Chapter 12 Showed Up

2634 Words

THEA Ilang araw na rin simula nang huli kong nakita si Clarkson. Mabuti na rin siguro na hindi ko muna siya nakikita para makapagpahinga naman itong puso ko. Nag-aalala rin kasi ako na baka ako pa ang maging dahilan upang maghiwalay sila ni Rosie. “Thea, pumunta ka raw sa opisina ni Ma'am Noemi,” sabi ng isa sa mga kasamahan kong manunulat. Kasalukuyan akong nasa publishing company. Nababagot na kasi ako sa condo unit ko. Iniiwasan ko rin pumunta sa shop dahil baka magkita ulit kami ni Clarkson doon. Kahit namimiss ko na siya, kailangan ko muna umiwas para sa ikatatahimik ng girlfriend niya. Tumayo ako at pumunta sa opisina ni Ma'am Noemi. Inaasahan ko na sana magandang balita ang sasabihin niya sa akin. Nakangiting pumasok ako sa opisina niya. Umupo ako at hinintay siyang magsalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD