THEA Mabilis kong hinarap si Chazzy. “What is he doing here?” tukoy ko kay Clarkson. She simply shrugged her shoulders in response. “Sis.” Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ang boses ni Clarkson. Mayamaya lang ay nasa tabi na namin silang dalawa ni Aiden. “Sabay pa tayo ng dating, pare,” sabi ni Aiden. “Yeah, what a coincidence. I didn't expect to see you here,” sagot ni Clarkson bago ako sinulyapan. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti nang magtagpo ang aming mga mata. Gusto ko sana magtanong kung kumusta na sila ni Rosie, pero hindi ko na lang ginawa. Pinili ko kasi na ‘wag siyang tawagan o i-text. Baka kasi kapag nabasa ni Rosie ay pagmulan na naman ng pagtatalo nila. Ayokong ako ang maging dahilan ng pag-aaway nilang dalawa. “It's so good to see you again, Thea.”

