KABANATA IV: MGA ALIPIN

2585 Words
WALA namang kaide-ideya si Harrison kung ano ang kanilang pinag-uusapan at kung sino iyong Roarke na tinutukoy nila. Base sa mga pananalita ng mga kawal ay tila may halong takot ang kanilang boses habang binabanggit ang pangalang iyon. Naalala kanina ni Harrison na si Roarke ay mahigpit na katiwala ni Haring Montgomery, kaya siguro ganoon na lamang ang kanilang takot. Habang abala sa pag-uusisa ng daan si Harrison, bigla namang nagsalita si Policarpio, kaya bumalik siya sa kanyang ulirat. "Isang beses ka pang tumakas sa palasyo habang may ginagawa ang mga kapwa mo, ako na mismo ang tatapos sa buhay mo," pagbabanta nito. Nanlaki naman ang mata ni Harrison at minabuting hindi na lamang magsalita. Nasa limang kabayo na ngayon ang kasama nila sa paglalakbay, kaya medyo kinakabahan na rin siya habang sila ay naglalakbay. Medyo tanaw na rin ni Harrison ang sinasabing palasyo ni Policarpio, at kahif hindi man sabihin ni Harrison na manghang-hanga siya sa kanyang nakikita sa paligid ay nagniningning naman ang kanyang mata habang pinagmamasdan ang malaking bahay na nasa harapan nila ngayon at tinatawag na palasyo. Medyo naging kumportable na rin siya sa kanyang suot, dahil bukod sa medyo mabango iyon ay maluwag pa ang ang kanyang suot, dahilan para makabawas iyon sa init ng panahon. Ilang minuto lamang ay tumigil na ang mga kabayo sa isang malaki at mataas na harang na kulay abo. Kung susumahin ay nasa isangdaang talampakan ang taas niyon at hindi na maaninang ni Harrison ang nasa pinakatuktok. Bigla naman siyang bumalik sa ulirat nang magsalita nang pagalit si Policarpio. "Baba!" sigaw nito. Kahit hindi marunong bumaba ng kabato si Harrison ay dahil sa takot napabab siya ng wala sa oras, dahilan iyon upang matumba siya, dahil sumabit ang isa niyang paa sa apakan ng kabayo. Nagtawanan naman ang mga kawal, pati na si Policarpio, habang pinqpagpag ni Harrispn ang buhngin na dunikit sa kanyang damit. "Lampa!" bulong pa nito sa kanya, saka naman siya tumayo. "Policarpio!" tawga sa kanya ng isang kawal. Sabay naman silang napalingon doon. May bitbit na mahabang pamalo sa likod ang kawal, tsaka naman nito tinanggal ang harang sa ulo. "Saan mo ba nadampot ang alipin na 'yan? Sa hitsura pa lang halatang lampa na," anito. "Tapos nakatakas pa," dagdag pa ng isa, saka sila muling nagtawanan. Suminghal naman si Policarpio, tsaka tumingin kay Harrison. Mabilis namang napayuko si Harrison nang matalim siyang tiningnan nito. "Hindi ko rin alam. Pero nakakasiguro ako, isang beses ko pang mahuli ito na tumakas, itatapon ko ang ulo niya kung saan ko siya nakita," pagbabanta pa niya. Paulit-ulit namang napalunok si Harrison sa takot at nerbiyos. Dahan-dahan namang bumukas sa magkabilang pinto ang harang. Sa kapal niyon ay mukhang kahit anong pantibag ang gamitin ay hindi ito masisira. Hirap na hirap din ang mga kawal sa loob na buksan ang mistulan nilang gate sa palasyo. Kahit kinakabahan ay hindi pa rin maiwasang mamangha ni Harrison sa kanyang natutunghayan. Sa loob kasi ng gate na iyon ay naroon na ang napakalaking bahay na tinatawag nilang palasyo. Samut-sari din ang mga baderitas na nakasakit sa buong paligid na akala mo ay may fiesta sa lugar na iyon. Kaya siguro nagtataka ang mga kawal kay Harrison kung bakit at paano siya nakatakas sa palasyo ay dahil ganito katindi ang pagbabantay pati na ang lulusutan mong daan. Nang tuluyan nang mabuksan ang malaking harang una namang naglakad si Policarpio, saka naman ito sinundan ng limang mga kawal. Natulala naman si Harrison s laki at lawak ng palasyo sa harapan niya, kaya hindi niya napansin ang paparating na si Policarpio. "Huwag mo nga akong paandran ng kainosentihan mo riyan!" inis na sabi nito, saka hinila ang kaliwang kamay ni Harrison. Nagpatiangay naman si Harrison at kahit kinakaladkad na siya papasok sa palasyo ay siya namang ngiti niya. "A...ang ganda..." mahina ngunit rinig mo ang pagkamangha sa kanyang