Wala na akong mailuha. Ubos na ubos na ang luha ko, kaya hindi ko na magawang umiyak. Parang pagod na ako sa lahat ng bagay. Nakakapanghinayang ang kapatid ko. Bata pa siya at marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Wala akong matandaan na naging kaalitan ng kapatid ko. Wala naman siyang inatupag kundi ang kumpanya lang. Kaya bakit may mga taong halang ang kaluluwa, na kahit wala namang ginagawang masama sa kanila, basta gusto nilang pumat

