Nagulat si Kyle pagpasok niya sa kanyang log cabin nang marinig ang hagulgol ng isang babae. Kinikilabutan siya dahil napakadilim ng paligid. Si Zhoey! naisip niya. Kung sakaling mangyari ang masama, kailangan niyang maging handa. Maingat siyang naglakad sa sahig upang maiwasang makalikha ng ingay. Narinig niya ang pag-iyak mula sa kwarto ni Zhoey. Huminto siya sa harap ng pinto, hinawakan ang doorknob, at sinubukang pihitin ito. Bukas ang pinto. Hindi siya nag-atubili—pumasok siya at binuksan ang ilaw. "Zhoey?" tawag ni Kyle. Nakita niyang humahagulgol si Zhoey. She had a nightmare! Agad niya itong nilapitan at niyakap. "Zhoey, wake up," sabi niya habang marahang niyugyog ito upang magising. Nagising si Zhoey at tumingin sa kanya, medyo nalilito kung nasaan siya at kung sino ang yumakap

