Habang abala ang iba sa pagtatrabaho, nagkaroon naman ng tiyansa si Harrison upang makilala ang magandang dalaga na nasa harapan niya ngayon. Sa totoo lang ay mas maganda ito kaysa kay Lume, ngunit siyempre iba pa rin ang kanyang kababata. Hindi naman siguro masama na makipagkilala siya kahit kaibigan lang, hindi ba?
"Anong pangalan mo?" nagulat si Harry nang tanungin siya nito. Bukod sa magandang mukha nito at napakalambing din ng kanyang boses.
"H...Harrison. Ikaw?" Kahit nahihiya ay nilakasan na lamang ni Harrison ang kanyang loob. Mas maige nang marami siyang maging kaibigan sa lugar na ito, upang malaman niya kung saan at kung anong lugar itong napuntahan niya.
"Ako nga pala si Amara. Siya nga pala, bago ka lang ba rito?"
"Oo! Paano mo nalaman? Bago ka lang din ba rito?" masiglang tanong ni Harrison, dahil sa tingin niya ay isa rin si Amara sa mga naligaw sa lugar na ito.
Marahang umiling si Amara at nahihiyang tumingin sa kay Harry. "H...hindi 'e," anito.
Kaagad na nawala ang tuwa sa mukha ni Harrison. "Pero paano mo nalaman na bago pa lamang ako sa lugar na ito? Eh parehong-pareho lang naman ang ating kasuotan?"
Natawa nang bahagya si Amara. "Kasi... Napansin ko kaagad ang kamay mo nang hawakan mo ang plato at punasan. Hindi ka sanay sa trabahong ito, kaya hula ko... bago ka pa lamang sa lugar na ito."
Iyon pala ang batayan ni Amara kaya niya naitanong ang ganoong bagay kay Harry. Si Harry naman ay bahagyang nahiya, dahil ngayon lamang niya nalamang mali pala ang kanyang ginagawang trabaho.
"Pasensya na." Napakamot ng ulo si Harrison, kaya natawa na naman si Amara.
"Ano ka ba, ayos lang. Ganyan din ako noong una. Siya nga pala, bilisan mo riyan upang sabay na tayong kumain. Tsaka..." nilapit ni Amara ang kanyang ulo kay Harrison na animoy may ibubulong na importanteng bagay. "Huwag tayong masyadong mag-usap. Narinig ko kasi kanina, nasa harapan na ng palasyo sina Ginoong Roarke pati na ang Hari."
"Ano bang hitsura ni Ginoong Roarke?" biglang natanong ni Harrison, ngunit sa pagtatanong niyang iyon ay biglang nagsitahimik ang mga tao, pati na ang katabinniyang si Amara. Naging tutok din ang lahat sa kanilang trabaho at tanging si Harrison lamang ang nakatindig at naghihintay ng sagot ni Amara.
"Huy, Amara?" tawag pa niya, ngunit wala siyang ideya kung bakit hindi na siya sinasagot ng dalaga.
Nagpaikot-ikot naman siya nang tingin, wala siyang makitang bago, maliban sa niluluto sa kabilang mesa. Nais pa sana niyang tawagin si Amara sa pabgatlong pagkakataon, ngunit biglang may sumulpot na isang nakakatakot na boses. Ang boses niyon ay parang galing pa sa ilalim ng lupa sa sobrang lalim at buo nito. Sa boses pa lang na iyon ay nakakatakot na.
Dahan-dahang napalingon si Harry sa pwesto kung saan nanggaling ang nakakatakot na boses ay marahan naman niyang nakita ang isang dambuhala at maitim na lalaking may mahabang buhok na hanggang balikat. Kakaiba ang lalaking ito kumpara sa mga kawal, dahil wala siyang harang sa kanyang mukha. Isa pa, kumikinang ang suot nitang bakal na damit. Matapang din ang kanyang mukha. Ang kanyang kamay na kanyang manakmal ng tatlong tao na sabay-sabay.
"Nasa labas na ang hari. Ihatid niyo na roon ang mga kagamitan!" mabigat nitong bigkas.
Hindi naman makagalaw si Harrison at patuloy pa rin sa pagtitig kay Roarke. Ang kanyang mga kasamahan naman ay nagsimula nang gumalaw at binuhat na ang naglalakihang mga kubyertos, plato pati na ang mga baso. Habang siya naman ay tulala pa rin. Nang akma na niyang ilalagay sa malaking palanggana ang kanyang napunasang plato, bigla namang naghiyawan ang mga katabi niya nang malaglag niya ang platong kanyang hawak.
"Lagot!" bulong ng mga katabi niya, pati siya ay bumalik sa ulirat at napatingin kay Amara.
Mabilis siyang yumuko upang pulutin ang basag na plato. Nagsisimula na siyang manginig at kabahan, dahil baka kung anong gawing parusa sa kanya.
