THEA “May kasama ka pala,” sabi ni Aiden ng nasa harap na namin siya. “Nauna siya sa akin. Hindi ko alam na nandito s'ya.” Umusog ako ng upo para bigyan siya ng espasyo sa tabi. Pahaba kasi ang mga upuan sa shop. “Natatandaan mo si Clarkson?” “Yes, of course.” “Hindi ko nasabi sa ‘yo, kuya-kuyahan ko pala siya.” Nagtagpo ang mata namin ni Clarkson. Napuno ng pagtataka ang mukha niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at muling ibinalik ang tingin kay Aiden. “Really?” Tinapunan niya ng tingin si Clarkson. “It's good to see you again, pare.” “Likewise,” tipid na tugon ni Clarkson. “Kuya siya ng matalik kong kaibigan. Para ng kapatid ang turing niya sa akin. Nakakatuwa nga dahil dalawa ang kuya ko,” proud na sabi ko, pero may bahagi roon na labag sa kalooban ko. Kahit kailan ay hindi

