Chapter 48 Kuya Tan-Tan

2354 Words

THEA Umiiyak na bumalik ako sa condo ko. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao na nakakakita sa akin. Pagdating sa unit ko, dumiretso ako sa kwarto ko. Umupo ako sa sahig at sinubsob ang mukha sa kama ko. Dito ko nilabas ang lahat ng emsosyon ko. Sobrang sakit na pinagtatabuyan ka ng taong mahal mo, pero mas masakit pala ang iwasan ka niya. Paano niya nagagawang ngumiti nang ganoon na parang hindi iniisip na bago si Rosie ang pinagbuksan niya, ako itong naghahangad na makausap pa rin siya at gustong ibalik kung ano ang mayroon kami kahit nagawa kong magtapat sa kanya? Ganoon na ba ako walang kaimportansya sa kanya para baliwalain niya ako ng ganito at magpanggap na parang walang nangyari? Siya na ba ang gumagawa ng paraan para sundin ang Daddy ko? Paano naman ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD