Chapter 6: Dinner with Mr. Galvez

2559 Words
Sinuot ni Zhoey ang damit na binili ni Dedo para sa kanya noong nagpunta sila sa NG Shopping Mall. Naalala pa niya ang sinabi nito noon, "Ito bagay sayo o, beige na kulay at plain pa. Isa itong waist tie dress na short sleeve na hanggang tuhod. Lulutang ang pagka-simple mo at pagka-inosente diyan. Tapos lalo kang gaganda dahil slim ka, maputi, makinis, maganda ang hubog ng iyong katawan. So, pwede ka ng magka-boyfriend nyan. Twenty-two years old ka na kaya…" Natatawa si Zhoey sa sinabi ni Dedo na pwede na siyang magka-boyfriend. Kung magkaka-boyfriend man siya, gusto niya si Nimrod ito. Alam niyang medyo nadismaya si Dedo dahil sa pagkakagusto na niya sa isang lalaki, kasi nga dahil dito nagbago na ang plano niya sa buhay. Pero sa huli, iniintindi pa rin siya ni Dedo. Sabi nito, ang happiness niya ang pinakaimportante. Sinabi rin ni Dedo na pigilan minsan ang nararamdaman, huwag padalos-dalos sa mga desisyon, baka daw masaktan lang siya, lalo pa at hindi pa niya masyado kilala ang lalaki. Masaya si Zhoey na sinuportahan pa rin siya ni Dedo, kahit medyo nag-aalala ito. Ramdam niya ang tunay na pagmamalasakit ng kaibigan sa kanya. Puno ng pag-asa ang puso niya habang iniisip ang posibilidad ng kanyang bagong hinaharap, kahit may halong kaba. Ngayong gabi, pupunta sila sa Galvez Cuisine na pagmamay-ari ni Mr. Conrado Galvez. Doon daw sila kikitain nito. Habang nagbibihis siya, narinig niya ang malakas na busina sa kotse ni Dedo. "Bilisan mo, Zhozho! Nakakahiya kay Mr. Galvez pag late tayo!" sigaw nito. "O, nandiyan na! Ang apurado mo naman!" Dali-dali siyang lumabas, naka-flat sandals lang para komportable sa paglakad. Pagdating nila sa Galvez Cuisine, tinanong nila ang reservation ni Mr. Galvez sa customer service. Mismo ang manager ang lumapit sa kanila at nag-assist. Hinintay pala talaga nito ang pagdating nila. Nakakalula sa laki ang Galvez Cuisine, at halatang puro masasarap ang iba't ibang klase ng pagkain, at halatang pang-mayaman. Sinamahan sila ng manager at hinatid sa exclusive room for VIPs. "Sir and Ma'am, kindly wait here for Mr. Galvez. He is on his way here," sabi ng manager nang sila'y naka-upo na. Nalaman ni Zhoey mula kay Dedo na isa palang bilyonaryo si Mr. Conrado Galvez. Ang simple lang kasi nito noon, hindi halata sa itsura at pananamit na mayaman pala ito. Agad inihanda ang mga pagkain. Nanlaki ang mga mata ni Zhoey nang makita ang mga bagong serve na food— itsura pa lang, nakakatakam na. Naglaway tuloy siya sa dami at sarap ng pagkaing nasa harapan nila. Excited at konting kaba ang naramdaman ni Zhoey habang hinihintay si Mr. Galvez. Mayamaya ay pumasok na ito. Tumayo silang dalawa ni Dedo para bumati. Namangha sila sa Mr. Galvez na nasa harap nila ngayon. "Magandang gabi po, Mr. Galvez. Delfin Dowen Cazco po," bati ni Dedo at saka kinamayan ito. "Yes, magandang gabi din hijo, Dowen. Kamusta?" bati din ni Mr. Galvez at tinanggap ang kamay ni Dedo. Ang laki ng ngiti ni Mr. Galvez, ang gwapo at ang neat niya ngayon—ibang-iba ito noong iniligtas ito ni Zhoey mula sa hostage taker. Parang bumata ito ng sampung taon ngayon. "Good evening din po, Mr. Galvez. Zhoey Gonzalve po," inilahad rin ni Zhoey ang kanyang kamay para kamayan ito, at tinanggap din ito ni Mr. Galvez na nakangiti. Ang lambot pa ng kamay nito. "Oh, my life saver. Good evening too, hija. How are you?" niyakap siya nito, ang mga mata ay puno ng galak. "Mabuti po, salamat po," sagot naman ni Zhoey na nakangiti. Ang bango naman ni Mr. Galvez, talagang amoy mayaman, sa isip ni Zhoey. "Have a seat, both of you. Please, just call me Tito Conrad. Hindi na kayo iba para sa akin simula noong insidenteng iyon. I felt that saying thank you was not enough, so I invited you for this