Jieun's pov:
"Hoy best aga-aga lutang moment ka na naman dyan. "sabi ni Lucy sakin sabay hampas saamesa, kaya bigla akong napatayo.Nabalik ako sa reyalidad ng naalala ko pala yung mga nangyare ng high school kmi yung mga kalokohan namin at saka yung taong yung kamusta na kaya sya nagkita kaya sila ng nagugustuhan nya?.
Bigla akong napailing ano ba naman jieun gumising ka nga malamang di ka na kilala non bakit iniisip mo sya pokus sa gold mo sa buhay, ok. "paalala ko sa sarili ko at kumilos na.
"Di ba mag apply tayo dun sa nirekomenda ni Jane satin company?."sabi ni Lucy sakin
"Oo na halika na ingay ingay mo. "sabi ko sa kanya.nakakairita daing pa kasi si mama kung manermon sakin eh.
"Tsk..tita alis na po kami. "paalam ni Lucy kay mama.Kasalukayan kasi sya naglalabasa likod namin.
"Alis na kmi ma. "sabi ko din sabay halik sa pingi nya ng lumapit sya samin.
"Sige mag iingat kayo. "paalala nya, tumango lang kami at lumabas ng bahay.
Dumertsho kami sa sakayan ganun pa din buhay namin ni Lucy nakagraduate kami hirap naman kami makahanap ng mapapasukan.
"Sana matanggap na tayo no best. "sabi nya pagkasakay namin ng Jeep.
"Oo nga nakakapagod din maghanap ng trabaho. " sabi ko at napabuga na lang ng hangin. Nirokomenda kami sa isang company ni Jane kaya dun kami papunta.Nang makarating kami sa address na binigay samin agad kami lumapit sa guard at nagtanong.
"Hi kuya good morning po. "nakangiting bati ko dito.
"Good morning din anong atin?."nakangiti nyang tanong samin ni lucy.
"Mag apply po kasi kami ng trabaho anong floor po ang hr department?."tanong naman ni Lucy na nasa tabi ko.
"Ayy sige tara samahan ko kayo kay miss Lanie sya sasama sa inyo dun. "sagot naman nya samin saka sya naglakad.
Sumunod kami maya maya may nakita kami na babae na mga nasa 30's na siguro.
"Ma'am Lanie mag-aapply daw po sila. "sabi ni manong guard.Nang tumango ito ay lumabas na din si manong guard.
"Good morning po."bati naman namin dito.
"Tara sumunod kayo. "walang ano ano sabi nito.
Napaismid kami ni Lucy. "Tsk..di man lang bumati bago mag sungit. " inis na bulong ni Lucy na sapat lang na kami makakarinig.
"Shhh..mamaya madinig ka ikaw din. " msabi ko sa kanya sabay siko.Nanahimik naman sya hanggang sa sumakay kami ng elevator at himinto sa 3rd floor.
"Akin na resume nyo sunod kayo dyan tatawagin nalang kayo kapag kayo na."walang kangiti ngiting sabi nito sabay talikod samin.
" Tsk..kala mo kagandahan."bubulong bulong na sabi ni Lucy.Napailing nalang ako dahil sa kanya.
Maya Maya isa isa ng tinawag ang mga mag apply, bigla naman akong kinabahan
"Mext Miss Garcia. "tawag sakin ng babae kaya agad akong tumayo at inayos ang damit ko bago pumasok.
"good luck best. "sabi ni Lucy tumango lang ako at pumasok na dumeretcho ako ng upo sa upuan nakaharap sa kanila.
"tell me something about yourself. "sabi nung isang babae na seryoso ang mukha.
"I consider myself hard workingeliable/dependable/helpful, organized, honest and cooperative."sagot ko with confidence, kahit parang lalabas na yung puso ko sa kaba.
Tumango tango lang yung mga nasa harapan ko at sumusulyap sulyap sakin.
"Why should we hire you?."tanong ng isang lalake na tingin ko at nasa 40's ang edad.
"If you hire me, it will be a great platform to showcase my skills, what ever goal I set.I insure to complete theme within stipulated time. "I answer with a smile. Napangiti sila sa sagot ko kaya medyo nabawasan yung kabog ng dibdib ko.
"How do you see yourself 5years from now?. "tanong naman ng isa pang lalake na medyo bata pa ang edad.
"I see myself in a senior position managing important portfolio of this company."i answer with a big smile.
"That's good ok tatawagan ka nalang namin. "nakangiting sabi ng nasa gitnang lalake sakin.Tumayo na ko at nagpasalamat sa kanila."Thank you so much ma'am and sir. " sabi ko bago ako lumabas ng pinto.
"Hayyyy na tapos din. "nasabi ko at nakahinga ng maluwag saka naupo sa tabi ni Lucy.
"Next miss barcena. "tawag na apelyedo ni lucy agad naman syang tumayo.
"Best kaya mo yan gud luck. "ako naman nag sabi nun sa kanya.
"hooh...!!! "sabi ni Lucy at pumasok na din. Nanghintay lang din ako sa kanya ng around 5 -10 mins at lumabas na sya.
"Ahhh natapos din akala ko bago matapos hihimatayin muna ako sa kaba eh. "sabi ni Lucy na may butil butil pang pawis sa noo bago umupo sa tabi ko.
Natawa naman ako sa sinabi nya.Maya maya lumabas na yung babaeng masungit kanina.
"Miss barcena,Miss Garcia,Mr Reyes follow me." sabi nito na nakapagtaka samin kaya agad kami tumayo at sumunod sa kanya kasama ng isang lalake.
Dumiretcho kami sa hr office.Pinaupo nya kami at may binigay na parang contract samin tatlo. Nang binasa namin di kami makapaniwala na tanggap kami at yung ibinigay samin ay kontrata na.
Agad kami nagkatinginan ni Lucy at di makapaniwala na nakatigtig lang kami sa kontrata na binigay samin.
"Kayong dalawa tititigan nyo lang ba yan o gusto nyo bawiin ko na.?"taas kilay na naman na sabi nito sa amin.
"Ito na po maam pipirma na nanginginig pa." malokong sagot ni Lucy at pumirma na nga kami.
"I'm Miss Brenda Rodriguez senior manager ng hr department. "pagpapakilala nito samin. "Kaya pala ganon umasta kasi mataas posisyon"nasabi ko nalang sa isipan ko. "Maganda naman sya kaso pangit ng ugali,di ko sya jinajajugdge kita nyo naman di ba :-).
"Ikaw Miss Barcena sa Admistrative department ka mapupunta ikaw naman Mr Reyes sa technical team ka papunta, at ikaw naman Miss Garcia sakin ka dito ka sa hr department."paliwanag nya samin tatlo.
"Sa ngayon ituturo ko muna kayo kung san kayo papasok bukas. "dagdag nya at sabay tayo.Umalis na ito kaya humabol kami.
"Grabe wala man lang sabi sabi sungit tlga." bulong ni Lucy sakin habang naka sunod kami sa likod ni Miss Brenda.
"Nako ano kaya mangyayare sakin.Nasa team nya pa naman ako napunta best. "nag aalala na tanong ko kay Lucy.
"Basta best wag kang papabully huh, kayang kaya mo yan sya." pagpapalakas ng loob ni Lucy sakin.
"Congrats satin nakapasok tayo dito sa pinakamalaking kompanya, sobrang higpit nila kung maghire kaya mukhang magagaling kayo kaya natanggap kayo agad. "sabi ng lalaking ka sabay pala namin naglalakad din.
"FYI...lang huh so tingin mo samin walang alam. "bira ni Lucy sa lalakeng kasama namin.Tinaasan lang kami ng kilay ng lalakeng mayabang.
"Best tama na yan hayaan mo nalang sya."saway ko sa kaibigan ko.
Nang makarating kami tinuro lang samin kung san kami tapos agad din kami bumalik sa pinanggaling namin kanina.
"Bukas 8am ang pasok bawal malate may temporary I'd kayong gagamitin habang wala pa kayong I'd na gagamitin pagpasok. " huling sabi nya samin at iniwan na kmi.
"Tara na best mag celebrate tayo. "yaya ni Lucy sakin habang palabas na kmi ng kompanyang inapplyan namin.
.
.
.
Steven's pov:
Nandito ako ngayon sa kompanyang pag mamay-ari ko ang SC CORPORATION isa kami sa namamayagpag na kompanya ngayon sa buong Pilipinas medyo gumagawa na din ako ng pangalan sa ibang bansa kaya nakikilala na din ako.
"Good morning sir. " bati sakin ng mga empleyadong nadadaanan ko.
Di ko sila pinapansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sinalubong ako ng secretary ko.
"Good morning sir. " bati nya sakin tinanguan ko lng sya.Sanay na sya sakin dahil matagal ko na syang secretary.
"How's my schedule today?."i asked habang nakasakay sa elevator.
"Sir may meeting kayo ng 10am kay Mr Smith para sa proposal na inaalok nya po sayo. "pagbibigay alam sakin ni Gm.
"After that sir may meeting din kayo sa hr department para sa mga empleyadong magfifinish contract this month."dagdag pa nya.Kelangan kasi himayin kung sino ang matatanggal na o kung sino yung ireregular kaya kelangan pag meetingan.
"That's it?."paninigurado ko habang nakatingin sa pinto ng elevator.
"Sir si Miss Lorraine gusto kayo makausap." nag aalangan nyang sabi.
"Tsk..again."naiirita kong sagot sa kanya. Kung di lang sya anak ni ninang di ko sya kakausapin nakakasawa na sya pa ulit ulit lang naman ang gusto nya.Pinagpipilitan nya na magpakasal kami.Ninang know how I treat her,she is like a sister for me, kaya akala nya may gusto ako sa kanya kasi super close ko sa kanya, pero ng simula na nyang ipilit ang gusto nya iniwasan ko na sya at naiintindihan naman yung ni ninang because I respect her lahat sinasabi ko sa kanya kahit yung tungkol sa batang hinahanap ko.Nang makarating kami sa opisina tambak na papeles ang bumungad sakin..
" Hay lagi nalang ganito kinakaharap ko sa araw araw, tapos dadagdag pa sya sa isipin ko, grrrrr ~_~ "iritang sabi ko sa sarili.
Agad akong umupo at inumpisahan ng aralin at pirmahan ang bawat papeles.Maya maya may kumatok sa pinto ko.
"Come in. "sagot ko na di nag abalang tignan kung sino.
"Sir pinapaconfirm ng secretary ni Mr.SMITH kung dadating daw kayo sa meeting?."Gm asked her boss.
Tinignan ko yung relo ko di ko namalayan yung oras it's already 9:20 am na pala.
"Sure, let's go."at tumayo na ko para pumunta sa pagmemeeting namin..