"Mauna ka na sa bathroom, Zhoey. May extra bathrobe at towel doon sa cabinet. Hahanap lang ako ng maisusuot mo," sabi ni Kyle. "Salamat talaga, Kyle. Malaking tulong ka sa akin. Hindi ko talaga alam ang lugar na ito," sagot ni Zhoey, ang boses niya puno ng pasasalamat. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha, halatang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil may isang mabuting tao na handang tumulong sa kanya. "Sige, mag-uusap tayo pagkatapos mong maligo. Pumasok ka na doon sa bathroom," dagdag ni Kyle. Agad namang pumasok si Zhoey sa bathroom. Pagbukas pa lang ng pinto, napamangha siya sa kalinisan ng banyo—tila perpektong inayos at parang sa hotel. Ngunit nang makapasok siya, naging marumi ito dahil sa putik na dala ng kanyang sapatos. Kinuha niya mula sa cabinet ang bathrobe at towel na

