THEA “Ano’ng sabi mo?” tanong ko dahil parang hindi nagproseso ng maayos ang sinabi niya sa utak ko. Hinintay ko siyang magsalita, pero tinitigan lang niya ako. Mayamaya lang ay naglakad na siya. Nilampasan lang niya ako at pumasok sa nakabukas na pinto. Hanggang sa narinig kong tinawag niya ang dalawang pusa. Saka ko lang nagawang ilibot ang paningin sa loob ng condo unit niya. Maaliwalas ang loob ng unit niya. Kung wala lang mga kalat sa sahig dahil sa kagagawan ng mga alaga namin, malinis itong tingnan. Napabuga ako ng hangin at sumunod sa silid kung saan siya pumasok. Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang kwarto niya. Halatang lalaki ang nakatira dahil walang masyadong laman na gamit sa loob ng silid. Hindi ko naiwasan tapunan ng tingi

