"DOVE! ANG GANDA MOOOO!" Palahaw sa akin ni Aian na ngayon ay inaayusan. Ang nag-aayos ay hindi magkandaugaga kung itutuloy na ba ang pag aayos o titigil muna. Kasi naman, ang bruha, nakaupo naman tapos ilang minuto ay gagalaw. Baliw din e. "Hindi pa nga ako inaayusan!" ismid ko dito. "Bonak. Pa-advance lang yon! Baka kasi hindi na kita masabihan ng ganoon pag naayusan na ko. Alam mo naman na mas maganda ako!" palatak nya sakin na ikinatawa ng kasama namin. Magsisimula pa lang kasi na ayusan kami. Magsasalita pa lang ako nang may pumasok na panibagong bisita. "HOLA AMIGAS!" Sigaw ni Mio na ngayon ay nakatube na black na pinatungan ng blazers at black shorts. Nakapaa na lang ngayon. Binatukan sya ni Adana na nasa likod lang nya. "Aray, ha!" "Laki mong harang dyan. Nagmamaganda! Hmp." T

