THEA Namayani ang nakakabinging katahimikan sa hapag-kainan pagkatapos kong sabihin ito. Parang hindi sila makapaniwala sa narinig nila. Hindi ko maipaliwanag ang itsura ng mga mukha nila; kung natutuwa ba sila o hindi. Pero dapat matuwa sila dahil gusto nila si Aiden para sa akin. Naging ugat pa nga ng kasal ang hindi namin pagkakaunawaan ni Daddy. “Sigurado ka na ba riyan, anak?” basag ni Mommy sa katahimikan. “Maraming beses ko na po itong pinag-isipan, Mom. Mabait po si Aiden at kilala ko na rin naman po siya ng lubusan, kaya sigurado na po ako,” walang paligoy-ligoy na sagot ko. Sabay namin sinulyapan ni Mommy si Daddy na kanina pa tahimik. “Theo, narinig mo ba ang sinabi ng anak mo?” tanong ni Mommy sa kanya. Tumikhim si Daddy bago umayos ng upo. “Alam na ba ni Aiden?” “Hindi