dinner to express my heartfelt gratitude for helping and saving me that day." Umupo sila ni Dedo at nagpasalamat kay Mr. Galvez. "I'm so glad talaga na pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko. Gusto ko lang magpasalamat sa inyo ng pormal, lalo na sa'yo, hija Zhoey, na nailagay sa alanganin ang buhay mo dahil sa akin," pahayag ni Mr. Galvez, ramdam ang sincerity sa kanyang boses. "Wala pong anuman, Mr. Galvez—este, Tito Conrad. Kahit sino naman po siguro gagawin ang lahat na makakaya para makatulong sa kapwa," sinserong wika ni Zhoey, damang-dama ang taos-puso nitong pasasalamat. "But what you did was different, hija. It was dangerous. I'm forever thankful sa inyong dalawa ni Dowen," Mr. Galvez said with a sincerest smile. Tinatapik nito ang balikat ni Dedo. Sa pagtitig ni Zhoey kay Mr. Galvez, para talaga itong si Nimrod. Hay, Nimrod namimiss na kita ng sobra, daing ni Zhoey sa isip. "Walang anuman po, Tito Conrad," sabay sagot nina Zhoey at Dedo, sabay tango at ngiti. "Shall we eat?" tanong ni Conrad. Ramdam ni Zhoey ang kasabikan sa pagsisimula ng salu-salo. "Sige po," sabay na sagot ng magkaibigan, handa na sa masarap na hapunan. Habang kumakain, nag-uusap sila Dedo at Conrad tungkol sa negosyo. Si Zhoey naman ay kain lang ng kain—ang sarap kasi talaga ng pagkain, at wala naman siyang alam sa usaping business kaya hinayaan niya muna mag-usap ang dalawa. Narinig ni Zhoey na mag-iinvest si Conrad sa negosyo sa pamilya ni Dedo, at masaya siya para sa kaibigan. Kitang-kita niya na handang-handa na talaga si Dedo maging CEO ng kanilang kompanya. The way he talked and everything, he was a pro. Napansin ni Zhoey na tumikhim si Conrad at tumingin sa gawi niya, parang may nais sabihin. Na-curious tuloy siya at nag-abang sa sasabihin nito. "What do you do for a living, Zhoey hija?" tanong ni Conrad, puno ng interes sa kanyang boses. Naunang sumagot si Dedo, nakangisi. "Palaboy po siya, Tito." Tiningnan ni Zhoey ang reaksyon ni Conrad na tumingin kay Dedo, nagtataka ito. Tiningnan niya rin si Dedo ng masama pero nakangisi lang ito sa kanya ng nakakaloko. Nakasimangot na siya. Sabay napatawa sina Conrad at Dedo. "Kidding aside po, Tito. Uhm wala pa po siyang trabaho o hindi pa po siya magtatrabaho," sabi ni Dedo. Nakita ni Zhoey na napataas ng bahagya ang kilay ni Conrad. Alam niyang nagtataka ito kung bakit. "Ano kasi, Tito, I just want to give time for myself muna. Fresh graduate kasi ako. Kaya mag-enjoy muna ako sandali," nahihiyang pahayag ni Zhoey. Tumango-tango naman si Conrad, ngunit si Dedo umiiling ito. Sinipatan niya ito ng tingin, habang si Conrad naman ay napangiti. "Ah okay, that's also a good thing. But just in case you need a job, don't hesitate to call me, okay? I can offer you." "Okay po, Tito. Salamat po," ngumiti si Zhoey at sumang-ayon, pero sekreto niyang tiningnan si Dedo ng masama. Ngumiti si Conrad ng napakatamis bago muling nagsalita. "By the way, my son will be joining us here later. He also wants to meet both of you. Galing pa siya ng London dahil may inaasikaso siyang negosyo doon," sabi ni Conrad. Sabay napaangat ng tingin sina Zhoey at Dedo. "Ganun po ba. Okay po, mas mabuti po para makilala din namin ang anak niyo, Tito Conrad," sabi naman ni Dedo. Tumangong nakangiti si Conrad. Patuloy sa pag-uusap tungkol sa negosyo sina Dedo at Conrad habang si Zhoey ay kumakain. Paminsan-minsan, may isinasabat din si Zhoey, kahit na manghang-mangha siya sa mga pinag-uusapan ng dalawa. Matagal din silang tatlo na nag-uusap. Maya-maya, may kumatok at pumasok na isang lalaki. Tumayo agad sina Conrad at Dedo upang bumati sa bagong dating. Pinakilala agad ito ni Conrad. "Son, this is Delfin Dowen Cazco, the soon-to-be CEO of Cazco Clothing Co., and this young lady here is the one I told you about—my life saver, Zhoey Gonzalve," wika ni Conrad na nakangiti. Habang nakatayo sina Dedo at Conrad, si Zhoey naman ay hindi pa agad nakatayo dahil nasa kalagitnaan siya ng pagnguya ng pagkain. Nataranta siya nang malaman niyang anak pala ni Tito Conrad ang dumating. Dali-dali niyang nilunok ang pagkain at nagpunas ng bibig, pagkatapos ay humarap. Napako ang tingin niya sa anak ni Tito Conrad. "Nimrod?" sambit niya sa isip, halos hindi makapaniwala. Si Nimrod, na palagi niyang hinahanap, inaabangan, at pinupuntahan sa sariling bahay, ay anak pala ni Tito Conrad! Hindi siya makapaniwala. Ibig sabihin, hindi ito ordinaryong tao lang—napakayaman pala nito. Hindi niya namalayan na napatulala na pala siya at nakaawang pa ang bibig. Pinukaw siya ni Dedo at sinundot nito ang kanyang tagiliran. "Zhoey, gising! Tulo laway ka," bulong ni Dedo na narinig naman ng mag-ama kaya mahinang napatawa ang mga ito. "Ah hi, po. Zoey Galvez po," sabay lahad din ng kanyang kamay. Nakita niya na nakaangat ang gilid ng labi ni Nimrod, pati isang kilay bahagyang nakataas. Pati sina Tito Conrad at Dedo napangiti rin, lalo na itong kaibigan niya na may ngiting malisya. Nagtataka siya. Nang ma-realize niya ang dahilan, nanlaki ang mga mata niya. Kaya pala natawa ang mga ito dahil mali ang nasabi niyang apelyido. Nag-aapoy siya sa hiya, kaya nag-iinit ang mukha niya. Gusto niyang magtago sa ilalim ng mesa, gusto niyang ikubli ang kanyang mukha. Nakita siguro ng tatlo ang reaksyon niya kaya napatawa ang mga ito. "Ay sorry po, Gonzalve po pala ang apelyido ko. Apelyido nyo po pala ang Galvez. Hihih, sorry po," di na nakayanan ni Zhoey ang kahihiyan kaya tinabunan na niya ng table napkin ang kanyang namumulang mukha. Nasilipan niya na ang ganda ng ngiti ni Nimrod pati ang Daddy nito. At si Dedo naman nakatingin sa kanya na may panunuksong ngiti. "Not bad, hija. I will be glad if you will become a Galvez, right son?" wika ni Conrad na may tingin din na panunukso. Ngumiti lang si Nimrod, ngiti na kay tamis at may halong malisya din, sabay tanggap ng kamay ni Zhoey. Naramdaman niya na marahang pinisil ni Nimrod ang kanyang kamay. Dumaloy sa buo niyang katawan ang parang bolta-boltahing kuryente na dumeretso sa gitna ng kanyang hita. "Hello Zhoey, nice meeting you again," wika ni Nimrod, may kahulugang naglalaro sa kanyang tinig lalo na sa huling salita. Natigilan si Zhoey, may emphasis kasi ang pagkasabi nito sa salitang 'again.' Sasabihin kaya nito na may nagyayari sa kanila? Kumabog bigla ang dibdib ni Zhoey. "Nako huwag naman sana," lihim niyang dalangin. Umupo na silang apat, at si Nimrod ay umupo sa tabi ng kanyang daddy at kaharap nito si Zhoey. "What do you mean, son? Have you met her before?" takang tanong ni Conrad. Pabaling-baling ang tingin nila Dedo at Conrad kina Zhoey at Nimrod. Ngumiti si Nimrod na parang may malisya. Humigit naman ang paghinga ni Zhoey parang sasabog ang dibdib niya sa kaba. "Yes dad, siya lang naman yong babae na nakakuha ng wallet ko mula sa apat na mga snatchers. At nanggulpe pa sa mga ito. Pati rin ako napagkamalan kaya nakatikim din ng malakas na hablot at sipa sa tagiliran—may hangover pa naman ako noon." Laki ng ngisi ni Nimrod habang nakatitig kay Zhoey. Alam ni Zhoey na may iba sa mga ngiti at tingin ni Nimrod sa kanya. Buti iyon ang sinabi nito, akala niya kung ano na, parang nabunutan siya ng tinik. Tumawa sina Conrad at Dedo. "Owh you're such a brave hija. You're not an ordinary girl!" bulalas ni Conrad na may pagkamangha sa kanyang mga mata habang nakatitig kay Zhoey. Umiiling si Zhoey, medyo nahihiya sa sinabing compliment ni Conrad. Ngunit ramdam niya ang init ng papuri at ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ni Nimrod. "Hindi naman po. Nagkataon lang po na nandoon ako," sabi ni Zhoey, medyo conscious na sa mga titig ni Nimrod sa kanya. "Mahilig kasi 'yan manood ng mga action movies, Tito, kaya naa-apply niya," sabi ni Dedo at saka bumaling ito sa kaibigan. "Akalain mo nga naman, Zhozho, father and son pala ang natulungan mo," wikang nakangiti ni Dedo. "I think this is not just a mere coincidence, hijo. This is something special. I guess this is destiny—or shall I say... fate?" pahayag ni Tito Conrad, habang tumitingin kay Zhoey na may bahid ng tuwa at panunukso sa kanyang mga ngiti. Gustong kiligin ni Zhoey sa sinasabi ni Conrad dahil ramdam niya na boto ito sa kanya, pero pinigilan niya lang ang kanyang sarili. Si Nimrod, iba din ang tingin nito sa kanya. He smiled at her, but behind those tantalizing eyes, it seemed like he's undressing her. She felt so awkward. Nagpapatuloy ang pag-uusap nila, silang tatlo lang pala dahil hindi na masyado nakapagsalita si Zhoey. Naco-conscious na siya masyado. Hindi niya alam kung kailan kaharap na niya si Nimrod, natameme naman siya. Ang lakas kasi ng dating nito. Palaging nagbubutok-butok ang dibdib niya. Parang na-under spell siya sa karisma nito. "Hoy Zhozho, okay ka lang ba? Bakit binanatan mo masyado ang pagkain?" mahina lang ang pagkasabi ni Dedo, pero alam niyang narinig pa rin ito ng father and son dahil tumingin ang mga ito sa gawi niya. Ngumiti na lang siya ng hilaw, ramdam ang hiya na bumalot sa kanya. Lihim niyang kinurit ang kaibigan sa paglagay nito sa kahihiyan. "Yeah hihi, okay lang ako. Sige, tuloy lang kayo sa pag-uusap diyan. Wala naman akong maisabat sa inyo eh, mga business-minded kayo pareho. Hihih," sabi niya, pilit na tinatago ang pagkapahiya sa kanyang boses. Nag-iinit na naman ang mukha ni Zhoey habang kumakain. Napapansin kasi niyang pasulyapsulyap sa kanya si Nimrod, ang bawat tingin nito'y nagpapakaba sa kanya. Nararamdaman niya ang kakaibang tingin ni Nimrod na parang binabalatan siya nito. Hindi niya alam kung paano babasahin ang mga tingin nito, kaya mas lalo siyang nako-conscious. Habang patuloy ang pag-uusap nila Dedo at sa mag-amang Galvez, si Zhoey naman ay pinipilit ang sarili na magpakasaya sa pagkain, pero hindi maitatangging nahuhuli niya ang mga titig ni Nimrod. Pakiramdam niya'y nasa ilalim siya ng isang spotlight, at hindi niya alam kung paano makakaligtas mula rito. Nang nagtama ang kanilang paningin naalala niya ang araw na may nangyari sa kanilang dalawa. Sa titigan kasi nagsimula ang lahat kung bakit may nangyari sa kanila. Parang kusang nag-uusap ang mga mata nila at sinang-ayunan naman ng kanilang mga katawan. Kaya 'yon humantong sa salpukan. "Ehemm, uhm Tito, masyado ng gumagabi. Mauna na po muna kami ni Zhoey sa inyo ni Nimrod. Maraming salamat po sa imbitasyon. And nice meeting you again, Nimrod," pagpapaalam ni Dedo. Tumango si Nimrod at ngumiti ng bahagya. "Same here, Dowen. And also you, Zhoey," kinamayan nito muli si Dedo at pagkatapos ay si Zhoey. Nanginginig ang kamay ni Zhoey. "Okey hijo Dowen and hija Zhoey. Thank you very much for coming here. Asahan niyo dadalo kami nitong anak ko sa Anniversary ng kompanya niyo, hijo," wika ni Tito Conrad. Nanlaki ang mga mata ni Zhoey sa narinig. Dadalo sila! Laki naman ng ngiti ni Dedo. "Maraming salamat po, Tito. Sige po," sabi ni Dedo. "Maraming salamat, Tito Conrad. And Sir... Nimrod," alanganing wika ni Zhoey. Nakita niya sa kanyang peripheral view na ngumisi si Nimrod at nakataas ang kilay. "Why Sir Nimrod, Zhoey Galvez—I mean, Zhoey Gonzalve? Why not Nimrod only?" wika ni Nimrod, alam ni Zhoey na tinutukso siya nito, kaya ramdam niya ang pag-iinit muli ng mukha niya. Tumingin siya kay Tito Conrad, at nakita niya itong nakangisi sa kanya, ngising may laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD