KABANATA VIII: MUDLER

1365 Words
PAGBABA niya sa masikip at maliit ma hagdan, sumalubong sa kaniya ang maruming pader. Hindi niya akalain na sa pag-iikot niyang ito ay para siyang nakapunta sa bodega ng palasyo. Mali ba ang pinasukan niya? May kung anong nakakasulasok na amoy din ang kanyang nalalanghap, ngunit hindi niya iyon alintana dahil kung patibayan lamang ng sikmura, si Harrison pa ang dinadayo sa bahay nila. "Ano naman kayang meron dito, bakit ang baho? Hindi kaya nila ito napapansin sa itaas?" Dahan-dahang naglakad si Harrison sa pasilyo ng inaakala niyanv bodega. Walang katao-tao roon, kaya kahit sakupin jiya ang buong daan ay hindi siya mababawalan. Nakakapagtaka ring walang mga kawal ang narito. Sa bagay, kaarawan ngayon ng hari kaya naman panigurado ay nasa koob sila lahat ng palasyo. Habang naglalakad si Harrison, bigla naman siyang nakaramdam ng mabigat na yabag papalapit sa kaniya. Mabuti na lamang malalaki at matataba itong pondong pader ng bodega kaya kaagad siyang nakapagtago. Sisilipin pa sana niya kung sino iyon, ngunit muntikan pa siya mahuli ng dalawang kawal. Nag-uusap ang mga ito at hindi niya gaanong maintindihan ang sinasabi ng isang kawal dahil medyo malayo pa ang mga ito sa pwesto nila. "Henry!" sigaw ng isa pang paparating na kawal, kaya halos lunukin ni Harrison ang binubuga niyang hangin sa sobrang kaba. Kung kanina ay dalawa lang sila, ngayon ay tatlo na. Mukhang paakyat na rin sila ng hagdan. "Ano, tapos na ba ang pinapagawa ni Ginoong Roarke sa'yo?" tanong ng isang kawal sa humahangos nitong kasamahan. Mukhang ito na nga si Henry, dahil siya ang sumagot sa tawag nito. "Oo. Ang akala ko mabilis iyon, iyon pala aabutin kami ng dalawang oras ni Ginoong Roarke sa pag-aasikaso ng mga gagawin para mamaya," reklamo nito at rinig pa ni Harrison ang malakas nitong paghingal. Napaisip tuloy si Harrison sa binabangit ng mga kawal. May balak bang surpresa si Ginoong Roarke sa hari? Pero kung surpresa iyon, bakit dito pa nila ginawa sa bodega? "Sa bagay, sino nga ba namang magkakainterest na pumasok sa masikip at nakakasulasok na lugar na ito," bulong ni Harrison sa sarili. "Kakaiba talaga si Ginoong Roarke no?" nagsalita naman ang isa. "Oo, Peter! Sinabi mo pa. Gagawin at gagawin ni Ginoong Roarke ang plano niyang pagpapatumba kay Haring Montgomery kahit anong mangyari," wika ni Henry. Halos manlaki ang mata ni Harrison sa kanyang natuklasan. Ngunit bakut maman gagawin ni Ginoong Roarke ang pagpatay sa Hari? "Iba na talaga ang pagiging suklam ni Ginoong Roarke. Pero kahit siguro naman ako, aasamin kong maging hari ng Magindale. Kapag nangyari iyon, mapapasa akin lahat ng kapangyarihan sa lugar na ito," pagmamalaki ni Peter. Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis na ang tatlo at bago lumabas ng lungga si Harrison ay tiniyak muna niyang nakaakyat na ang tatlo sa hagdan. Doon lamang siya nagkaroon ng oras upang makahinga nang maluwag. Halos pigil ang hininga niya kanina habang pinapakinggan ang usapan ng tatlo. "Iyon pala ang plano ni Ginoong Roarke sa hari. Akala ko pa naman mabait siya," bulong niya sa sarili. Nagpatuloy sa paglalakad si Harrison, hanggang sa may makita siyang isang palikong daan. Katulad ng una niyang naobserba, marumi rin ang paligid doon. Isa pa, palapit nang palapit ang mabahong amoy sa kaniya na kahit siya ay napapatakip na nang ilong sa baho. Parang may sinusunog na goma sa pinakadulo ng bodegang iyon. Napatakip na lang si Harrison ng ilong gamit ang kaniyang damit ng itinaas niya iyon. "Hindi ako mamamatay sa pagod dito. Mamatay ako sa sakit sa baga," sabi pa niya at bahagyang natawa. Habang naglalakad siya papunta roon, bigla na namang siyang nakarinig ng nag-uusap. Papalapit iyon sa kaniya kaya muling nanlaki ang mata niya nang mapagtanto na wala siyang maaaring taguan! "Patay!" saad niya saka nagpaikot-ikot. Wala siyang magawa kung hindi ang diretsuhin ang pasilyo. Mabuti na lamang bago lumiko ang dalawang kawal ay siya naman swerte ni Harrison, dahil nakapasok siya sa isang kwarto na bukas. Hindi na niya iniisip kung mahuhuli siya o hindi, dahil base sa kalagayan niya ngayon, nagtago siya sa mga patong-patong na kahong nakatambak sa loob ng kwarto. Hula ni Harrison ay dito iniimbak ang kanilang mga kagamitan sa palasyo. May nakita pa kasi siyang sirang mga ilaw pati na mga espada na ginagamit ng mga kawal. Halos manlaki pa ang mata ni Harrison nang makakita ng kumikinang na diyamante sa loob. "Handa ka na ba mamaya?" tamong ng kawal sa kaniyang kasama, kaya napatigil siya sa pagtitig sa diyamanteng nasa lapag. "Sa Kaarawan ng hari? Oo! May susuotin na nga ako," pagmamalaki pa ng isa, habang papalapit sila sa bukas na kwarto. Kaya naman si Harrison ay pigil na naman sa paghinga. Iniisip na lamang niya na kapag nalampasan niya ang pagsubok na ito ay magiging mayaman na siya tulad ng ibang tao sa San Roque. "Hindi. Bukod pa iyon!" pangungulit ng isa. "Eh tungkol saan ba?" "Sa pamamaalam ng hari," anito. Gulat na gulat naman ang isang kawal. Mukhang hindi pa nito al ang mangyayari mamaya. Hindi na narinig pa ni Harrison ang pinag-uusapan ng dalaga dahil nakalayonna ang mga ito sa lumang kwarto. Kaagad namang yumuko si Harrison at pinulot ang kumikinang na bagay. Pagkakuha niya, isa iyong singsing, singsing na may diyamante sa gitna. Pati ang singsing ay gawa rin sa ginto na tingin niya ay nagkakahalaga ng mahigit sa dalawampung libong piso, pero kung ibebenta lang iyon sa junkshop ay dalawang daan lamang, magkukuripot pa si Mang Edgar na ibigay ang tag pipiso. Napangiti naman si Harrison nang maalala ang inay. Ang singsing na iyon ang magiging susi sa pag-angat nila sa buhay, kaya naman kaagad na isinilid ni Harinang susi sa kaniyang likurang bulsa at saka na siya dahan-dahang lumabas ng lumang kwarto. Tumingin muna siya sa paligid. Mabuti na lang at wala ng katao-tao. Malaya na naman siyang makakapaglakad. Pagkarating niya sa dulong bahagi, mayroon na namang daan doon na diretso kaya ang ginawa niya ay sinuong niya iyon, hanggang sa masilayan na niya ang isa pang kwarto. "Hindi kaya dito nila pinaplano ang pagpatay?" bulong ni Harrison. "Pero paano?" Lalong umusbong ang kuryosidad ni Harrison sa kwartong iyon. Bukod tanging ang kwarting iyon ang malinis sa lahat. Kitang-kita ang pagkaputi ng pintura sa pader. May kabilaang ilaw din kaya naman napakaliwanag sa loob. Medyo hukas din ang pinto, kaya naman dahan-dahang humakbang si Harrison, dahil baka mapansin siya ng mga nasa loob. Panigurado rin ay naroon si Ginoong Roarke. Dahan-dahang siyang naglakad patungo sa gilid ng pinto at sinisilip kung sino ang naroon. Tama nga ang hinala niya na nasa loob si Ginoong Roarke, ngunit sino iyong kasama niyang matanda na nakasuot ng puting damit? Napaisip nang bahagya si Harrison. "Parang alam ko kung saan nagtatrabaho ang matandang iyon ah? Napanuod ko kasi sa TV ni Aling Celia kapag may inooperahan at kapag gumagawa ng kemikal ay iyon ang mga sinusuot," wika niya sa sarili. Kalaunan ay napagtanto din ni Harrison na ang kasama ni Ginoong Roarke ay isang Chemist. Biglang napasandal si Harrison nang magsalita si Ginoong Roarke. Napakalakaz ng t***k ng puso niya dahil akala niya ay napansin na siya nito na sumisilip sa awang ng pinto. "Ano, Mudler? Ayos na ba iyan? Ilang oras na lang magsisimula na ang seremonya! Napakakupad mo talaga," galit na sabi ni Ginoong Roarke. Tumawa lamang ang matanda, tsaka naglakad papunta sa likuran ni Ginoong Roarke. Doon lamang napansin ni Harrison ang sari-sariling kemikal na ginagawa ni Mudler. Sa daminniyon ay nakakalito na kung iyong aalalahanin. May kinuhang pulang tubig si Mudler na nasa maliit na garapon. "Masyado ka namang mainit, Roarke. " Inilapit at iniabot niya ito kay Ginoong Roarke, doon lamang sumilay ang ngiti nito at nawala kaagad ang galit sa mukha "Huwag kang mag-alala, napag-aralan ko na ang lason na iyan. Kung ilalagay mo mamaya sa inumin ni Haring Montgomery, dalawa hanggang tatlong minuto iyan tatalab. Hindi ka bibiguin ng imbensyon ko at bukas na bukas rin ay isa ka nang ganap na hari," masaya nitong sabi saka sila nagkampay ni Ginoong Roarke. Nagsisimula namang mag-isip na ng paraan si Harrison kung paano niga iyon sasabigin sa Hari at kung paano siya makakalabas sa lugar na ito ng hindi napapansin ni Ginoong Roarke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD