KABANATA VII: ANG PLANO

2060 Words
"A—anong nangyari rito?!" sigaw ng kawal nang magulat sila sa kanilang nakita. Doon lamang namulat sina Amara at Harrison na himbing na himbing sa kanilng pgtulog katabi ng oso. Halos mnlki naman ang mata ng dalawang kawal sa kanilang nakita at hindi makapaniwala na ang mabangis at nakakatakot na oso ay napaamo nila. Ang mas malala pa ah katabi pa nilang matulog at doon pa nakahiga ang dalawa sa tiyan nito. "Ah... Magandang umaga?" Hindi sigurado ni Harrison kung umaga na ba sa mga oras na ito, dshil ang pagkasabi sa kanila kahapon ay pakakawalan lamang sila kinabukasan. Papungay-pungay pa ang kanilang mata at si Amara naman say kinukuskos nito ang kanyang mata upang makita nang maige ang gulat na gulat na mukha ng mga kawal. "P—paano nangyari 'yan?" Turo ng kawal sa mahinbing pang natutulog na oso. "Kailangang malaman ni Ginoong Roarke ito! Hindi maaari, pinatay ninyo ang oso!" sabi pa nito, kaya mas lalong kumunot ang noo ng dalawa. "Teka!" Humakbang si Harrison palapit sa dalawa, ngunit mabilis na hinanda ng dalawang kawal ang kanilang baril. "Hindi pa patay ang oso! Natutulog lang siay," bulong nito na animoy ayaw magising ang oso sa mahimbing na pagkakatulog. Umiling-iling ang isang kawal. "H—Hindi! Paano nangyari 'yan?!" Hindi nito makapaniwalang tanong. "Paano? Anong ginawa ninyo?! Siguro... nilason ninyo ang alaga ni Ginoong Roarke!" Lumapit pa si Harrison sa kanila upang kumbinsihin na wala silang ginawa sa oso, ngunit ang baril ng dalawang kawal ay hindi pa rin naalis sa harap ni Harrison. "Huwag kayong maingay! Magigising ang os—" Hindi na natuloy ni Harry ang kanyang sasabihin nang biglang sumigaw ang isang kawal. "Huwag mo kaming linlangin! Pinatay ninyo ang.... Osoooo!!!" Halos humiwalay ang kanilang kaluluwa nang makita nilang tumayo ang oso at nanlilisik ang mata tungo sa kanila. Kaagad na kumaripas ng takbonang dalawa palabas ng hardin, habang ang oso naman ay mabilis silang hinabol. Pati sina Harrison at Amara at naalarma na rin dahil baka makalabas pa ito sa silid at maging dahilan ng gulo sa labas. Mabuti na lang at kaagad nasara ng dalawang kawal ang gate pagkalapit sa kanila ng oso. "Akala ko mamamatay na ako!" hinihingil na sbai ng kawal. "Ako nga rin 'e! Ikaw kasi ang ingay mo!" paninisi pa ng kasamahan nito. "Anong ako! IkawWw! Ang oso!" sigaw nila pareho nang dumamba ang oso sa kanilang harapan. Mabuti na lamang at naroon si Harrison at Amara upang pakalmahin ang oso gamit ang kanilang makapangyarihang kamay. Manghang-mangha naman ang dalawang kawal kanilang nakita. Ngayon pa lamang nila nakita ang oso na ganito kabait. Halos malaglag ang panga nila habang pinagmamasdan ang malumanay at mabait nitong mukha, habang hinahaplos ng dalawa ang tiyan at tainga ng oso. "Huwag kayong matakot kay Milo, mabait siyang oso," pahayag ni Harrison, saka pa kiniliti ang ilalim ng baba ng oso. Gustong-gusto naman iyon ng oso, saka pa ito napahiga sa saya. "Milo?" sabay pang tanong ng mga kawal. Tumango at bahagyang ngumiti sina Harry at Amara. "Oo, Milo ang ipinangalan namin sa kanya. Kung noon ay tinatak sa isipan namin na masamang hayop si Milo, ngayon ay isa na siya sa kaibigan namin," ani Amara saka niyakap si Milo. Nang magtagal ay doon lamang kumalma ang loob ng dalawang kawal. Sinabi niya kina Amara at Harrison na maaari na silang lumabas ng hardin, kaya naman nang akmang aalis na sila ay bumakas ang lungkot sa mukha ni Milo. Bago umalis ay kinausap muna nang masinsinan ni Harrison si Milo, habang si Amara naman ay nasa labas na at naghihintay. "Milo?" wika ni Harry habang hinahaplos ang ulo ni Milo. "Aalis muna kami ha?" paalam nito. Kung nakakapagsalita lamang si Milo at mapapalitan ng salita ang kanyang ungol ay malalaman mo kung gaano siya kalungkot nang magpaalam si Harry. Tanging sa kanyang mata mo lang makikita at mababasa na ayaw niyang paalisin ang binata. Upang mawala ang lungkot ni Milo, biglang nakaisip ng paraan si Harrison upang pasiyahin siya. May kung anong dinukot siya sa likod ng kanyang bulsa. Naalala niya ang kakarampot na karne ng manok na tinago niya sa bulsa. Ngayon sana nila iyon paghahatian ni Amara, ngunit mabuti na lang ay pinalabas na sila. Mula ang karneng iyon sa niluluto nila kahapon na nahulog sa sahig. Pinaamoy niya muna iykn kay Milo at nilapag. Mabilis namang kinain ni Milo ang karne at base sa kanyang kilos ay masaya na ito kahit papaano. "Sa susunod mas marami pang karne ang ibibigay ko sa iyo, Milo. Tsaka hayaan mo, kapag nakaalis ako rito, isasama kita ha? Pakakawalan kita at doon ka na titira sa gubat. Sa totoong gubat," wika pa nito tsaka tumayo at naglakad palayo kay Milo. Ngumiti naman si Harry nang salubungin siya sa labas ni Amara. "Tara na?" aya nito. Tumango naman si Harry at sa likod nila ang dalawang kawal. FLASHBACK NANG akmang aatakihin na ng oso si Harry ay siya naman pagresponde sa kanya ni Amara. Sa takot ay napapikit pa si Harrison at ginawang harang ang kanyang dalawang kamay sa mukha. Napamulat na lamang siya nang biglang huminahon ang oso at manghang-manghang napatingin kay Amara. Mayroong nakuhang mahabang tuyong sanga si Amara at ipinuwesto iyon sa leeg ng oso. Animoy nakikiliti ang oso sa ginagawa ni Amara, kaya naman sinubukan nilang gamitin ang kanilang kamay sa oag-aasam na maari nilang mapaamo ito. Tuwang-tuwa naman ang dalawa nang mapahiga sa sarap ang oso sa pagkiliti nila sa tiyan nito at tainga. Umabot pa na nakatulog na ang oso sa kanilang paanan, kaya naman kahit nahihirapan sila ay hindi na sila tumayo pa, dahil baka magising na naman ang oso. habang hinahaplos nila ang leeg at tainga ng oso, nagtanong naman si Harrison kay Amara kung saan natutunan ang ganonv technique. "Technique?" Pag-uulit ni Amara na mukhang walang ideya kung ano ang ibig sbaihin niyon. "Ano iyon?" "Technique, iyong katulad ng ginawa mong pagpapaamo sa oso," walang paligoy-ligoy na sagot ni Harry. Natawa naman si Amara sa inasta nito. "Alam mo, kaunti na lang maniniwala na talaga akong taga ibang planeta ka," aniya sa binata. Kumunot ang noo ni Harry. "Ayaw mo pa kasing maniwala 'e. Sinasabi ko na sa'yo noong una pa lang." "Eh, paano ako maniniwala sa iyo? Hindi ko nga alam ang San Roque na iyan, tapos kung ano-anong salita pa ang lumalabas sa bibig mo. Hindi ko namang maiwasan na hindi ka tawanan," paliwanag ni Amara. Napabunga na lamang nang malalim na buntong-hininga si Harrison. "Iyon na nga. Kahit ako ay hindi ko alam ang lugar na ito. Kung sanang alam ko lang na dadalhin ako dito ng liwanag, edi sana hindi na ako tumuloy. Inalagaan ko na lang sana ang inay kong may sakit," paliwanag ni Harry. Takang-taka naman si Amara na napatingin sa kanya. "May inay ka pa?" Bakas ang kalungkutan sa mukha nito. Tumango naman si Harry. "Oo. Simula nang mawala ang itay, si nanay na ang nagtaguyod sa akin. Hanggang sa nanghina na siya. Pinagpahinga ko na lang siya sa bahay, habang ako naman nangangalakal. Ikaw ba? Nasaan ang pamilya mo?" tanong niya. Napangiti nang mapait si Amara. "Wala na ang magulang ko," simpleng sgaot ni Amara. "Bakit? Paano?"umusbong ang kuryosidad ni Harrison kung nasaan ang magulang niya. "Maniniwala ka ba sa akin kung iniwan ako ng tunay kong magulang sa labas ng palasyo?" paliwanag ni Amara. Umawang naman ang bibig ni Harrison dahil sa pagkabigla. "P...pero paano?" tanong niya rito. "Ang sabi ni Tsang Linda, nakita raw nila ako noong sanggol pa ako sa tapat ng pinto ng palasyo. Nakalagay daw ako sa basket, habang walang tigil sa pag-iyak. Dati nga raw ay ayaw pa akong kuhanin ni Tsang Linda, dahil hindi siya mahilig sa bata, ngunit nang kalaunan ay naawa siya sa akin at saka niya ako inalagaan." Napatingin pa sa itaas si Amara, habang inaalala ang kaniyang kabataan. "Alam mo, Harrison. Kung hindi siguro ako niligtas ni Tsang Linda noon, siguro hindi kita kasama ngayon. Siguro hindi ko naranasang mabuhay ng ganito...na masaya. Kahit na hindi ako mahal ng magulang ko, ayos lang. Mas mabuti nang napunta ako kay Tsang Linda," anito. "Pero, Amara paano mo napaamo ang Oso? Saan mo natutunan iyan?" tanong ni Harrison dahil hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin siya sa ginagawa nila ngayon na pagpapaamo sa oso. "May asawa noon si Tsang Linda. Siya si Tito Konor, bata pa lamang ako, nakikita ko na ang pagmamahal niya sa mga hayop. Kapag nangangaso siya ay sinasama niya ako. Madalas napapagalitan siya ni Tsang Linda dahil sa maghapong pangangaso namin ay wala kaming nakuha." "Bakit naman?" "Sa sobrang lapit ni Tito Konor sa mga hayop, halos ayaw niyang patayin kahit mga mababangis na ligaw na hayop. Kung papatay naman siya, pikit mata niya iyong ginagawa. Siya rin ang nagturo sa akin noon kung paano mapaamo ang mga hayop. Akala ko kasi ay hindi iyon gagana sa osong ito, pero ngayon ay napatunayan ko na." Masaya ang dalawa nang gabing iyon, kaya ang pagod nilang katawan ay hinimlay nila sa makapal at malambot na balahibo ng mabangis na osong pinangalanan nilang Milo. END OF FLASHBACK Habang naglalakad sila sa pasilyo, tungo sa kusina ay tila naramdaman ni Harrison ang p*******t ng pantog. Nakalimutan niyang kanina pa siya naiihi, ngunit hindi niya magawang umihi doon sa hardin dahil kasama niya si Amara. "Maari bang magpaalam muna?" tanong ni Harrison sa mga kawal, kaya pati si Amara ay napalingon din. "Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga. Tinuro ni Harrison ang kanyang pantog na kaagad namang naintindihan ni Amara. "Pasensya na talag, kanina pa ito 'e. Baka sumabog na," aniyapa. Wala namang magawa ang dalawnag kawal kung hindi payagan si Harrison at ituro ang daan papuntang palikuran. "Kumaliwa ka kapag nakita mo ang isang kulay pulang halaman na nakadikit sa pader. Pagkatapos niyon ay may makikita kang palatandaan. Huwag kang bababa ha! Naroon albg iyon sa pinakagilid," paliwanag ng kawal. "Oh siya! Magpunta ka na roon dahil baka hanapin ka pa ni Ginoo!" dagdag pa nito. "Salamat! wika naman ni Harrison at dali-daling tumakbo pa kanan. Paulit-ulit niyang inaalala ang direksyong sinabi sa kaniya ng kawal. Dali-dali siyang tumakboat hindi na pinansin ang iba pang kawal na kanyang nakakasabay. Mas mahalaga ang makaihi siya, kaysa manakit ang kanyang pantog sa pagtitiis. "Bulaklak... paso... pader!" paulit-ulit niyang sabo, hanggang sa matunton niya iyon. Pagkakaliwa niya ay siya namang nakita niya ang palatandaan patungo sa banyo. Dali-dali siyang tumakbo papunta roon, habang salo-salo ang kanyang salawal. Mabuti na lang at wala siyang ibang aksabay, kaya dumiretso na siya sa loob. Pagkatapos umihi ni Harrison ah pinagmasdan muna niya ang buong paligid. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito kalaking banyo. Kadalasan kasi ay nakakagamit lamang siya ng maganda-gandang banyo sa palengke. Kung sa kanila naman ay isang masikip na palikuran lamang ang mayroon sila. Isa pa ay pader lang din ng kapitbahay ang humaharang sa kanila at nilagyan ng sako kapag sila ay maliligo. Kung dito naman sa palasyo ay maaari ka pang magtayo ng isang maliit na bahay sa loob ng banyo sa lakinnito. Magaganda rin ang kubeta at makikintab. Ang malinis na salamin sa harapan ng sink pati na ang mamahaling mga gripo na animoy naglalabas ng gintong tubig. "Grabe, magkano kaya ang ginastos nila rito?" tanong niya sa sarili habang nililibot ang tinginnda paligod. Pati ang ilaw na nakasabit sa bubong ay naglalakihan din. Nag pinto ng banyo na nakakahiyang hawakan dahil sa sobrang linis. Pagkatapos niyang i-eksamin ang paligid, lumabas na kaagad siya ng banyo at babalik na sana kung saan ang pinag-iwanan sa kaniya ni Amara at mga kawal kanina. Ngunit bago siya maglakad papunta roon ay napatigil siya nang malalingon siya sa isang tagong hagdan pababa. Dahil umusbong na naman ang kuryosidad niya ay pinuntahan niya iyon. Kumpara sa ibang hagdan, mukhang hindi napapansin ang isang ito dahol nasa sulok siya. Isa pa, medyo madilim ang daan pababa. "Hindi naman siguro ako hahanapin agad?" tanong niya sa sarili, kaya naman imbis na duniretso siya sa kusina ay naglakad siya sa isang madilim at maliit na hagdan pababa sa kaniyang inaapakan. Pag-apak pa lamang niya doon ay biglang kumalabog nang malakas ang kaniyang dibdib. May parte sa kaniya na ayaw na niyang ituloy at mayroon din namang nagtutulak sa kanya upang tingnan kung ano ang nasa ibaba. Sa huli ay mas pinili niyang bumaba sa hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD