KABANATA XXIII: ANG PAGLUSOB

1650 Words
NASA harapan ngayon si Ka Andoy upang ipaliwanag ang gagawin nilang pag-aklas. Dahol may kaniya-kaniya ng gawain ang mga canallero ay sina Lorenz at Victor na lamang ang naatasang pumasok sa palasyo at gawin ang inuutos ni Ka Andoy. "Victor, Lorenz," tawag ni Ka Andoy sa dalawa. Maingat naman silang nakikinig at inaalam ang buong detalye ng nililitanya ni Ka Andoy. Habang si Harry naman ay nagpapalinga-linga pa sa paligid. Ngayon lamang niya napansing puro kubo pala ang bahay nila rito. Lalaki rin silang lahat, tansya niya ay mga nasa ilang taon din silang nagsanay, dahol kung hawakan nila ang kanilang espada ay pulidong-pulido iyon. "Nakarating sa amin ang balitang darating bukas ang anak ni Roarke na si Elora," panimula nito. "Nais ko sana kayong dalawa ang atasan ko sa pagsasaayos ng plano. Nais ba ninyo?" Walang alinlangang tumango ang dalawa. "Walang problema Ka Andoy, ngunit ano ang iyong ipag-uutos sa amin?" tanong ni Victor. "Magandang tanong!" ani Ka Andoy, sabay tumingin kay Harrison. "Dahil wala pang kakayahan ang ating bagong miyembro, kayo munang dalawanang gumawa nito. Kailangan nating takutin ang mga tao sa palasyo upang hindi sila magsawalang bahala sa atin. Ang aring misyon ngayon ay bigyan ng katakot-takot na panaginip ang hari." "K..katakot-takot?" hindi maintindihan ni Harrispn ang sinasabi ni Ka Andoy. "Tsaka.. may anak pa si Ginoong Roarke?" Tumingin naman ang isang caballero na nasa kaliwang bahagi niya at sinagot ang kaniyang tanong. "Oo, may anak si Roarke. Ang pagkakatanda namin ay ka-edad lamang iyo. ni Prinsesa Hera. Siguro, kasing edad mo rin iyon, si Prinsesa Elora. Siya na ang tinanghal na maging prinsesa sa palasyo, dahil mas ginusto pa ni Prinsesa Hera ang maging alipin kaysa makipag-sanib pwersa kay Roarke." Napatango-tango naman si Harrison. Ngayon lamang niya unti-unting naintindihan ang lahat. "Pero paano na ang prinsesa? Tuloy pa rin ba ang pagpatay sa kaniya ni Roarke?" Kibit balikat lang siyang sinagot ng lalaki. "Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko, ang ibang mga kawal doon ay gumagawa na ng hakbang upang iligtas si Prinsesa Hera. Siya nga pala." Nilahad ng lalaki ang kaniyang kamay. "Ako nga pala si Kael. Ikaw?" tanong nito. Walang alinlangang tinanggap ni Harry ang pakikipagkamay ni Kael. "Ako si Harry. Harrison Buenavente." "Sa ngayon, hintayin na lamang nating sumilip ang araw at saka na natin isasagawa ng plano." Handa na ang lahat sa paglusob nina Lorenz at Victor sa palasyo. Inihanda na rin ng mga caballero ang mga gagamiting armas para sa kanilang isinagawang plano. Bago sila umalis, kinausap muna nila si Harrison. "Harrison, pumarito ka muna hanggat hindi pa kami tapos sa aming plano. Mas nakakatakot kung uuwi ka sa bahay, dahil baka hahanapin kami doon ng mga kawal," paliwanag ni Victor. "Oo nga, Harrison. Huwag kang mag-alala, naalala ko ang bilin mo na kausapin ang kaibigan mo. Basta pumarito ka muna at sundin kung anumang iniutos ni Ka Andoy," pahayag ni Lorenz. Tumango naman si Harrison at bago sila sumakay sa kabayo, muli pa itong nagsalita. "Bumalik kayo! Hihintayin ko kayo," aniya sa mga ito. Tumango at bahagyang ngumiti si Victor. Kahit alanganin ang ipinapagawa ni Ka Andoy ay hindi sila nagdalawang-isip na lusubin ang Palasyo at kuhanan ng dugo si Roarke. — "BILISAN MO!" walang tigil na sigaw ni Victor kay Lorenz habang nakasakay na sila sa kabayo palayo sa palasyo. Alam na nila na ganito ang mangyayari sa kanila, kaya walang habas na pinagpapalo nila ang kabayo upang mas bumilis ito sa pagtakbo. Si Lorenz naman ay kinakabahan, dahil malapit na siyang mahabol ng mga kawal, mabuti na lang at hinagis ni Victor ang kutsilyo sa isa sa mga ito dahilan para sila ay matumba. Mabuti na lang at nakaalis na sila, bago pa isarado ang gate ng palasyo. Upang maisagawa ang kanilang plano, pumatay sila ng dalawang kawal at ang kasuotan ng mga ito ay sinuot nila upang hindi sila mahalata. Paliwanag ni Ka Andoy sa mga ito na dapat hindi sila mapansin ng kahit sinumang tao na nasa loob ng palasyo. Mahigpit ang pagbabantay sa una pa lang, ngunit dahil sa matalinong pag-iisip ni Victor ay nagawa nilang pasukin ang palasyonng walang kahirap-hirap. Mabuti na lang at may nakasalubong silang dalawang kawal at iyon ang pinatay nila. Naging abala rin ang ibang kawal, dahil sa paparating na si Elora, ang anak ng hari. Habang isinasagawa ni Victor ang plano kay Roarke, si Lorenz naman ang nagbabantay sa labas ng silid. Mahirap ang pinagdaanan ni Victor, dahil bago niya makuha ang isang garapong dugo mula sa braso ni Roarke ay kinalaban muna siya nito. Mabuti na lang at handa si Ka Andoy sa mga posibleng mangyari sa kaniyang mga alagad, kaya naman pinabaunan si Victor ng isang lasong pampatulog. "Walang hiya ka Victor!" huling saabi ni Roarke, bago siya tuluyang mawala ng malay. Hindi lamang sa braso niya nilagyan ng sugat ang hari, kundi pati na rin sa kaniyang mukha at leeg. Nais pa sanang patayin ni Victor si Roarke, ngunit biglang pumasok sa silid si Lorenz. "Bilisan mo, Victor! Mabuti na lang at nakita ko si Prinsesa Hera dito, kung hindi baka nabuko ma tayo!" mabilis niyang sabi, kaya hinayaan na lamang niya iyon at mabilis na nilagay sa bulsa ang nakuhang dugo. Wala din siyang kaalam-alam kung ano ang gagawin ni Ka Andoy doon. "Eto na!" sigaw pabalik ni Lorenz, kaya ngayon ay sabay na silang pabalik sa kanilang kuta. — KINAKABAHAN si Elora sa naging kalagayan ng kaniyang ama. Halos mawalan ito ng dugo kung hindi pa siya nakapasok noon sa silid. Galit na galit at nanlilisik ang mata ni Elora habang iniisip niya kung nahuli na ba ng mga kawal ang may gawa nito sa kaniyang ama. Mabuti na lang at kaagad naagapan ni Mudler ang tinamong sugat ng kaniyang ama, ngunit hindi pa rin nito matukoy kung ilang araw hihimlay si Roarke sa tinusok na gamot sa kaniyang katawan. "Prinsesa, wala na po kayong dapat pang ipag-alala. Maayos na po ang kalagayan ng Hari. Hintayin na lamang po natin siyang magising," ani Mudler. Isang matalim na tingin lamang ang pinukol sa kaniya ni Elora at bumalik na ang mga tingin sa kawal. "Kayo! Anong silbi ninyo sa palasyo?! Hindi bat andaming bantay ng silid ng aking ama? Bakit nakyha pa siyang pasukin ng mga caballerong iyon!" galit na sabi niya. Halos walang makasagot sa tanong ni Elora, ngunit nang dumating si Policarpio ay tumahimik ito. "Patawad mahal na Prinsesa. Abala ang lahat sa paghahanda para sa inyong pagdating. Ang mga kawal naman ay may kani-kaniyang mga misyon sa palasyo. Ang dalawang kawal na tagapag bantay sa silid ay napatay ng mga caballero, kaya naman hindi namin magawang iligtas ang h—" Biglang tumayo ang prinsesa at tiningnan nang masama si Policarpio. Kinakabahan na ang lahat habang palapit nang palapit si Elora dito. Nang nasa harapan na niya ito ay bigla niyang ginawaran ng malakas na sampal. "Anong karapatan mong sagutin ako?!" galit na sabi ni Elora. Pigil na pigil ang kamay ni Policarpio nang saktan siya ni Elora. Wala pang sinuman ana kamay ang dumampi sa kaniyang mukha, isang basurang prinsesa pa lamang ang nakagawa niyon. "Patawad po, mahal na Prinsesa..." iyon na lamang ang naisagot ni Policarpio. Mabuti na lang at naglakad na si Elora pabalik sa pwesto ng kaniyang ama, kung hindi ay baka hindi na alam ni Policarpio ang gagawin kung sakali mang maulit iyon. "Umalis kayo rito!" ani Elora sa mga kawal, ngunit tila wala silang marinig, kaya naman patuloy pa rin ang pagbabantay nila sa Hari at Prinsesa. "Lumayas kayo!" sigaw niya muli, kaya naman nagsiyuko na ang mga kawal at lumabas na lamang ng silid. Si Policarpio ay nagpipigil pa rin ng galit. Mabuti na lang at inakay na siya ng kaniyang mga kasamahan. SA KABILANG banda, ligtas na nakabalik sina Lorenz at Victor sa kanilang kuta, dala ang dugong pinakuha ni Ka Andoy. Hapon na rin nang sila ay makabalik, dahil iniligaw muna nila ng landas ang iba pang mga kawal na humahabol sa kanila. Pagkarating sa kuta ay nakangiti ang lahat nang makita silang ligtas, una nang sumalubong da kanila ay si Harry, kasama nito si Ka Andoy at katatapos lamang nilang mag-usap sa tungkuling kaniyang gaganapin. "Ka andoy!" masayang saad ni Victor saka dinukot sa bulsa ang maliit na garapong lalagyan ng dugo ni Roarke. "Maligayang pagdating! Victor at Lorenz!" wika ni Ka Andoy, saka kinuha iyong garapon. "Kumusta ang pakikibaka ninyo sa palasyo? Mabuti naman at hindi ninyo nakalimutang kumuha ng bilin ko." anito. Tinanggal muna ni Victor at Lorenz ang kanilang suot na damit saka iyon tinapon sa labas. "Medyo nahirapan lang kami, Ka Andoy. Mabuti na lang bago nila isaradonang palasyo ay nakaalis na kami," pahayag naman ni Lorenz. "Pero teka lang, ano po ang gagawin ninyo sa digong iyan? Kulay itim oh! Halatang maitim ralaga ang budhi ng taong iyon," pagbibiro pa niya. Hindi naman sumagot si Ka Andoy at nagningning ang mata na nakatingin pa rin sa garapon na may itim-itim na dugo. "Malalaman din ninyo balang araw," ani Ka Andoy. Dumiretso naman sina Lorenz, Victor at Harry sa silid ni Ka Andoy upang ito ay kausapin. Balak sana silang ipakiusap sa matand ana huwag ng ilipat ng tribo si Harrison, dahil nakikita nilang unti-unti na itong natututo. Nakaupo sila ngayon sa sahig, habang kaharap nila si Ka Nadoy at may maliit na mess sa gitna. Ipinagtimpla sila ng kape. Mainam naman iyon upang mahimasmasan sina Lorenz sa kanilang ginawa. "Anong nangyari? Mabuti naman at nakabalik kayo ng maaga kaysa sa inaasahan nating oras," ani Ka Andoy. "Opo, Ka Andoy. Nakita ko po kasi si Prinsesa Hera na bubuksan sana ang pinto ng silid. Mukhang nakaramdam yata ng panganib. Mabuti na lang at bago pa dunating si Elora ay jakaalis na kami doon," paliwanag ni Lorenz. "Si Prinsesa Hera? Nakita kayo?" hindi naman makapaniwalabg tanong ni Harrison. "Eh si Amara? Iyong kaibigan ko? Nakita niyo ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD