KABANATA XXVI: PANGAKO

1607 Words
HINDI alintana ni Harrison ang init at namumuong pawis sa kaniyang mukha. Patuloy pa rin siya sa paghila ng malaking gulong papunta sa itaas ng bundok. Nakasa kalahati na siya, kaya napapangiti na siya kahit hirap na hirap na. Simula kanina ay hindi na siya nagpahinga, inumpisahan niya ang pagtalon ng isang libong beses at masaya siyang nagagawa na iyon sa loob ng tatlumpung minuto, hindi katulad noon na aabutin siya ng dalawa hanggang tatlong oras. "Kaya ko ito." Hila niya sa gulong, ngunit bigla na lamang siyang napaupo nang hindi mapanson ang nakausling ugat ng puno na humarang sa gulong kaya pati siya ay napasabay. Imbis na mainis ay natawa na lamang siya. "Siguro naawa na ang mga ugat sa akin kaya sila na ang gumagawa ng paraan para makapagpahinga na ako." Ilang segundo lamang nagpahinga si Harrison sa pwestong iyon, bukod kasi sa tutok siya sa araw, gusto niyang makarating na rin sa dulo at matapos na ang kaniyang misyon. Iniisipnpa lamang niya ang malamig at malinis na tubig sa ilog ay nanunuyo na ang lalamunan niya. Ilang minuto lang ay nakarating na rin sa tuktok ng bundok si Harrispn bitbit ang gulong. Patag ang tuktok ng bundok, dahil iyon din ang ginagawang nilang lugar upang mag-ensayo si Harrison. Naroon pa rin ang malalaking tipak ng bato, kaya naman napaupo ai Harrison doon habang hinahaplos isa-isa ang mga bato. "Grabe, parang kailan lang dinala ko kayo rito. Pakiramdam ko napakabilis ng araw sa Magindale." Napatingin sa kalangitan si Harrison. "Kumusta na kaya si inay?" tanong niya sa sarili. Kahit labis na siyang nangunguli sa inang si Martha ay nilalakasan na lamang niya ang kaniyang loob at ginugugol ang kaniyang pangungulila sa pag-eensayo. Imbis kasi na magmukmok siya at umiyak habang iniisipnang ina, mas mabuti nang magpalakas na lamang siya upang makatilong pa siya sa pagliligtas ng palasyo. Sa ilang buwan na niyang naninirahan dito ay napamahal na sa kaniya ang Magindale pati na ang mga tao. Hindi pa rin niya makalimutan ang sinabi sa kaniya ni Ka Andoy nang sila ay magkaharap. Hindi niya akalain na ganon na lamang katiwala sa kaniya ang matanda, kahit na unang beses pa lamang nila iyong pagkikita. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Ka Andoy sa kaniya habang kinukuha ang isang bote ng alak sa taas ng kabinet. Si Harrispn naman ay umupo sa lapag kung saan nasa gitna ang maliit na messng kanilang pinagpapatungan ng baso. "Ako nga po pala si Harrison... Harrison Buenavente," pakilala niya. Humarap sa kaniya si Ka Andoy dala angalawak na ngiti. Kahit ngayon pa lamang sila nagkita ay tila magaan na ang loob niya rito. Mayroon pagkakahawig kasi sa ugali ng kaniyang ama at si Ka Andoy. Binuksan ni Ka Andoy ang alak at isinalin iyon sa maliit nilang baso. "Magandang pangalan. Bagay ang pangalan mo bilang isang Hari," pagbibiro ni Ka Andoy kaya pati si Harrison ay natawa na rin. Sabay nilang nilagok ang alak at napangiwi si Harrison sa pait niyon. Sa totoo lang ay hindi siya sanay uminom ng alak. Bukod kasi sa wala siyang perang pambili niyon, ayaw din niyang tumikhim dahil baka maadik lamang siya sa lasa. "Biro lang. Siya nga pala, ako si Ka Andoy ang namumuno sa mga tribo ng Cabellero dito sa Magindale," pakilala nito. "Paano ka nga pala napunta rito? Bilib na bilib ako sa katapangang ginawa mo ha?" "Po?" napakunot ang noonni Harrison sa tinuran ni Ka Andoy. Tumawa muna siya saka muling nilagyan ng alak ang kanilang baso. "Alam ko ang ginawa mo nang kaarawan ng hari. Bihira lamang ang taong ganon katapang, kaya bilib ako sa iyo, Harrison," seryoso nitong pahayag. "Wlaang sinuman ang gustong bumangga kay Roarke. Bukod kasi sa napakapangit niya, malaking tao pa siya!" pagbibiro nito muli at saka sila nagtawanan. Naalala ni Harrison ang ginawa niya noong kaarawan ng hari. Ito rin ang mitsa kung bakit nagkagulo sa palasyo at ngayon ay tuluyan nang namaalam si Haring Montgomery. "Hindi ko nga po alam kung bakit ko ginawa iyon," nilagok ni Harry ang alak saka bahagya siyang natawa. "Dapat hindi ko na ginawa iyon dahil wala namang naniniwala sa akin. Isa pa, pati sarili kong kaibigan tinawanan lang ako sa pag-iilusyon ko." "Huwag mo silang intindihin, Harrison. Alam mo noong mabalitaan ko iyon ay nagdiwang kami. Nais ka naming pasalamatan dahil inililigtas mo ang hari sa kay ng mapangahas na si Roarke. Sa kasamaang palad nga lang ay hindi mo naipakita ang kahit anong ebidensya na magpapatunay sa iyong sinasabi." "Mali po ba ang ginawa ko?" biglang tanong ni Harrison kaya napatigil sa pag-inom ng alak ai Ka Andoy. Tinitigan muna siya nang ilang segundo bago sumagot. "Walang mali sa pagsasabi ng totoo, Harrison. Ang mali ay iyong mga mata ng mga taong naroon. Nagbubulag-bulagan sila. Pinapangunahan sila ng takot na baka pag nag-aklas sila ay patayin sila o ipatapon sa ibang lugar. Noon pa man, hindi na ako pabor sa pamamalakad ni Roarke. Nabuhay ako sa Magindale nang tahimik, ngunit nang dumating si Roarke sa palasyo ay tila nagbago ang lahat. Ang sigla at saya ng bawat isa ay napalitan ng takot. Madalas ang mga tao ay nagtatrabaho hindi na dahil para sa kanilabg sarili, nagtatrabaho na sila dahil iyon ang utos ni Roarke. Ang pagiging Harinni Montgomery ay nawawalan na rin ng silbi dahil sa kaniya. Kaya hindi nila kami masisisi bakit kami bumup ng hukbonna tatapos ng paghihirap ng mga tao." "Maraming salamat po sa inyo Ka Andoy," ngumiti si Harrison. "Dahil sa inyo nabawasan ang kuro-kuro sa isipan ko. Naging panatag na rin ang loob ko. Laking pasasalamat ko, kung hindi sa inyo ay baka nasa tiyan na ako ngayon ng Nakee na iyon." Oo, kamakailan lang ay nalaman ni Harrison na si Ka Andoy ang mag-utos kina Lorenz at Victor na iligtas si Harrison sa Calais. "Hindi kita iniligtas dahil wala lang, Harrison. Malaki ang potensyal mo at naniniwala ako sa iyong magagampanan mo nang mabuti ang iyong gawain bilang isang tagapag tanggol. Naniniwala ako sa iyo at sa iyong kakayahan. IYON ang munting paalala ni Ka Andoy kaya naman nagsisikap si Harrison kahit madalas ay nahihirapan siya sa gawain. Alam niya sa sariling sa umpisa lamang mahirap at kapag nagtagal na ay masasanay na ang kaniyang katawan sa mabibigat na bagay. Pagkaraan ng ilang minutong pagpapahinga, tumungo na si Harrison sa pinakapaborito niyang pwesto sa bundok—iyon ay ang maliit na ilog kung saan siya sumasalok ng malinis na tubig. Bahagya lamang siyang naglakad papunta doon at nang makarating na siya sa b****a ng ilog, hindi niya mapigilang mapangiti. Tunog pa lamabg ng agos sa ilog ay nakakapagpakalma na sa kaniyang sarili. Tila sinasabay ng agos lahat ng kaniyang pagod at problema. Dagdag pa ang huni ng mga ibong malayang nakakaliapd sa kalangitan. Napakasarap ding pagmasdan ng mga punong walang tigil sa pagsasayaw at pag-indayog. Wari mo'y sinasalubong si Harrison ng may galak. "Mabuti na lang at may pwesto sa bundok." Umupo si Harrison sa malaking bato na nasa gilid ng tubig. "Kung wala siguro itong ilog, siguro pagod na ako at problemado pagbaba ko ng bundok." Nang pakiramdam na ni Harrison na natuyo na ang pawis sa kaniyang katawan ay saka naman niya tinanggal ang kaniyang saplot. Binabad pa niya ang paa sa malamig na tubig kaya naman umakyat iyon sa kaniyang buong katawan. Animoy inaakit siya nang tubig at magbabad. Hindi na natuluyan ni Harrison at nilublob na ang katawan sa tubig. Napapikit pa siya sa sarap ng kaniyang pakiramdam. Sa kaniyang pagpikit, naalala niya ang kanilang lugar. Halos bilang na bilang lamang sa kaniyang daliri ang pagligo niya sa mga swimming pool o dagat. Kapag lamang may pera o malaki ang benta ng kaniyang kaibigang sina Andrei ay sinasama siya sa pagligo sa swimming pool. Madalas ay nagti-tiyaga lamang siya sa isang timbang tubig na galing sa poso. Binabayaran pa niya iyon ng dalawang piso kada timba kaya naman sobra ang galak niya nang makita ang lugar na ito. "Kumusta na kaya si Inay? May pagkain pa kaya siya roon? Inaalala kaya niya ako?" sunod-sunod niyang tanong sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa maalala ni Harrison ang detalye kung bakit siya napunta sa lugar na ito. Tanging ang maliwanag na ilaw lamang ang kaniyang naalala, pagkatapos niyon ay wala na. Sa totoo lang ay mahiwaga ang pagdating ni Harrison dito pati na ang mga nangyayari ngayon. Minsan nga ay iniisip niya kung tunay ba talaga ang mga tao rito, sina Victor o di kaya Lorenz? Pati na ang Harinna kanilang tinatawag. Nawe-weirduhan man siya sa mga nakakasalamuha niya ay sumasabay na lang siya sa agos. Isa pang bumabagabag sa isip niya, paulit-ulit na lamang kasing pumapasok sa kaniyang panaginip ang isang eksena na animoy nangyari sa totoong buhay. Sa kanilang baryo, may mga tao raw na nag-aaway at bigla na lamang ay may sumaling isang binata doon, biglang pumutok ang baril at bigla itong bumulagta, ngunit kahit anong titig niya sa lalaki ay hindi niya maaninag. "Harrison!" Biglang bumalik sa ulirat si Harrison nang marinig ang isang boses na nanggaling sa baba ng bundok. Panigurado, si Victor iyon. Kaagad naman siyang umahon sa tubig at mabilis na sinuot ang kaniyang damit. Bahagya pa siyang napakamot sa kaniyang ulo dahil sa pagkabitin. "Sa susunod na lang nga," dismayado niyang sabi. Nang nasa gitna na ng bundok si Harrison ay napangiti siya. Tama nga ang hula niya na si Victor ang tumatawag na iyon. "Andiyan na!" sigaw niya pabalik at saka siya tumakbo. Sa tagal niyang nagsasanay dito ay kahit matarik ang daan, kaya na niyang ibalanse ang kaniyang paa at tumakbo ng matulin pababa ng bundok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD