KABANATA VI: OSO

2010 Words
HALOS hindi magkamayaw s akakatawa si Amara, kaya hindi na lamang tinuloy ni Harrison ang kanyang pagkukwento. Akala niya noong una ay may maniniwala na sa kaniya sa unang pagkakataon, dahil ang nakilala niya kanina na si Cely ay wala ring ginawa kung hindi tawanan siya at muntik pa nitong isipin na nababaliwnna si Harrison. "S...seryoso ka ba?" Natatawa pa ring sabi ni Amara, habang hawak ang kanyang tiyan at pinipigilan nang tumawa. "Ilaw? Pumasok ka roon? Alam mo Harrison, siguro nalipasan ka lang ng gutom kaya ka ganyan ano?" wika pa nito at saka pinunasan ang kanyang luha buhat ng sobrang galak. "Sabi ko na nga ba, hindi ka maniniwala 'e," ani Harrison at pinagpatuloy na lamang ang pag-ipon ng tuyong dahon. Sa tatlumpung minuto nilabg paglilinis ay medyo naging maaliwalas na ang kanilabg kinatatayuan. Nakikita na rin nila ang malusog na d**o, pati na ang mga bagong usli na mga halaman. "Eh, paano ba naman kasi ako maniniwala sa'yo. Noong una, sinabi mo nangangalakal lang kayo? Eh ang tanging pamumuhay lang dito sa Magindale ay pagtatanim ng mga prutas at gulay kung hindi naman ang oagiging alipin sa palasyo, kaya hindi ko maiwasang tawanan ka," ani Amara. Huminga na lamang nang malalim si Harrison. "Hindi ko na talaga alam kung saang dimensyon na ako ng mundo napunta." "Pero teka, Harrison," putol ni Amara. "Sige, ipagpalagay na nating galing ka sa ibang mundo, pero bakit ganyan ang kasuotan mo? Katulad naman siya ng sa amin. Isa pa, sigurado ako kami lamang ng mga alipin sa Magindale ang may kasuotang ganyan," pag-uusyoso niya. Sa bagay, kahut anman si Harrison ay takang-taka rin kung bakit pagdsting niya sa lugar na ito ay suot na niya ang ganito kalinis na damit. Bagkus, ang naalala lang niyang suot niya noong nangangalakal siya ay isang punit-punit at maruming puting damit, kasama ang itim na pants na bigay lang ni Aling Susing na kanilang kapitbahay. "Hay nako. Kahit saan ka pa galing, bilisan na lang natin, para hindi tayo abutan ng gabi sa madilim na parte," wika ni Amara, saka lumipat ng ibang pwesto. Naglakad naman pa kanan si Harrison upang doon naman siya mag-ipon ng dahon, ngunit sa kaniyang paglalakad dali-dali siyangnnapalingon kay Amara nang may amrinig siyang sunod-sunod na malalakas na yabag. "A—Amara?" Ramdam ang takot sa boses ni Harrison nang marinig na palapit sa kanya ang malakas na yabag. Nagtinginan naman sila ni Amara at mukhang iisa lang ang pumasok na sagot sa kanilang isipan. "Huwag kang gagalaw, Harrison. Nabalitaan ko sa ibang nakaligtas rito na bulag daw ang isang mata ng oso, kaya kapag hindi tayo gumalaw ay posibleng makaligtas tayo," bulong nito. Huminga pa nang malalim si Harrison sa sobrang kaba. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya makakakita ng oso, hindi tulad noon nang kasama pa niya ang kanyang ama, kapag nagpupunta sila sa gubat ay mga mababangis na ligaw na hayop lamang ang kanilang nakikita at wala pa ni isang oso ang nakita nila roon. "Harrison, nandiyan na siya!" kahit si Amara ay kinakabahan na rin nang marinig na papalapit na sa kanila ang yabag. Nawala sa isip nila na nasa madilim na silang parte ng hardin, kaya naman pagtingin ni Amara sa paligid ay napasapok na lang siya sa kanyang ulo. "Anong gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Harrison dahil kahit siya ay hindi alam ang gagawin. Papandaliang nag-isip ng paraan si Amara, ngunit nang bumungad na sa kanila ang itim na oso habang nanlilisik ang mata ay napapikit na lamang siya sa takot. Halata rin ang bulag sa kaliwang mata ng oso, at paniguradong iyon din ang kahinaan niya. Tumingin siya kay Harrison na nanginginig na ngayon ang tuhod sa takot. "Harrison!" Tawag niya sa pinakamahinang boses, ngunit mukhang natameme na si Harrison sa mukha ng oso. "Harrison!" tawag niya muli. Mabuti na lamang at dahan-dahan nang humarap sa kanya si Harrison, kahit palapit na ang oso sa kanila ay hindi pa rin sila gumagalaw. Nakakatulong naman iyon dahil mukhang hindi sila napapansin ng oso, kahit ang pang-amoy juto ay mahina na rin. Base sa katawan ng oso, medyo may katandaan na ito ngunit hindi pa rin nila maaring ipagsawalang bahala. "Kapag nakatalikod na ang oso, dahan-dahan kang lumapit sa akin ha? Pupunta tayo sa liwanag!" bulong ni Amara. "Bakit? Baka mamatay pa tayo!" ani Harrison na mas takot na takot pa kaysa kay Amara. "Hindi, Harrison! Makinig ka." Naglakad na ang oso sa gitna nila, kaya hindi na naituloy ni Amara ang kaniyang sasabihin. Pari ang kanilang paghinga ay halos pigil na pigil din para lamang hindi sila mahuli. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, pagkadaan ng oso sa harapan ni Harrison, bigla naman siyang nakaramdam ng pangangati sa kaniyang ilong. Nagsisimula na iyong mangati, kaya pigil na pigil siya sa pagbahing. Naramdaman niyang may tumusok na balahibo sa kanyang ilong, at gusto niya iyong tanggalin ngunit hindi pa rin umaalis sa harapan niya ang oso. Halos humiwalay ang katawang lupa ni Harrison nang hindi na niya mapigilang bumahing. "Harry!" tawag sa kanya ni Amara nang magsimula na itong tumakbo tungo sa liwanag, ngunit hindi alam ni Harrison kung paano matatakasan ang dambuhalang oso na nanlilisik ang mata sa kanya. Kitang-kita pa ang paglalaway nito na animoy matagal ng panahon na hindi nakakatikim ng sariwang dugo, kaya ganoon na lamang ang pagkasabik kay Harrison. "A...ah, oso... Hindi po akoooo!!!" magpapaliwanag pa sana si Harry ngunit daglian siyang sinagpang ng oso, mabuti na lamang ay nakatakbo siya paikot, ngunit papunta pa rin sa madilim na parte ang kanyang tinatakbuhan. "Harrison dito!" sigaw pa rin ni Amara na gusto ring isalba si Harrison, ngunit hindi pa rin ito tinatantanan ng Oso. "Ay...ayoko na!!!" sigaw muli ni Harrison nang wala na siyang takas at napalibutan na siya ng malaking oso. Nasa dulo na siya ng mga pader at nasa harap na niya ngayon ang naglalaway na oso. "Tulong Amara!" sigaw niya muli, bago pa siya dambain ng oso. — KINABUKASAN Kaarawan na ng hari, kaya naman abala ang lahat sa seremonyang gagawin. Ang mga bisita ay nasa palasyo na, hinahanda na rin ng mga alipin ang pagkain, ang mga kagamitan tulad ng plato at kubyertos ay hindi pa nila mabilsi na naidadala roon. Ang isa kasi sa kanila na si Rodel na isang kusinero ay nagkaroon ng sakit, kaya naman walang pumalit sa kaniya, dahil si Amara ay nakakulong sa Palaseo. Sinamahan naman ito ng kanyang ina, kaya nakulangan din ng alipin na taga harid sa mga kubyertos. "Hindi pa ba kayo tapos riyan?!" galit na apsabi ni Roarke nang pinuntahan sa kusina ang mga alipin. "Kanina pa naghihintay ang mga bisita! Kulang pa rin sa kagamitan ang mesa!" sigaw nito. Kitang-kita naman sa mukha ng mga alipin ang kanilang mata na namumugto, dahil sa pagod at puyat. Halos wala silang pahinga at magdamag silang nagtatrabaho, upang matapos lamang nang maayos ang kaarawan ng hari. Hindi na rin kinaya ng iba kaya nagkasakit na sila at dinala sa silid upang gamutin. "P—patawad Ginoo," paumanhin ni Maria, ang namumuno sa mga tagapagluto. Bakas na rin sa kanyang boses ang pagod. Matanda na si Maria, kaya hindi na siya gaanong makakilos nang mabilis. "Hindi na po kinaya ng ilan nating kusinero, nagkasakit ang iba habang ang iilan naman ay nawalan ng malay dahil sa pagod," paliwanag niya ngunit mas lalong umigting ang panga ni Roarke. "Anong nais mong iparating ngayon sa akin?!" Kitang-kita ang inis sa kanyang mukha. "Huwag kang magpaliwanag sa akin! Gampanin ninyo ang inyong mga trabaho! Kailangang matapos ngayon din ang mga niluluto upang mailapag na sa harapan ng bisita! Huwag ninyo akong ipahiya sa hari." Pagbabanta nito. "Tandaan ninyo, kayong lahat na naririto ang malilintikan sa akin!" aniya saka umalis. "Ah, Ginoo!" tawag naman ng isang alipin, kaya natigilan sa paglalakad si Roarke saka humarap sa kanya. "Maaari po bang humingi ng tulong kina Amara at sa kanyang kasamahan? Upang sana ay matapos na ho kami sa aming gawain. Malaking tulong na nandito si Amara!" nakangiti nitong sabi, ngunit sa loob-loob nito ay takot na takot siya sa matatalim na tingin sa kanya. ni Roarke. Hindi na sumagot si Roarke saka umalis. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang alipin na nangahas kausapin si Roarke. Kadalasan kasi sa mga nakikiusap sa kanya o nangangahas kausapin siya ay kung hindi ito pinaparusahan, pinupugutan niya ito ng ulo. Siguro ngayon ay hindi lamang niya iyon maharap dahil may sermonya sa palasyo. Sa kabilang banda dumiretso si Roarke kung saan niya nilipon ang mga kawal. Ngunit bago siya makarwting doon, nakasabay niya ang dalawang kawal na kagagaling lamang sa palasyo. Yumuko ang mga ito sa kanay at binilisan ang paglalakad sa takot na pagagalitan sila ni Roarke, ngunit nabigla sila nang tawagin niya ang mga ito. "Ayos na ba ang lahat sa palasyo?" malumanay niyang tanong. "Opo Ginoo. Papunta na rin kami sa Plaridel," paliwanag naman ng isa. Ang Plaridel ay isang lungga sa loob ng palasyo, kung saan doon nagtitipon-tipon ang mga kawal upang pag-usapan ang kanilang pagbabantay sa palasyo. "Huwag muna," ani Roarke. Kahit ramdma niyang inapakan ang kanyang ulo sa ginawang paglapastangan sa kanya ng isang alipin ay hindi niya mawari kung bakit sinusunod niya ang sabi nito na palawalan ang dalawang mapangahas na alipin mula sa Palaseo. "P..po?" kahit ang dalawang kawal au hindi makapaniwala sa inakto ni Roarke. "Dumiretso kayo sa Palaseo. Tingnan ninyo kung buhay pa ang isa sa mga aliping kinulpng doon kagabi. Kung buhay pa, pakawalan na ninyo at ibalik sa palasyo, kung patay na sila hayaan na lamang ninyo," anito. Panandalian namang gumaan ang loob ni Roarke sa pag-aakalang namatay na sina Amara at Harrison sa loob ng Palaseo. Simula pa lamang kasi noong namuno siya rito ay wala na siyang nabalitaang nabubuhay kapag kinulong sa Palaseo. Lahat sila ay nilalapa ng mabangis na oso, kaya naman bahagya siyang natawa nang isipin ang gutay-gutay na katawan ng dalawang alipin. Nagtinginan naman ang dalawnag kawal at bahagyang ngumiti. Kahit sila ay alam na kung ano ang kanilang madadatnan doon. Malaki ang kumpiyansa nila na wala nang buhay ang dalawa ngayong isang araw ang tinagal nila doon. "Ginoo, panigurado namang patay na ang dalawang iyon," wika ng isang kawal. "Kaya nga Ginoo! Walang nakakaligtas sa mabangis na osong naroon," dugtong pa ng isa. Sinamaan naman sila nang tingin ni Roarke, kaya nawala kaagad ang ngiti nila sa labi. "Ang sabi ko, puntahan ninyo sila doon. Hindi ko kailangan ng suhestiyon ninyo. Alis!" inis na sabi ni Roarke, kaya dali-daling nagpaalam ang dalawa at nagpunta na sa Palaseo. Si Roarke naman ay dumiretso na sa Plaridel. Mamaya na lamang niya dadalawin si Mulder sa sikretong laboratoryo. Kailangan muna niyang siguraduhin ang kasiyahan ng hari ngaton, dahil mamaya ay magwawakas na ang buhay nito. — Habang papunta ang dalawnag kawal sa Palaseo, hindi nila mapigilang hindi matuwa habang iniisip ang posibleng nangyari na sa dalawa. "Basta akong magdadala sa duguang damit ng lalaki!" wika ng isang kawal sa kanyang kasama. "Panigurado, sinisimot pa rin ngayon ng oso ang kanilang lamang loob! Biruin mo, isang buong araw silang naroon!" patawa-tawa pa nitong sabi. "Basta ako, parang nag-iba ang pakiramdam ko." wika ng isa na mukhang diskumpyado ang boses. "Bakit naman?" "Napapaisip lang ako, bakit pa tayo pinapabalik ni Ginoong Roarke sa Palaswo kung alam na niyang patay na ang dalawa? Hindi kaya may balak siya sa atin?" "Ano ka ba! Hindi gagawin ni Ginoong Eoarke sa atin iyon, tsaka kitang-kita mo namang abala siya sa seremonya ngayon. Tsaka... hindi mo pa ba alam ang balita?" "Balitang ano?" Napaisip ang isang kawal sa sinabi nito. Hindi na nasagot pa ng kasama niya ang kanyang tanong nang nasa tapat na sila ng Palaseo. "Heto na..." wika ng mga ito nang ilalagay na nila ang susi sa kandado. "Basta dahan-dahan lang nating kunin ang mga damit nila ha? Baka magising natin ang oso!" wika pa nito nang dahan-dahan nilang buksan ang gate. Nawala ang ngiti nila sa labi nang pagkabukas nito at tumambad sa kanila ang katawan nina Amara at Harrison na natutulog at buong-buo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD