Maaga ako gumising para mag asikaso, ginawa ko na ang morning ritual ko ng matapos ayy agad ako nagbihis ng formal attire di nmn kc required ang uniform sa papasukan ko, simple ng high waist ang sinuot ko at tenernuha ko lng sya ng polo shirt at flat shoes, pag nakaluwag saka nlng ako bibili ng iba ng damit ko at gamit na din.
"good morning ma" bati ko ka mama
"anak kumain ka muna bago ka pumas ok" sabi ni mama sakin kasalukuyan na sya naghahain ng pag Kain, wow ang bango sinangan at tuyo with scramble egg sabayan pa ng kape na 3 in 1 kuntento na ko., agad ako napangiti at umupo.
"hmmm ang sarap talaga" sabi ko pagtapos ko sumubo napapikit pa ko.
"anak halos araw araw ayan ang kinakain mo sarap na sarap ka pa din" sabi ni mama sakin na nakangiti
"nako masarap naman talaga ma, di ako magsasawa favorite ko kaya to" sagot ko naman kay mama at nagpatuloy na kumain.
Maya Maya dumating na c Lucy kaya umalis na din kami kasi baka maipit kami sa traffic, kung hinahanap nyo c Jane nako bisi yun sa kompanya nila isa kasi sila sa nagmamay ari ng mga hotel dito sa Pilipinas.
Nang makarating kami sa Kompanyang papasukan namin di pa din maalis samin na mapatulala at mamangha sa laki at ganda nito
"grabe ang laki tlga ng SC Company noh" sabi ni Lucy habang nakatingala kami
"kaya nga ang laki pa " sagot ko naman at pumasok na kami.
Tinapat namin yung temporary I'd namin sa scanner at nakapasok na kami, habang naghihintay kami na bumukas yung elevator may nadidinig kami nag uusap sa likod namin
"grabe noh ang pogi talaga ni sir makikita na naman sya ng mga tagaHr buti sila nasisilayan c sir" sabi naman nun isa na kinikilig pa, medyo nagulat ako kasi HR ako napunta kasama kaya ako dun, natanong ko sa isipan. Biglang bumukas yung elevator kaya sumakay na kunang unang bumaba si Lucy kc na sa 3rd floor sila ang HR naman ay 5th floor, ng bumukas na sya sa 5th floor agad ako bumaba at dumertcho sa Mesa na nakalaan sakin. Pagkaupo ko agad ako inutusan ng isang kasamahan ko exerox ko daw yung file na binigay nya sakin, kahit nagtataka sinunod ko ang inutos nya pumunta ako sa machine ng Xerox marunong naman ako gumamit ng xeroxan kaya di na ko nahirap, ng matapos agad kong binigay sa kanya yung file ni senerox ko, agad naman nya kinuha,wala man lang pasalamat nasa isip ko kaya bumalik na ko sa upuan ko.
Nang makita ako ni Ms Brenda inutusan naman nya ko bumili ng kape sa baba na agad ko naman pinagtakahan.
"bumili ka nga ng coffee dun sa baba" utos nya sabay abot sakin ng card.
"ma'am" maang na tanong ko
"ice Americano sakin" sigaw ng katabi ni ma'am Brenda.
"ice cafe mocha sakin" sabi ng isa, kaya napatingin ako sa gawi nya at nagsunod sunod na sila ng sabi ng kape nila.
"miss natandaan mo ba lahat? " tanong sakin ng katabi ng table ko, ng di ako umimik may inabot sya sakin na isang papel.
"here" sabay abot ng papel sakin
"alam ko di mo natandaan lahat ayan yung mga kape nila" sabi nya sakin na nakangiti.
"thank you" kahit naguguluhan at agad akong umalis para bilhin ang mga nakasulat sa papel na ibinigay sakin.
Dahil na sa ground floor ang coffee shop, tangkang mag eelevator Sana ako kaso, pag bukas ng elevator agad din sinara ng nasa loob, kaya no choices ako kundi ang maghagda, lakad takbo ang ginawa ko buti di pa ko naka heels na ka flat shoes lang ako.
Nang makarating sa coffee shop agad kong binigay sa tindera yung papel, dahil di ako makapagsalita sa sobrang hingal ko.
"mukhang bago ka sa HR department ahh" sabi ng cashier sakin
"oo pano nalaman"takang tanong ko
" ikaw kasi yung bumili ng kape nila kaya alam ko na bago ka, kada may bagong pasok ayun ang inuutusan nila para bumili ng kape O alilain nila"mahabang paliwanag nya sakin, na ikinagulat ko..
Di ako nakaimik hanggang sa inabot nya sakin yung mga order ko na kape.
"wag kang magpaalipin sa mga yan porket bago ka dapat matuto kang lumaban" pahabol nya pa sabay ngiti, nginitian ko na lang din sya at nagmamadaling sumakay sa elevator na isa kasi na kita ko na bumukas at may isang lalakeng pumasok kaya agad ako ng tumakbo at nakahinga ng maluwag ng makapasok ako bago ito magsara.
Napabuntong hininga ako, napalingon ako sa lalaking biglang tumikhin sa tabi ko.
"ayy sorry nagulat ka ba sakin,? " agad na tanong ko sa lalaking kasama ko sa elevator.
"nope, I just wondering bago ka lang dito? " Sagot naman nya sakin habang nakatingin.
"oo eh kakapasok ko lang kanina, naghagdan na kasi ako kanina pag baba ko kasi lagi ako nasasaraduhan ng elevator eh, " paliwanag ko sa kanya, sabay pindot sa 5fl floor
"ohh I see" sabi nya sakin na bahagyang ngumiti. Napatingin ako sa kanya mukha syang mayaman bukod sa nakasuit sya ang kinis din ng Balat nya at yung Mata nya kulay blue na akala mo foreigner tapos mapupula yung labi nya, wait teka teka ano ba tong na iisip ko, bigla akong napailing.
"what's wrong? " agad naman nyang tanong ng napansin na umiiling ako.
"ahh hehehe wala po may naalala lang" palusot na sabi ko, hanggang sa huminto ang elevator sa department namin.
Agad akong bumaba at nagpaalam sa kanya
"Mauna na po ako, salamat" sabi ko sabay Yuko, ngumiti lang sya sakin at Sumara na ang elevator, naiwan akong nakatulala na nakatingin sa nagsarang elevator.
"hoy anong tinatanga tanga mo jan tagal mo naman bumili ng kape" untag sakin ni ma'am Brenda kaya bigla akong Natauhan.
"ayy sorry po ma'am ito na po mga coffee nyo" sabi ko sabay kuha naman nila isa isa
Bumalik na ko sa Lamesa ko at sinimulan na ang mga task na binigay sakin..
Zyrus Lee Pov
Hi my name is Zyrus Sven Lee pinsan ako ni Steven at COO ng SC COMPANY kasalukuyan ako papunta ng office ko ng pagkapasok ko ng elevator may babaeng nagmamadali din pumasok sa elevator na exclusive lang sa mga VIP dito sa company, may mga dala syang kape sa di ko malaman dahilan napatitig ako sa mukha nya at na amazed kasi ang ganda nya mahahaba yung pilikmata nya at ng humarap sya sakin at ngumiti sh*t nakalimutan ko atang huminga.
"nagulat ka ba sakin" agad na sabi nya di ako nakakibo agad para akong natuod sa kinatatayuan ko, ng di ako sumagot agad ay agad syang humingi ng tawad kaya dun lang ako nakareact sa kanya.
"nope, bago ka lang dito" agad na tanong ko kasi sya lang ang naglakas ng loob na sumakay dito sa elevator na para sa mga VIP lang kaya malamang bago sya, ng tumango sya dun ko nakonpirma na Tama ako kaya di nya pa alam na bawal ang employees na sumakay dito, di ko sya sinabihan tapos nagsabi sya na naghagdan dw sya kasi lagi syang nasasaraduhan or sinasaraduhan talaga sya dahil di naman na bago dito na mambully ng mga bagong pasok.
Ng huminto sa 5ft floor at agad syang bumaba at nagpasalamat sakin, Ewan ko ba bakit napangiti na lang ako hanggang sa nagsara ang elevator di pa din nawawala yung ngiti ko.
Ng dumating na ang 13th floor agad ako nagpunta sa office ni Steven.
"good afternoon sir Zyrus" bati ng secretary nya, sabay tayo at Yuko.
"nandyan ba si Steven sa loob" agad na tanong ko naman.
"yes sir nasa loob po" magalang na sagot ni to, kaya agad akong pumasok, pagpasok ko na kita ko ang pinsan ko ng nakaupo sa swivel chair nya.
"hi bro" nakangiting bati ko sa kanya at agad naman syang nag angat ng tingin na bahagyang nakakunot ang noo.
"what are you doing her in my office? " he asked me,, tsk wala man lang kamusta nakasimangot agad.
"and why are you smiling like a clown? are you crazy? " tanong nya ulit na nagpasimangot naman sakin.
"tsk, masama na ba ngumiti ngayon" sagot ko naman habang naupo sa harapan nya.
"yeah because of you" sagot naman ni to
"bro alam mo kasi may inspiration na ko para pumasok dito araw araw" sagot ko na nagniningning ang mga Mata.
"ohh really talaga pang ilang inspirasyon mo na ba yan? " sarcastic nitong tanong, kaya napaismid ako
"bro iba nato I think I found the girl who make me smile" sabi ko pa na nasa isip yung babaeng nakasabay ko sa elevator.
"tsk go back to your office don't waste my time" sabi naman nito sakin na iginaya pa ang kamay sa ere. Tumayo ako ng nakasimangot
"hmp, palibhasa kasi walang love life" bulong ko habang palabas ako ng opisina nya.
"may sinasabi ka ba" agad naman tanong ni Steven, kaya napalingon ako sa kanya at agad na ngumiti
"wala sabi ko nga babalik na ko sa trabaho" sabi ko nalang baka matanggal ako dito eh, he hehehe.
At lumabas na ko ng opisina nya at tumungo na sa opisina ko na nasa 12floor, ang opisina kasi ni Steven ay nasa 13floor sya lang ang nandun sa floor na yun.
Steven Pov
Hayy pag tapos ng meeting with Mr smith at agad ako bumalik dito sa opisina ko kasi natambak talaga ang trabaho ko, habang bisi ako sa pag aaral ng mga proposal sakin agad bumukas ang pinto at alam ko na kung Sino yung, it's either my friend or my cousin my coo wala naman kasing pumapasok basta sa opisina ko na di kumakatok malibang sa kanila.
Nang pumasok ito ay napakunot ang noo ko kasi ang lawak ng ngiti nya na akala mo clown.
Kaya agad ko sya tinanong kung anong meron at bakit sya na punta sa opisina ko.
Nang sabihin nya na may insipasyon na naman sya napasimangot ako kasi makakita lang sya ng babae sasabihin nya inspirasyon nya pero wala din naman nangyayare, haist Ewan ko ba bakit sya pa kinuha ko ng coo minsan gusto ko na din magsisi kung bakit sya pa ang kinuha ko eh.
Nang umalis si Zyrus sa opisina ko ayy agad naman kumatok ang secretary ko.
"come in" sabi ko at pumasok na sya
"sir ur meeting in hr department is within 5mins." paalala nya
"ahh ok sige " sagot ko naman, mga after 5mins tumayo ako at dumeritcho na kami sa hr department, pagmemeeting kung may tatanggalin O ireregular na.
Pagpasok ko ng conference room nandun na ang lahat ng team ng hr department, agad sila tumayo at nagbigay gala ng sakin pagpasok ko.
"Good afternoon Sir" bati ng lahat
"take a sit" sagot ko at umupo na sila
Nag umpisa na ang meeting aprubal ko lang naman ang kelangan nila pero gusto ko din kilatisin ang mga trabahadur ko dito.
"Sir her are the list ng mga matatagal na sa kompanya natin na contractual lang" paliwanag ni miss Brenda senior manager ng hr department, sabay abot ng isang folder,tinignan ko ito yung iba medyo matagal na din talaga pero mga contractual pa din yung iba may katandaan na kaya sila na lang siguro ang tatanggalin ko at iiwan ang mga bata pa, dahil mas mabibilis kumilos.
"ok ialis nyo na ang mga may edad 40s pataas at iiwan ung mga 30s pababa bigyan nyo ng magandang separation pay ang matatanggal para di na umangal at papirmahin nyo din ng waiver para incase na magreklamo sila may ebedisya tayo na mapapakita, " mahabang paliwanag ko di naman ako ganon kasama ayoko lang kasi na may nakikita na may edad na nag tratrabaho pa, kaya mas pinipili ko talagang ihire eh yung mga bata at may mga potential.
Isa kami sa namamahala ng mga franchise ng bawat stall, sa mga mall, sa gasoline, sa mga katabi ng mga school,fast food, store at kung ano ano pa.
Ng matapos ang meeting agad akong bumalik sa office ko at pinagpatuloy ang mga binabasa kong mga proposal.