Chapter 28 Just Smile

2524 Words

THEA Inabala ko ang sarili sa pagsusulat. Tinuloy ko ang nasimulan ko sa isla. Kahit paano ay umuusad naman ako kahit maya't maya ang bura ko sa bawat eksena na sinusulat ko. Hindi ako makuntento sa sinusulat ko. Parang walang buhay, kaya pinipili kong burahin. Inaamin ko, bumagal akong magsulat ngayon. Parang bigla akong nawalan ng gana sa pagsusulat. Nawala ang sigla ko sa pagsusulat. Kung dati, sabik akong magsulat, ngayon ay parang pinipilit ko na lang. Pakiramdam ko ay naghahanap lang ako ng dahilan para libangin ang isip ko. Binalingan ko si Nos sa tabi ko at hinaplos ang balahibo nito. Humiga ako sa tabi niya at kinulong siya sa mga bisig ko. “Nagsisimula na akong mag-move on, Nos. Sana masaya ka para sa akin,” kausap ko sa alaga ko kahit hindi ako nito naiintindihan. Dumapo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD