CLARK “Don't make me choose, Rosie.” Tinalikuran ko siya at pumunta ako sa kusina. Naramdaman kong sumunod siya. Natigilan ako nang makita ang pagkain sa mesa. May nakatimpla na ring juice. Napabuntong-hininga na lang ako sa pagkadismaya. Kakainin dapat namin ni Thea ang hinanda niya. “Why? Is it because you'll choose her instead of me?” “Rosie, stop. I'm not in the mood to argue,” I said calmly. I'll try to be patient with her. Binalik ko sa box ang nakalabas na pastries at nilagay ito sa refrigerator. Ang juice naman na tinimpla niya ay nilagay ko sa isang lalagyan. Ayokong masayang ang effort niya, kaya iinumin ko ito mamaya. “Bakit hindi mo ako masagot, Clark? Pipiliin mo ba siya kaysa sa akin?” Napahinto ako sa ginagawa ko. Pareho silang mahalaga sa akin, pero ‘wag niya ako

