"Hello? Where are you?" tanong ko kay seven. Nasa labas na ako ng bar na usapan namin, iyong bar na pinuntahan namin dati kung san namin nakita ang mga kaibigan nya. "I'm on my way. May kasabay ako, love." paalam nya sakin. Medyo nagulat ako doon. He's always cold to everyone na hindi nya kilala kaya it's possible na kaibigan nya iyon. "Hmn-mn, I'll wait for you here." sabi ko at binaba na ang tawag. After we became legal on both parties, mas lalo kaming naging malayang dalawa. Minsan nakaakbay sya sakin o minsan ay holding hands naman kahit sa public. It's been months already at after niyon ay nasundan pa ang pagbisita ko sa kanila ng ilang beses. Ni hindi kami nakakapag usap na dalawa kapag andoon dahil ang palagi kong kasama ay si Stella at Mama Selene. Minsan kwentuhan o di kaya nam

