Doble ang excitement ni Zhoey sa Anniversary Sports Fest sa company nila Dedo, dahil makikita niya muli si Nimrod at makakasali pa siya sa obstacle course which napakalaki ng cash prize na matatanggap sa magiging winner, five hundred thousand! "My ged, pagnagkataon na ako ang mananalo andami ko ng pera!" napabungisngis si Zhoey. Nai-imagine niya na ang kanyang mga mata ay kumikislap sa pera. Napangisi siya ng ngising milyonaryo dahil may one million na siya na bigay ni Nimrod sa kanya. Kahit nakakadismaya mang isipin na bayad 'yon sa kanya, wala na lang siyang pakialam dahil pareho silang nasiyahan sa nangyari sa kanilang dalawa, syempre wala pa siyang tatsa. Ito pa lang ang unang lalaki sa buhay niya at wala siyang plano na humanap pa ng iba, manalo man o matalo siya sa pagmamahal niya