"Tatanga-tanga kasi!" bulong ng babaeng kanyang katabi.
Kahit gustuhin man niyang humingi ng tulong ay walang nagtatangkang tumulong sa kanya. Mabilis niyang nilalagay ang basag na plato sa kanyang tapis, ngunit natigilan siya nang mapansin ang isang malaking paa sa kanyang harapan.
Pagtingala niya ay galit na galit ang mukha ni Roarke na sumalubong sa kanya. Natulala siya dahil sa takot kaya naman inapakan ni Roarke ang kamay ni Harrison na may hawak na bubog.
"Ahhhh!" napasigaw sa sakit si Harrison nang bumaon s akanyang kamay ang bubog.
"Hindi bat sinabi kong huwag kayong tatangga-tanga sa trabaho?" Muli pa niyang diniinan ang pagkakaapak kay Harrison, ngunit ang kaninang matinis na sigaw ay ipit na ipit na lang, dahil lalong diniinan ni Roarke ang pag-apak niya rito. Pakiramdma ni Harry ay tumagos na ang bubog sa kanyang laman, kaya napapangiwi na siya sa sakit. Kitang-kita rin niya ang matinding pagdanak ng dugo sa kanyang palad, at tumatagos na iyon hanggang sa sahig.
"P...patawad po..." nanghihinang sabi ni Harrison habang kagat-kagat ang kanyang labi.
"Patawad?" Kitang-kita ang galit sa mukha ni roarke, kaya naman imbis na patawarin ay isang malakas na sipa ang gianwa niya kay Harrison, dahilan upang ito ay mapahiga. Wala pa rin nagtatangkang tumulong sa kanya hanggang ngayon.
"Mas mahal pa ang platong iyan, kaysa sa buhay mo! Tandaan mo yan!" sigaw ni Roarke.
Tumingin naman siya sa pangkalahatan at kahit mga kawal ay natigilan din dahil sa takot. "Makinig kayong lahat! Ang batang ito, dalhin ninyo sa hardin ng mga Palaseo at paglinisin!" sigaw niya.
"T...teka, saan niyo ako dadalhin?" kahit namamanhid ang katawan ni Harrison ay pinilit pa rin niyang umupo at nakikiusap kay Roarke. "Pakiusap mo, Ginoo. Patawarin ninyo ako! Hindi ko na po uulitin," aniya ngunit hindi nagpatinag si Roarke.
Dali-dali namang rumesponde ang mga kawal at kaagad na binuhat si Harrison palabas ng kusina, ngunit bigla silang napatigil nang lumusot sa mesa si Amara at isa rin siya sa mga nakikiusap.
"Patawarin niyo po ang pangangahas ng aking kaibigan! Hayaan po ninyong tulungan ko siya sa kanyang parusang paglilinis sa Palaseo!" pakiusap ni Amara. Kahit binabawal na siya ng mga nakakatanda sa kanila ay patuloy pa rin siyang nakaluhod at sinaluhan si Harrison doon. Awang-awa siya sa sinapit ng binata, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil s apagdurugo ang kamay ni Harry.
"Tumayo ka riyan!" suway ng matanda sa kanya.
Umiling si Amara. Kitang-kita ni Harrison ang katapangan ng dalaga, kaya naman imbis na panghinaan siya ay sabay silang lumuhod at paulit-ulit ma humingi ng tawad.
"Patawarin niyo po ako sa aking ginawang karahasan!" sabay nilang sabi.
"Mga walang silbi!" sigaw ni Roarke. "Isama na ang walang kwentang iyan!"
Sabay naman silang itinayo at hinawakan ng apat na kawal ang kanilang braso upang dalhin sa Palaseo. Walang ideya si Harrison kung anong mayroon sa Palaseo at kung bakit takot na takot ang karamihan doon.
"Amara!" tawag ng kanyang ibang kaibigan, ngunit nakayuko lamang si Amara at walang nililingon ni Isa.
"Sino pang gustong sumama?! Sino pa ang babastos sa akin ngayon!" sigaw ni Roarke na nasa likod ng dalawa at nagbabanta sa iba pang mga alipin.
Wala namang sumasgaot ni isa sa kanila, kaya bumalik ang tingin niya kina Harry at Amara.
"Kayong dalawa! Sisiguraduhin kong magdurusa kayo sa inyong ginawang pambabastos sa akin. Lalo na ikaw!" Mataman siyang tumingin kay Harrison.
"Ikaw naman, Amara. Hindi mo naisip ang gagawin mong kapabayaan, para lamang masamahan ang hampaslupang ito," ani Roarke.
Kumaliwa naman sila ng daan, kaya nagkaroon ng tiyansa si Harrison upang tingnan ang kalagayan ni Amara. Rinig naman niya ang bahagyang pagtatawanan ng mga kawal sa kanilang gilid. Lalo tuloy umuusbong ang kuryosidad ni Harrison kung ano ang meron sa Palaseo at pati ang mga kawal ay ayaw magpunta roon.
Rinig naman nila ang pagkaliwa ng yabag ni Roarke, kaya kahit papaano ay nakahinga sila nang maluwag. Napatingin na rin si Amara kay Harry, at kahit ganoon ang kanilang sitwasyon ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Amara.
"Hayaan mo at gagamutin ko iyan mamaya," ani Amara sa kanya.
Hindi na makasagot pa si Harrison nang muling hilahim nang malakas ang kanyang braso tungo sa isang palikong daan na naman.
"Kawawang mga nilalang!" bulong ng isang kawal na may hawak kay Amara.
Sasagot pa sana si Harrison ngunit tiningnan na siya ni Amara na animoy nakikiusap na huwag nang magsalita.
Sa panghuling liko nila pakanan ay mayroong isang luma at nakakatakot na daan. Sa bungad niyon ay mayroong kulay itim na gate. Limang talampakan lamang ang taas niyon kaya madaling masilip ang nasa loob.
Bukod sa maraming dahon ang nakapalibot da pwestongniyon, may kaunting sinag ng araw din ang sumisilip mukha sa pwestong iyon. Kung titingnan ay para siyang maliit na gubat. Bahagya pang napalunok si Harrison nang makita iyon.
"Itapon na sila riyan, upqng makabalik na tayo sa palasyo!" singhal ng isang kawal na mukhang naiinip na.
Pagtanggal ng tali nila sa kamay, natigil pa ang dalawa at mukhang inoobserba ang mpaligid ng Palaseo. Kabaliktaran ang naisip ni Harrison tungkol sa hardin na ito. Ang tipikal na hardin kasing alam niya ay ang hardin na may amraming halaman at maaliwalas, ngunit iba ang hardin na ito. May kung anong gumagapang sa ilalim ng mga tuyong d**o.
"Maglinis kayo rito! Bukas ang itinalagang araw ni Ginoong Roarke sa pagpapalaya sa inyo. Sigurahin ninyong lilinisan ninyo ang buong Palaseo at makakalabas kayo ng buhay riyan!" tatawa-tawang sabi ng kawal, kaya nagtawanan na rin ang iba.
"Halina kayo!" Tulak ng mga kawal sa kanila, habang ang isa naman ay dinukot ang susi mula sa kanyang likuran at binuksan ang gate. "Tingnan ko labg kung aabutan pa kayo ng sikat ng araw bukas," pagbabanta ng kawal, sabay sinarado ang gate.
Kahit gustong umurong ni Amara at iwan na lamang si Harrison doon ay wala na siyang magawa, dahil nagsisimula nang naglakad papalayo ang mga kawal. Wala na silang magawa kung hindi ang sundin ang utos ni Roarke na linisin ang mga tuyong dahon dito sa Palaseo.
Ang lugar ng Palaseo sa loob ng Palasyo ay isa sa kinatatakutang luagr doon. Bukod kasi sa pagala-galang oso roon ay may mababangis ding insekto doon na nagtatago sa ilalim ng mga tuyong dahon. Hindi sila maaaring tumakas, dahil ang Palaseo ay napapalibutan ng matatas na harang at tanging ang itim na gate lamang ang pwedeng paglabasan ng sinumang pumasok doon.
Sa Palaseo kinukulong ang mga nakakagawa ng mga kasalanan, katulad ng magbasag ng kagamitan, pakikipag away sa kapwa alipin at ang pagnanakaw ng kagamitan. Ang iba ay hindi na nakakabalik mula sa saktong araw ng kanilang paglaya, dahil nababalitaan na lamang nila na nilapa na ito ng mga oso at tanging damit na lamang nila ang natira.
Ngunit kung kinakatakutan na ang lugar ng Palaseo sa palasyo, wala ring nagtatangkang gumawa ng kasalanan sa mga tao roon, lalo na't sikat na sikat ang Calais sa mga taong kumakalaban sa mga kawal pati na kay Roarke at lalong-lalo na sa hari.
Sa kaliwang banda ng pader, nakasandal ang dalawang kalaykay na kanilang gagamitin sa pag-ipon ng tuyong dahon, ngunig bago nila kunin iyon ay binalaan muna ni Amara si Harrison.
"Mag-ingat tayo sa bawat pag-apak natin. Hindi natin alam kung anong insekto o hayop na ang nakatira sa ilalim nito," banta niya.
Tumango naman si Harrison, ngunit bago sila tumuloy, hinawakan niya ang kamay ni Amara, kaya naman natigil sa paghakbang ang dalaga. "Salamat, Amara," sinserong saad ng binata.
Ngumiti nang bahagya si Amara. "Hindi ko lang matiis na may makita akong sinasaktan sa mismong harapan ko. Hayaan mo at mamaya ay gagamutin ko 'yang sugat mo, sa ngayon, iyan na lang munang basahan ang panghaharang natin upang hindi ka maubusan ng dugo," anito.
Napangiti naman si Harry. Mabuti na lamang at nandito si Amara, kung hindi ay hindi na alam ni Harrison kung paano siya magsisimula. Isa pa, mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon, kaysa kanina na sobrang bigat ang kanyang kamay.
Habang naglalakad sila patungo sa kinaroroonan ng kagamitang kanilang gagamitin, bigla silang natigilan nang may marinig silang kaluskos sa ilalim ng mga tuyo malalaking dahon na kanilang inaapakan. Nakakapagtaka lang din dahil napakaraming dahon ang narito, ngunit kahit saang banda ng lugar hanapin ni Harrison ang puno na pinanggalingan nito ay wala siyang makita.
Nakakamangha talaga sa lugar na ito.
"Shh," bulong ni Amara at dahan-dahang kinuha ang nakausling kahoy na nasa daraanan nila at mabilis jiya iyong tinusok sa ilalim ng nagkukumawalang dahon.
Nabigla pa si Harrison nang mabilis tinaas ni Amara ang kahoy at nakuha ang isang malaking daga na natusok sa kanyang tiyan.
"Ito ang sinasabi ko sa'yo. Kailangan nating mag-ingat, dahil baka tayo pa ang papakin ng mga insekto."
Namangha naman si Harrison, ngunit pinagsawalang bahala niya iyon, dahil kung daga lamang ang kanilang lalabanan sa luagr na ito ay masyadong madalinlang para sa kanya, dahil noong namumuhay pa siya sa kanilang barung-barong ay may nakakatabi pa siyang dagang bahay doon.
"Iyan lang pala ang sinasabi mo! Sus, wala iyan sa akin! Kahit sampung ganyan ang mangagat sa akin, baka katayin ko pa sila!" Pagyayabang ni Harrison.
"Huwag kang pakasiguro," ani Amara saka niya tinapon ang daga at kinuha ang kalaykay. "Maraming ligaw na hayop ang narito. Kadugtong ito ng gubat sa labas ng palasyo, kaya kapag may gustong tumakas ay dito dumaraan. Ang kaso nga lang, malabo ka nang makatakas pagdating mo sa madilin na parte ng hardin," ani Amara at sinimulan na ang pagtipon ng mga dahon.
"Bakit naman?" tanong ni Harrison at sinaluhan na si Amara na magtipon na rin ng dahon.
"Bata pa lamang ako, kinakatukan na namin ang lugar na ito, lalo na ang Calais. Sinasabi kasi ng magulang ko na marami na raw ang namatay dito dahil nilapa sila ng mga Oso. Katulad ng mga tumatakas, ganoon rin ang sinasapit nila. Madalas ang mga oso raw ay makikita sa madilim na parte ng hardin, papuntang gubat. Sana lamang ay hindi natin masalubong iyon, dahil baka hindi na tayo makaabot pa ng kinabukasan." Medyo nakaramdam ng takot si Harrison, kaya naging malikot ang kanyang mata sa pagtingin sa paligid.
"Siya nga pala, ikaw? Saan ka ba talaga galing? Tsaka bakit parang hindi mo alam ang lugar na ito?" sunod-sunod na tanong ni Amara.
Nahihiya mang sabihin ni Harrison kung saan at paano siya nakapunta rito ay wala na siyang takas pa. Isa pa, marami na siyang nalaman sa lugar na ito dahil kay Amara, kaya isusukli lang niya ang kabutihang ginawa sa kanya ng dalaga.
"Nakatira ako sa San Roque. Maayos naman ang buhay namin noong nabubuhay pa si papa. Lagi niya akong sinasama sa pangangaso, pero ng mamatay siya parang nawalan na rin ng buhay ang pamilya namin," malungkot nitong kwento.
"San Roque? Bago iyan sa pandinig ko. Ang alam ko lang kasing lugar ay itong Magindale. Maganda ba roon?" may kung anong pagkamangha sa boses ni Amara.
Mapait na napangiti si Harrison tsaka umiling. "Hindi e. Kaming dalawa na lamang ni inay ang natira. Pangangalakal lamang ang kinabubuhay namin para maitawid namin ang maghapon..."
"Teka." Natigil si Amara sa pagtatrabaho. "I—ibig sabihin, hindi ka talaga taga rito? Pero paano ka nakarating? Naguguluhan pa rin ako.
"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong sinundan ko lamang ang maliwanag na sinag, kaya ako nakarating dito?" seryosong pabayag ni Harrison.