Lihim pa ring natatawa si Kyle habang iniligpit ang pinagkainan nila. Ngayon lang siya nakatagpo ng isang babae na ganito kalakas kumain—grabe kung makasunggab! Humantong pa sa puntong hindi na makatayo o makalakad dahil sa sobrang kabusugan. Napailing na si Kyle, tila hindi makapaniwala. Pambihira ang ganitong klaseng babae at parang nag-iisa lang si Zhoey. "Hoy, ako na ang magligpit niyan! Nakakahiya naman sa'yo!" pigil ni Zhoey, pilit niyang inaawat si Kyle. Gusto sana niyang siya na ang magligpit, pero agad lang kumaway si Kyle, tanda ng pagtanggi. Sa totoo lang, hindi pa niya magawang tumayo dahil sa bigat ng kanyang pakiramdam matapos kumain, tila may bato sa kanyang tiyan. Pero kahit ganoon, sinubukan pa rin niyang tumayo. Nakita ito ni Kyle. "Ako na ang bahala nito. Just sit there

