THEA I'm clueless as to why he kissed me. Was that on purpose? Naramdaman ko pa na nilagay niya ang kamay sa likod ng ulo ko at lumipat ng pwesto. Nakatalikod na siya ngayon sa mga dumadaan. “Ang mga kabataan ngayon, wala na talagang pinipiling lugar.” Natauhan ako nang marinig ang sinabi ng isang babae. Tinulak ko si Clarkson at nagtataka siyang tiningnan. “What was that for?” Parang walang nangyari na sinuksok lang niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya. “Kung hindi ko ginawa ‘yon, baka nakita ka na ng sumusunod sa ‘yo,” paliwanag niya. May bahagi ng pagkatao ko ang na-disappoint. Kaya lang niya iyon ginawa ay dahil sa lalaking sumusunod sa akin. “Sa susunod, mag-isip ka ng ibang paraan.” Tinalikuran ko siya at naglakad. Mayamaya lang ay hinawakan niya ang

