Chapter 49 Let Go

2113 Words

THEA Hindi na ako nag-aksaya ng oras, dali-dali akong nagpalit ng damit at mabilis na lumabas sa cabin. Wala akong pakialam kahit gabi na, ang mahalaga ay makaalis agad ako sa isla. Pinuntahan ko ang cabin kung saan nakalagak ang front desk para itanong kung may speedboat na umaalis ng ganitong oras. Pero nanlumo ako nang sinabi nito na sa umaga lang available ang speedboat. Ilang beses akong nakiusap. Nagbakasakali na mapakiusapan ko. Nakuha ko na rin ang atensyon ng ibang staff dahil para na akong nagwawala sa lobby. Pero kahit anong gawin ko, ayaw nila akong pagbigyan. Hindi nila ako pinapaalis dahil delikado na raw pumalaot sa dagat ng ganitong oras. “I'm sorry, but I need to leave, Miss. My brother needs me. Magbabayad ako ng doble basta itawid n'yo lang ako sa isla. Please, plea

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD