HABANG nagkukwentuhan sina Amara at Hera ay bigla silang napatigil nang tumunog nang malakas ang trumpeta. Hudyat na paparating na ang bagong prinsesa na si Elora. Si Elora ay dating kaibigan ni Hera, simula limang taong gulang sila ay palaging sila ang magkasama, dahil nga katiwala ni Haring Montgomery si Roarke. Pansin ang pagiging inggitera ni Elora sa kaniya, dahil kahit anong suot ni Hera ay madalas hinihiram ni Elora sa kaniya.
Mayroon pa ngang araw na hiniram ni Elora ang korona kay Hera. Dahil mabait si Hera ay walang alinlangan niya itonv pinahiram, ngunit nang kakailanganin na niya ito ay mabilis namang itinago ni Elora sa kanilang bahay. Labis ang kahihiyang sinapit ni Roarke sa anak, ngunit dahil sa kabaitan ni Hera at Montgomery ay pinalampas nitp ang bagay na iyon at imbis na piliting iluwal ni Elora ang korona ay hinintay na lamang nila na isuko niya ito.
"Nandito na si Elora, Amara. Maghanda na tayo!" saad ni Hera at kaagad silang tumayo. Pinagpag muna nila ang kanilang palda, saka na sila dumiretso sa palasyo. Samut-saring ingay na ang ginagawa nila sa pagsalubong sa prinsesa. Kabilaan ang mga kawal na tagapagbantay sa dadaanan nito. Habang pinagmamasdan nila ang paligid, napansin naman ni Hera na wala sa kaniyang trono si Roarke, kaya naman nagtaka siya kung nasaan ito.
Walang imik siyang umalis sa tabi ni Amara, habang si Amara naman ay hinihintay ding pumasok si Elora sa palasyo.
"Prinsesa, tingnan mo! Akala mo maganda talaga itong si Elora e'. Nagpapahintay p—" hindi na natuloy ni Amara ang sasabihin nang mapansin niyang wala na ang prinsesa sa kaniyang tabi.
"Prinsesa?"
Nagpalinga-linga naman ng tingin si Hera. Ang lahat ay abala sa pagdating ni Elora, ngunit hindi nila napapansin na wala ang hari. Parang may kakaibang kaganapan ang nangyayari bukod sa seremonyas na iyon. Tila may bumabagabag sa isipan ni Hera at pinipilit itong puntahan sa dating kwarto ng kaniyang ama si Roarke.
"Ano ba itong nararamdaman ko?" tanong niya sa sarili. Alam ni Hera ang pasikot-sikot sa loob ng palasyo, kaya mabilis lang siyang nakalapit sa pintuan ng silid ni Roarke. Walang katao-tao roon, ngunit malakas ang kutob niya na may kababalaghang nangyayari sa kaniya.
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at akmang papasok na ngunit bigla siyang natigilan nang may pumigil sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito, prinsesa Hera?" tindig ang kaniyang boses at kapag narinig mo iyon ay talagang kikilabutan ka.
Dahan-dahang tumingin si Hera sa kawal at pakunwaring ngumiti. Binitawan niya ang pagkakahawak sa seradura, saka siya humarap dito.
"Ah...eh, wala po. Nais ko lang po sanang bisitahin ang dating silid ng aking ama. Ang kaso..."
"Hindi ka maaari dito prinsesa. Bumalik na po kayo sa seremonya, dahil naroon na si Prinsesa Elora," walang pag-aalinlangan nitong sabi. Hindi na makahirit pa si Hera, kaya naman tumango na lamang siya, at nagsimulang bumalik sa palasyo. Kahit anong pilit niyang bumalik doon ay tila tinutulak pa rin siya ng kaniyang sarili pabalik sa silid. Hindi niya alam kung bakit, ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya ito.
Bumalik ng palasyo si Hera, sakto namang dumating na rin si Elora, kaya nagtagpo ang kanilang mga mata. Panandaliang natigil sa paglalakad si Elora at hinarap si Hera. Si Hera naman ay nakangiti habang pinagmamasdan ang makinang na damit ni Elora. Pati ang hitsura nito ay ibang-iba na. Lalong gumanda ang kaniyang dating kaibigan.
"Ikaw na pala iyan, Hera." mapangmata na saad ni Elora, habang pinagmamasdan ang suot ni Hera na maruming damit. Kitang-kita sa mukha niya ang pandidiri. "Hindi ko alam na ang dating prinsesa ay isa na lang pa lang alipin ngayon," anito at saka ngumiti.
"Ah, opo mahal na prinsesa Elora. Mas mainam na po ito kaysa..."
"Kaysa ano?" pagdudugtong ni Elora.
Bigla namang hinila ni Amara ang kamay ni Hera, kaya hindi natuloy ang sasabihin nito. "Ah. Pasensya naz Prinsesa Elora. Medyo hindi pa kasi magaling si Hera kaya kung ano-ano ang sinasabi. Hayaan ninyo at ako na po ang bahala," ani Amara.
Napansin kasi nito na nag-iiba na ang timpla ng boses ni Hera, kaya mabilis na niyang inilayo ito kay Elora. Si Elora naman ay dumiretso na sa silid ng kaniyang ama, kaya sinundan siya ng ilang kawal upang gabayan ito. Hindi mawala ang tinginan ng mga tao sa suot na damit ni Elora. Bukod kasi sa mukhang mamahalin ito at makinang, ang sapatos na kaniyang supt ay dating pagmamay-ari din ni Hera. Pati ang hikaw at kwintas nito ay kay Hera iyon, iniregalo ng kaniyang ama ang kwintas na gawa sa ginto, ngunit nang mamatay ito ay sapilitang kinuha sa kaniya dahil gustong-gusto raw iyon ni Elora.
Hindi maiwasang mainis ni Hera. Halos lahat ng gamit nilang mag-ama ay nasa kanila. Tanging ang isang porseras na bigay ng ama sa kaniya ang iniwan. Bukod doon, hindi rin gusto ni Hera ang ginagawa niyang pagmamaliit sa mga alipin.
Nang makalayo na ang prinsesa, kaagad namang hinarap ni Amara si Hera. Nagpipigil ito ng tawa, dahil baka mapansin sila ng ibang kawal.
"Prinsesa! Alam kong galit ka na kanina, pero... natutuwa ako sa'yo!" palihim niyang pinisil ang kamay ni Hera dahil sa galak. "Nagiging palaban ka na talaga! Iyan ang Hera na gusto namin. Baka balang araw, ikaw pa ang makapagpabagsak sa dalawang iyan!" anito.
"Amara, alam mo namang galit ma galit ako kapag naririnig kong minamaliit ng ibang tao ang pagiging alipin natin hindi ba? At saka, hindi ako papayag na hamakin tayo ni Elora, tandaan niya. Damit at mga kagamitan ko pa rin ang gamit niya. Saka na niya ako pagmataasan, kapag hindi na niya suot ang sapatos tsaka mga alahas ko."
Nang makarating na si Prinsesa Elora sa loob ng kwarto, bigla naman siyang napasigaw, kaya natigil silang lahat sa kanilang ginagawa at patakbong pumunta papunta sa silid ni Roarke. Nagsisimula nang kabahan ang iba, kaya mabilis na tumakbo sina Amara at Hera papunta doon. Nakipagsiksikan sila sa mga tao upang alamin kung ano ang nangyari sa silid.
Pagkarating nila doon, nakita nilang umiiyak si Elora. Nakapaligid naman sa silid ang mga kawal, kaya hindi makasingit si Hera upang tingnan ito.
"Ama!" sigaw ni Elora habang dahan-dahang nagsisialisan ang mga taong nakaharang sa pinto. Laking gulat na lamang nila nang ilabas nila sa silid si Haring Roarke... duguan.
—
HABANG masayang naghahapunan ang buong tribo, biglang naging seryoso ang lahat nang magsalita si Ka Andoy. Kapag ganito ang sitwasyon ay halos yumuko at tumahimik ang lahat, dahil ayaw nilang nakikita si Ka Andoy na seryoso. Animoy isa raw itong mabangis na hayop kung tumingin.
"Victor, Lorenz!" tawag niya sa mag ito. Agad namang napatigil sa pagkain ang dalawa, saka humarap kay Ka Andoy.
"Ano po iyon Ka Andoy?" tanong ni Lorenz habang nililinis pa niya ang kaniyang bibig.
"Nais ko sanang makausap kayong dalawa tungkol sa gagawing plano para mamaya."
"Plano?" tanong ni Victor na walang kaalam-alam sa sinasabi ni Ka Andoy.
Tumango si Ka Andoy at pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang maliit na tuwalyang nakapatong sa kaniyang hita. "Hindi ninyo kailangang kabahan, dahil napag-aralan ko na lahat ito. Kumain muna kayo at mamaya ko na sasabihin.
"Tumingin naman siya kay Harrison. "At ikaw naman hijo, alam ko hindi pa ganoon ka pulido ang iyong galaw, kaya maiiwan ka muna ni Victor dito, habang sinasagawa nila ang plano.
Hindi na makatanggi si Harry at tumango na lamang, kahit hirap niyang lunukin ang kaniyang kinakain.
Hindi na nagtanong pa ang iba at binilisan na lang kumain. Pakiramdam nila ay may mahalagang anunsyo si Ka Andoy para sa kanila. Si Harrison naman ay lalong naudyok na mag-ensayo upang sa gayon ay makasama na siya sa susunod na pakikipaglaban.