KABANATA XXV: PALASYO

1837 Words
LIMANG oras at dalawampung minutong tinahak nina Roarke at kanyang anak na si Elora ang palasyo. Nang makarsting na sila doon ay tila langit para sa kanila dahil napayuko pa si Roarke, dahil sa pagod. Sa labas ng palasyo ay naroon nakabantay ang tatlong kawal. Kaagad silang tinutukan ng espada, kaya ang walang kalaban-labang si Roarke ay itinaas na lamang ang kaniyang kamay. "P—pasensya na, ngunit hindi naming nais manggulo rito," paumanhin niya sa mga kawal. Hindi naman kaagad naniwala ang mga kawal, ngunit tinanong siya ng isa sa mga ito. "Kung gayon, anong sadya mo rito?" Napaluhod na lamang sa lupa si Roarke dahil sa pagod. "Kailangan ko lamang pong makausap ang aking kaibigan si Mudler na balita ko ay nagsisilbi sa hari. Kakausapin ko lamang po siya dahil sa importanteng bagay." Dahil doon ay tinanggal na ng mga kawala ng kanilang espada na nakatutok sa mag-ama. Pinatayo nila si Roarke at dinala sa silong. Mabuti na lamang at mababait ang mga kawal ngayon na nagbabantay sa harap ng palasyo, dahil binigyan pa sila ng inumin at pinaupo sa upuang gawa sa kahoy. Ang mga natira nilang tanghalian ay binigay din nila kina Roarke. Sa gutom ni Roarke ay napakagat kaagad siya sa tinapay na may sahog na baboy, ngunit naalala niya ang kaniyang anak na nasa kaniyang tabi. Iniabot niya ang tinapay kay Elora, ngunit kaagad namang umiling ito. "Busog pa ako ama. Sa inyo na po iyan," wika ni Elora at pinagkasya na lamang ang kaisa-isang prutas na tira nila sa paglalakbay. "Hintayin muna ninyo ako rito. Tatawagin ko lamang si Ginoong Mudler," wika ng isang kawal saka siya umalis at pumasok sa palasyo. Napangiti si Roarke at kaagad na tumango. "Salamat po Ginoo! At pagpasensyahan ninyo kung nakaabala kami sa inyong pagpapahinga." Lumapit naman sa kanila ang isang kawal at mukhang nakaramdam ng awa sa mag-ama. "Ako nga pala si Policarpio. Anong pangalan mo, Ginoo? At ng iyong magandang anak?" tanong nito. "Ako nga pala si Roarke!" pakilala nito at nakipagkamay. Tinanggap naman iyon ni Policarpio. "At heto ang aking anak na si Elora. Nanggaling pa kami sa lungsod ng Mosklov, paumanhin dahil ngayon pa lamang kami nakapagpahinga galing sa paglalakbay." Gulat na gulat naman si Policarpio. Hindi kasi normal sa isang manlalakbay na suyurin ang ganon kalayong baryo patungo lamang rito. Alam niya kung gaano kalayo iyon, dahil kahit kaniyang kabayo ay humahangos din at nagpapahinga kapag umaalis sila ng palasyo. "Mosklov?" Hindi makapaniwalang tanong ni Policarpio. "Teka, nakakain na ba kayo? Tsaka ano bang isinadya ninyo rito? Baka matulungan ko kayo sa inyong problema?" Nahihiya mang sabihin ni Roarke ay hindi na siya nagdalawang isip na sabihin kay Policarpio ang kaniyang sinadya. "Kakamatay lamang ng aking asawa at ang aking anak na sinElora ay may malubhang karamdaman. Hindi ko siya maiwan sa aming barung-barong na ganoon katagal, kaya naman isinama ko siya rito. Ilang araw nang mataas ang kaniyang lagnat. Madalas din ay umiiyak siya, kaya hindi ko na alam ang aking gagawin." Nakaramdam ng awa si Policarpio, ngunit wala siyang maitulong sa dalawa kung hindi ang alukin na lamang sila ng pagkain. "Teka." Tumayo muna siya upang isipin kung paano niya matutulungan ang mag-ama. "Hintayin ninyo ako rito ha? Ikukuha ko kayo ng pagkain sa loob para habang hinihintay ninyo si Ginoong Roarke ay may pinagkakaabalahan kayo." Hindi na umangal pa si Roarke, dahil sa totoo lang ay kulang pa ang tinapay na binigay sa kaniya sa sobrang gutom at uhaw niya. Mabuti na lamang at kahit papaano ay nalamnan ng kauntinang kaniyang tiyan. Sapat na rin iyon upang magkaroon siya nang lakas para mamaya pagbalik sa kanilang bahay. Ilang minuto din ang tinagal ni Policarpio, pagbalik niya ay may hawak na siyang