boses. Napailing-iling na lang si Policarpio, tsaka na nito binitawan si Harrison. Dumiretso sila sa isang hagdanan pababa ng palasyo, pero bago iyon ay nakasalubong pa nila ang ibang mga aliping babae at biglang kumunot at napataas ang kaliwanag kilay ni Harrison nang makita ang tatlong aliping lalaki na suot ang katulad ng kanyang damit. Napatigil pa siya at napalingon sa kanyang mga suot. "P—paano kami naging pareho?" tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang kasuotan. Bigla naman siyang hinila muli ni Policarpio, kaya naman hindi na niya ini tindi lahat ng iyon. Pagkarating nila sa ibabang bahagi ng palasyo, mayroong malawak na daanan ang tumambad sa kanila. Sa magkabilang gilid naman ang mga nakahilerang kabinet na gawa sa kahoy. "Kuhanin mo ang kagamitan mo riyan at tulungan mo ang mga kasamahan mo sa labas!" singhal ni Policarpio. "P...pero..." "Isa pang pero mo, pupugutan na kita ng ulo," ramdam ang pagkainis s abosws ni Policarpio, kaya hindi na makaangal si Harrison. "Hanapin mo na lang ang pangalan mo diyan sa mga kabinet at suotin mo ang iyong tapis." "Tapis?" wala pa ring ideya si Harrison kung anonang tinutukoy ni Policarpio. Napabuga na lamang ng malalim na hininga si Policarpio at akmang dadakmain na ang mukha ni Harrison sa inis. Mabuti na lang at sumulpot ang isang babae na nasa edad quarenta na. Ang taas ay nasa limang talampakan, pawis na pawis at gulo gulo ang kanyang puting buhok. "Cely, tulungan mo nga itong alipin na 'to! Kanina pa sinusubukan ang pasensya ko e," saad ni Policarpio. Napalingon naman si Cely sa kanila at natigil sa pagpupunas ng kanyang apwis gamit ang kanyang tapis. "O—opo," wala itong nagawa kung hindi sumunod na lang. Ramdam naman ni Harrison ang awa sa mukha ng matanda, kaya nang tingnan niya ito ay napalingon din sa kanya si Cely at bahagyang napangiti. Naalala tuloy ni Harry ang matamis na ngiting ginagawad sa kanya ng inang si Martha kapag siya ay galing sa pangangalakal. Nang tumalikod na si Policarpio sa kanila ay kanya namang nilapitan si Cely. "Magandang araw po!" Yumuko si Harrison upang bumati. "Magandang araw rin Hijo. Saan ka ba nanggaling? Mukhang galit na galit sa iyo si Ginoong Policarpio?" malumanay na tanong nito. Napangiti habang kinakamot pa ni Harrison ang kanyang ulo. "Hindi ko nga po alam aling Cely kung bakit ako nakarating dito e?" nahihiya niyang sambit, dahilan upang bumakas ang pagtataka sa mukha ni Cely. "Ang huling naalala ko lang, nagpupulot po kami ng basura kasama ang mga kaibigan ko, tapos pauwi na ako sa bahay noon 'e ang kaso wala ang inay. Pero habang hinihintay ko siya... bigla na lamang pong may sumulpot na maliwanag na ilaw... tapos..." "Tapos kinuha ka?" tatawa-tawang sabi ni Cely na halos hindi naniniwala sa paliwanag ni Harrison. Tumango naman si Harrison at agarang ngumiti. "Opo! Bakit po ninyo a—" Hinfi na niga naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang tinapik nang mahina ni Cely sa ulo si Harrison. "Ikaw talagang bata ka. Ke aga aga, nananaginip ka! Halika at ibibigay ko ang tapis mo, pagkagapos ay magsimula na tayong magtrabaho," aniya. Maglalakad na sana si Cely papunta sa cabinet kung saan nakaukit ang pangalan niya sa harapan, nang bigla namang magsalita muli si Harrison. "Magtrabaho po?" tanong niya pabalik. Lumingon naman sa kanya si Cely. "Oo. Hindi bat ngayon ang pagdating ni Haring Montgomery galing sa Silas. Isa pa, kaarawan niya bukas kaya abala ang lahat sa paghahanda. Naku hijo, ang bata-bata mo pa ay makakalimutin ka na," aniya pa na mukhang desmayado ang mukha. " Teka lang ha? Kuhanin ko na ang tapis at sabay na tayong magpunta sa kusina." Hindi na nakasagot pa si Harrison, kaya napatingin na lamang siya sa likuran ni Cely, habang ito ay papalayo sa kanyang pwesto. Ilang minutong naghihintay sa bungad si Harrison nang lumitaw na si Cely bitbit ang kulay itim na tapis. Ngayon lamang naliwagan si Harrison kung ano ang ibig sabihin ng bitbit niya na iyon. Apron! Nang makalapit na si Cely sa kanya, napangiti naman si Harrison at tinanggap ang inaabot na tapis ni Cely. "Halika na?" saad ni Cely sa kanya. Napangiti naman siya at tumango, habang sinusuot sa kanyang leeg ang apron. Paglabas nila ng mula roon ay sumalubong naman sa kanila ang dalawang kawal na may mahabang espada sa kanilang likuran. Nakatayo lamang ang mga ito at hinfi gumagalaw, katulad ng ibang mga kawal na nag-iikot-ikot sa buong palasyo. Naengganyo naman si Harrison sa kaniyang paligid, kaya naman hindi niya namalayan na wala na sa kanyang tabi si Cely. Kaagad siyang tumakbo tungo sa kinaroonan nito. "Ang bilis niyo naman pong maglakad," tatawa-tawang sabi ni Harrison sa kanya. Bahagya lamang natawa si Cely. "Huwag kang masyadong magsalita, baka narito na si Ginoong Roarke," mahinang sabi niya kay Harrison. "Sino ba kasi iyong si Roarke?" dahil sa kuryosidad ay hindi na mapigilang magtanong pa ni Harrison, ngunit bago ito sagutin ni Cely ay bigla naman silang nakarinig ng malalaking yabag sa kanilang likuran. "Bilisan ninyo ang paglalakad. Nasa labas na si Ginoong Roarke!" sigaw ng kawal na mukhang nagmamadali rin sa kanyang pupuntahan. Hindi na nakapagsalita pa ang dalawa at dali-dali na silang naglakad tungo sa kusina ng palasyo.Hindi pa rin mawala ang kinang sa mata ni Harrison at hindi iyon maitatangi nang unang beses siyang makakita ng malalaking ilaw na nakasabit sa matatas na bubong. Ang kulay abong pintura na nakapaligid sa buong pasilyo, pati na ang malalaking paso na naglalaman ng malalaking halaman ang siyang nakakapagpakalma s akanya sa ganitong sitwasyon. Agaran silang naglakad sa mahaba at malawak na pasilyo nang may makita silang tanda pakaliwa. Naunang naglakad si Cely, kaya sumunod naman si Harrison sa kanya Pgkarating doon ay lalong namangha si Harrison nang tumambad sa kanial ang malalaking tuan, pati na ang mga kapwa nila alipin. "Hijo?" tawag sa kanya ni Cely, kaya naman bumalik siya sa ulirat. "Dito na ako ha? Bumalik ka na sa pwesto mo at akoy magtatrabaho na rin," aniya. Magsasalita pa sana si Harrison nang mawala na sa harapan niya si Cely. Hindi naman maitatanggi ang pagkagalak sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang daan-daang tao na nagtatrabaho rito. Bigla ring kumalam ang kanyang tiyan nang makita ang niluluto ng isang ginang na kalderata. Iyong isa ay naghahalo pa ng hindi masabing ulam na mukha namang masarap. "Hoy!" sigaw ng isang ginang sa kanyang harapan. Ibang-iba ang itsura nito kumpara sa kanilang mga trabahador. Mayroon siyang magandang kasuotan, may kolorete rin sa kanyang mukha habang hawak ang kanyang pamaypay at binabantayan ang mga alipin na nagluluto. Napatingin sa kanya si Harrison, ngunit hindi pa rin siya gunagawa ng hakbang dahil hanggang ngayon ay hindi niya alam kung saan at anong trabaho ang kanyang gagawin. Sa dami ng tao ruto sa loob ng malaki at malawak na kusina ay mukhang hindi na kakailanganin pa ng tulong ni Harrison. Isa pa, hindi rin siya marunong magluto. "Anong tinatayo-tayo mo riyan?!" masungit na sabi ng matanda paglapit kay Harrison. "Pasensya na po..." "Anong pasensya?! Bumalik ka sa pwesto mo!" sigaw nito, kaya nagtinginan ang ibang manggagawa sa kanila. Wala naman g magawa si Harrison, kung hindi ang yumuko at maglakad dahil sa kahihiyan. Kahit hindi niya alam ang gagawin ay tumuloy na lamang siya kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. "Ang sungit naman non!" bulong sa sarili ni Harrison. Habang naglalakad siya at naghahanap ng kanyang pwesto, nakita naman niya ang mga alipin na nagpupunas ng mga naglalakihang mga plato, kubyertos pati na mamahaling baso. Muli ay namangha na naman siya, kaya naisipan niyang lumapit doon at tumulong na lang. Paglapit niya roon ay mayroong tatlong aliping babae ang nagpupunas ng malalaking plato, sa kabila naman ay inaabot ng isang aliping lalaki sa kanyang katabi ang platong napunasan na, tsaka iyon nilalagay sa malaking tray na lalagyan. Iyong dalawang babae naman sa kanyang tapat ay nagpupunas ng mga kubyertos tsaka iyon nilalagay sa malaking batya na kulay ginto. Napapisip tuloy si Harrison kung magkano ba ang halaga ng mga aksangkapang iyon kung ibebenta niya sa junk shop. "Ah..." pangiti-ngiti siyang tumabi sa grupong iyon, kaya napalingon sila sa kanya. "Maaari ba akong makisali sa inyo?" kahit nahihiya ay tinanong niya iyon. Baka kasi bumalik muli iyong dambuhalang matanda at saka na naman siya ipahiya ito. Tumango namana ng dalaga at nagpatuloy sa pagpunas ng malalaking plato. Napangiti anman si Harrison, tsaka dinukot ang isang puting basahan sa kanyang gilid at nag-umpisa na ring magpunas ng mga plato. Walang nagsasalita ni isa sa kanila. Sa sobrang abala ng kanilang grupo ay kahit naliligo na sila sa kanilabg mga pawis ay hindi nila alintana iyon. Sa bagay, sa unang pagkakataong makahawak ng babasagin at mamahaling plato si Harrison ay tuwang-tuwa siya, ngunit nang makatatlong plato na siya na napunasan ay doon niya naramdaman ang pagkangawit. Napapatingin tuloy siya sa kanyang kasama kung paano nagagawa ang ganoong kabilis na pagtatrabaho. Ang mga napupunasang plato ni Harrison ay kinukuha namans a kanyang kapwa alipin at dinadala kung saan. Hindi niya mapigilang hindi mapalingon sa mga pagkaing niluluto sa kabilang mesa. Bukod kasi sa mabango nitong amoy ay ramdam na rin ni Harrison ang pagkagutom, lalo pat kanina ay naglakbay sila ng napakalayo. "Kusinero ka ba?" biglang napalingon si Harrison nang biglang may magtanong sa kanya niyon. "H...ha?" naguguluhan niyang tanong. "Kusinero ka ba?" tanong ng babae. Muli ay namangha siya, dahil kahit kinakausap siya nito ay mabilis pa rin ang kanyang kamay sa pagpunas ng mga absang plato. "Kanina ko pa kasi napapansin na tingin ka nang tingin sa mga pagkain." "Ah!" Sa wakas ay ngayon pa lamang naintindihan ni Harrison ang nais sabihin ng babae. "Hindi. Dati akong basurero, hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito 'e," napakamot pa ng ulo si Harrison dahil sa hiya. Nagtinginan naman ang mga alipin at saka sila bahagyang natawa. Natigil din sa pagpunas ng plato ang babae tsaka siya tiningnan nang seryoso. "Niloloko mo ba kami?" tanong nito daka bahagyang lumapit sa kanya. "Ah...eh, hindi. Totoo ang sinasabi ko!" ani Harrison. "Mukhang niloloko mo talaga ako ah? Ngayon ko labg nakita ang mukha mo rito, gusto mong makatikim?" Akma nang pagbubuhatan siya ng kamay ng babae, ngunit mabuti na lamang ay may biglang dumating na isang kawal. "Tumigil kayo riyan!" sigaw nito, kaya naman dali-daling bumalik ang babae s akanyang pwesto at nakayukong nagpunas ng plato. Halata rin ang takot sa mukha ng mga ito, habang si Harrison naman ay pinagmamasdan lang ang kawal. "Hindi kayo dinala rito para mag-away! Baka gusto ninyong dlahin ko kayo sa harapan ni Gjnoo g Roarke para siya na lang ang kalabanin ninyo?!" sermon nito. Doon almang natauhan si Harrison at yumuko. "Hindi na po mauulit," sabay-sabay nilang sabi. Makaraan lamang ang ilang segundo ay sa wakas umalis na rin ang kawal s akalnilang likuran, ngunit ganoon pa rin ang matatalim na tingin ng babae kay Harrison. Upang makaiwas sa gulo ay hindi na lamang niya pinatulan ang masasamang tingin na pinupukols a kanya ng mga ito. Bagkus ay napalingon siya sa kanyang harapan, kung saan naroon din ang isang aliping babae na nakapukaw ng kanyang mata. Bukod kasi sa maaliqalas nitong mukha, kaakit-akit din ang makingab at mahaba nutong buhok na nakaayos patalikod. Mayroon siyang matangos na ilong, mapulang labi at mahabang pilikmata. Para siyang diwata na nagkatawang tao lang. Napansin siguro ng babae na kanina pa nakatingin s akanya si Harrison, kaya naman nang tumingin ito sa kanya, nagtama ang mata nila pareho. Akala ni Harrison ay susungitan siya nito, ngunit imbis na irapan ay nginitian siya bigla dahilan upang kumabog nang malakas ang dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD