CLARK “Sure, but not here,” sagot niya. Sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa exit door ng gusali. Seryosong hinarap niya ako. “So, what's this all about?” blangko ang mukha na tanong niya. “Are you courting her?” I asked directly. “Yes,” walang pagdadalawang-isip na sagot niya. “Bawal ba? Wala akong nakikitang dahilan para hindi siya ligawan. Unless, kung may pipigil sa akin. May balak ka bang pigilan ako, pare?” Sandali akong natigilan. Ang tanging nagawa ko lang sa lumipas na ilang segundo ay makipagsukatan ng tingin sa kanya. Halata sa mga mata niya na seryoso siya sa sinabi niya. Alam kong wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay ni Thea, pero parang may pag-aalinlangan ako sa lalaking ito. Pakiramdam ko, hindi lahat ng ipinapakita niya sa harap ko ay totoo. O baka