trey na naglalaman ng samut-saring pagkain at masarap na inumin. Lalo g natakam sina Roarke at Elora kaya paglapag pa lamang ng pagkain sa mesa at kaagad na nilang sinunggaban. Tuwang-tuwa naman sina Policarpio at Megallan habang pinagmamasdan silang kumain. Sakto naman ng matapos na sila ay saka bunalik na ang kawal na siyang tumawag kay Mudler. Tumayo silang lahat at nakangiting sumalubong si Roarke sa kaniya. Pagdating doon ay may binulong pa ito kay Policarpio, ngunit nang tumingin si Policarpio sa mag-ama ay tila may mali. "Ah, Ginoong Roarke? Pasensya na ngunit hindi raw pinayagang umalis ng palasyo ngayon si Ginoong Mudler, dahil may ginagampanan siyang tungkulin. Hayaan mo at sa susunod na araw ay baka—" Kaagad na pinutol ni Roarke ang sinasabi ni Policarpio. "Hindi maaari, Ginoo! Ang tagal ng aming binaybay. Hindi naman namin hihingin ang isnag araw ni Mudler! Kailangan ko lamang humingi ng gamot sa kaniya para sa anak ko!" pilit nito. Sumabat naman ang isang kawal. "Ngunit kung ipagpipilitan mo pa iyan, Ginoo ay baka pugutan ka ng ulo ninHaring Montgomery. Hindi maganda ang kaniyang gising ngayon, kaya hindi namin siya pinipilit." Napabuntong hininga na lamabg si Roarke at nagsimula nang mangilid ang kaniyang luha. "Ginoo, pakiusap! Napakalayo ng nilakbay namin! May sakit ang anak ko, kailangan siyang matingnan ni Mudler! Pakiusap. Bigyan ninyo kami ng isang araw. Isang araw, maghihintay kami rito pakiusap, sabihin niyo lamang kay Mudler na narito kami sa labas." Kita ang pagkaawa sa mata ni Policarpio, ngunit wala siyang magawa kung hindi tingnan ang kalunos-lunos na sinapit ng mag-ama. Wala siyang maitulong na kahit ano sa mga ito. Gustuhin man niyang ipatawag si Ginoong Mudler na isang doktor sa palasyo ay hindi maaari. Nakaisip nang paraan si Policarpio. "Kung nais ninyo ay pumarito muna kayo," aniya. Kita ang pag-usbong ng pag-asa sa mukha ni Roarke. "Hanggang kinabukasan. Sigurado ay makakalabas naman si Ginoong Mudler at matitingnan ang iyong anak." Tuwang-tuwa si Roarke at pinunasan ang namupng luha sa mata. "Maraming salamat Ginoo! Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito sa inyo!" Kahit hindi sang-ayon ang dalawnag kawal sa balak ni Policarpio ay wala na silang magagawa, dahil sinimulan na ng dalawang ayusin ang kanilang tutulugan para mamaya. Dinala ni Policarpio ang dalawa sa likod ng palasyo kung saan may nakatayong kubo doon. Doon namamalagi ang ibang kawal tuwing gabi at doon na rin nagpaoahinga, ngunit ngayon ay pinagbawal na sila doon, kaya naman wala ng kawal ang nagpupunta sa kubo. "Pagpasensyahan niyo na kung madilim at karton lamang ang maipapahiram ko sa iyo," ani Policarpio. "Ayos lang iyon, Ginoo! Masaya na ako dahil napagbigyan ninyo kami." Habang inaayos nila ang kanilang higaan ay bigla namang nawalan ng malay si Elora. "Elora, anak?" Yugyog ng kaniyang ama ngunit hindi ito magising. "Elora?" "Anong nangyari?!" tanong kaagad ni Policarpio. KAAGAD na tinawag ni Policarpio si Mudler sa loob at maiging pinakiusapan tungkol sa kalagayan ni Elora, ngunit bigo siya dahil ang hari ay hindi pumayag na lumabas si Mudler. Baka raw ay makasagap pa ito ng sakit at mahawaan ang hari, kaya naman malungkot na bumalik ng kubo si Policarpio upang sabihin ang masamang balita kay Roarke. "Nasaan na si Mudler, Ginoo? Ang anak ko napakataas na ng lagnat, tulungan ninyo ako! Mababaliw ako kapag nawala pa siya sa akin!" mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Roarke, ngunit kahit si Policarpio ay hindi alam ang gagawin at paano sabihin kay Roarke na tinataboy sila ng hari. "Patawarin mo ako Ginoong Roarke, ngunit... Hindi pumayag ang hari na palabasin si Ginoong Mudler, dahil baka mahawa siya sa sakit ng iyong anak." Halos lumuhod na si Roarke sa pakiusap kay Policarpio ngunit wala na silang magawa. Tumayo si Roarke at pinunasan ang kaniyang luha, binuhat niya ang walang malay niyang anak at tumingin sa mga kawal. "Ganyan ba ang hinirang ninyong Hari? Wala siyang puso!" aniya. Kaagad naman siyang tinutukan ng espada ng mga kawal ngunit tumawa lamang siya ng sarkastiko. "Sige! Patayin ninyo ako! Siguro ganyan din ang mga alipin ninyo! Pinapatay ng walang habas ninyong hari!" wika niya. Pinigilan naman siya ni Policarpio at inilayo sa mga kawal. Ramdam niya ang paghihinagpis ni Roarke ngunit kahit siya ay walang magawa doon. "Patawad Ginoo. Mas maige siguro kung ihatid ko na lang kayo sa inyong tahanan?" pagpresinta niya. "Hindi na kailangan!" galit na sabi ni Roarke. "Hindi ko kailangan magkautang na loob sa inyo!" Ngunit pagkasabing iyon ni Roarke ay bigla namang nagngisngis ang mukha ni Elora. "A—ama..." Sa huli ay wala ng magawa si Roarke kung hindi magpahatid sila sa dalawang kawal. Kahit gabi na ay kailangan na nilang umuwi, dahil hindi maayos ang lagay ni Elora sa kubong inihanda sa kanila. Lumalalim na ang gabi, kaya naman hinanda nina Policarpio at kasamahang kawal ang kanilang espada. Si Policarpio ay inaalalayan si Elora, habang ang isang kawal naman ay ang pagod na si Roarke. Hindi namalayan ni Roarke na sa sobrang pagod ay nakatulog na siya sa paglalakbay. Napangiti nang bahagya si Policarpio nang tingnan niya ito. "Mabuti naman at nakatulog na sila, Maro." "Kaya nga po Ginoo. Naaawa rin ako sa kalagayan nilang mag-ama, ngunit hindi natin masisisi ang hari, dahil kahit siya ay may sakit din." "Tama ka, Maro. Ang maaari na lamang nating gawin ngayon ay dahan-dahan na lamang tayo sa paglalakbay upang kahit papaano ay makapagpahinga si Ginoong Roarke." Tumango naman si Maro at ngumiti. Lumalalim na ang gabi, habang naglalakbay sila ay naririnig na ni Policarpio ang ibat-ibang huni ng hayop. Bilog at napakaliwanag na rin ng buwan, sakto lamang iyon dahil nakakatulong ang ilaw na iyon upang mas mapadali ang kanilang paglalakbay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maisip ni Policarpio kung paano magawang lakbayin ni Roarke ang ganito kakitid na daan. Isa pa, napakalayo ng lugar nila papunta sa Palasyo. Ngunit tulad ni Roarke ay nadismaya din siya nang hindi nila makita ang kanilang hinahanap. Mabuti na lang at may baon siyang pangtanggal ng lagnat sa kaniyang anak. Sapat na siguro iyon upang makabawi. Ginawa iyon ng kaniyang asawa na si Celia. Madalas kasing lagnatin ang kanilang anak-anakan na si Amara, kaya kumuha ng halamang gamot ni Celia at iyon ang ipinapahid tuwing may sakit ang kanilang anak. Pagkaraan ng apat na oras na paglalakbay, malapit na sila sa lugar ng Mosklov kung saan nakatira sina Roarke. Mabuti na rin at nagising ito, dahil baka maligaw pa sila ng daan. Tingin ni Policarpio ay nasa ala una y media na ng hatinggabi, siguro ay hihintayin na lamang din nilang mag-umaga sa bahay ni Roarke, dahil iba ang pakiramdam ni Policarpio nang papasok sila sa gubat. Nang makarating na sila sa destinasyon, dahan-dahang bumaba si Roarke sa kabayo at ganon din si Maro. Inalalayan naman nila si Elora na gising na rin, ngunit halatang lambot na lambot pa at nilalamig. "Maraming salamat sa inyo, Ginoong Policarpio at Maro. Pagpasensyahan niyo na kung...kung hindi ko mapigilan ang sarili ko at nakapagsabi ako ng masama sa hari." Tinapik ni Policarpio ang balikat ni Roarke. "Huwag kang mag-alala. Naintindihan ka namin, tsaka..." May dinukot si Policarpio sa kaniyang bulsa. "Heto." Iniabot niya kay Policarpio ang isang maliit na boteng naglalaman ng kulay puting langis. "Mabisang gamot iyan sa lagnat. Subukan mong ipahid sa iyong anak at pinigurado mawawala kaagad iyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD