Chapter 9 Fine Woman

2439 Words

THEA “A-ano’ng ibig mong sabihin?” Biglang akong nautal. May naghahabulan na namang libo-libong kabayo sa dibdib ko. Siya lang talaga ang nakakagawa nito sa akin. Napalunok ako ng bumaba ang mata niya sa ibabang bahagi ng mukha ko, partikular sa labi ko. Ilang beses na niya itong ginagawa, kaya may pagkakataon na nagiging malikot ang takbo ng isip ko. Para kasing gusto niya akong halikan, pero kalaunan ay nahihimasmasan ako dahil baka mamalayan ko na lang, ako na pala ang nag-first move sa sobrang pagkahumaling ko sa kanya. Mula sa labi ko ay muli niyang binalik ang tingin sa akin. Naramdaman kong bumaba ang isang kamay niya na nakatukod sa pinto. Pigil ang aking hininga ng maramdaman ko ito sa baywang ko. Mayamaya lang ay halos hindi na ako huminga ng dahan-dahan niyang nilapit ang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD