THEA Pinahupa ko muna ang emosyon ko dahil medyo namumugto na ang mata ko. Baka mahalata nila na umiyak ako. Baka isipin ni Clarkson, umiyak ako sa sinabi niya. Hangga't maaari ay ayokong ipakita sa kanya na apektado ako sa pag-uusap namin. Tama na ‘yong nagtanong ako sa kanya kanina. Sa kanya na rin mismo nanggaling na ‘wag ko ito masyadong isipin. Naligo ako at inayos ang dala kong mga gamit. Pagkatapos, nagluto ako ng tanghalian. Nang wala na akong gagawin, kinuha ko ang laptop ko at pumuwesto sa duyan. Tinuon ko ang atensyon sa laptop ko at nagsimulang tumipa sa eksenang biglang pumasok sa utak ko. Pero isang eksena pa lang ang ginagawa ko, muli ko itong binura. Hindi maganda ang eksena. Dapat simula pa lang ay magugustuhan na ng mambabasa. Pero ang ginawa ko, masyadong plain. Hind

