ikapitong kabanata

2894 Words
Maaga akong nag asikaso para pumasok sa opisina ko ganyan na ang routine ko sa araw araw pasok sa opisina, uwe ng bahay, Alis ng bansa kung may mga investors na gustong magfranchise, club kung minsan ka pag nagkayaya ng magbabarkada, speaking of the devil, dumating di to sa bahay ko yung mga asungot na kaibigan ko,umalis na kasi ako kela mom nagsarili na ko ng bahay kahit ayaw pumayag ni mom wala sya nagawa ng umalis ako. "morning boss" bati ni toper nagmamay ari sya ng Bar dito sa Manila "boss pakain" sabi naman ni Liam na akala mo naghihirap samantalang may mga resort na syang pag mamay-ari, tinaasan ko lang sila ng kilay. "boss" si Wesley naman, "what!? " taas kilay na tanong ko isa pa sya meron na syang entertainment company kumukuha sya ng mga pasisikatin, hilig nya talaga ang music kaya ayun yung pinili nya ng business. "aga nakasimangot ka" tugon nito na naka pout pa na akala kinagwapo nya. "tsk mukha kang Pato kaya wag kang gumanyan" sabi ko na naiirita, tumawa naman yung dalawa. "ouch naman boss ayaw mo talaga mag pakain dito" sabi nya na nalungkot pa ang mukha. "sir handa na po ang agahan" sabi ni manang Dolly sya yung binigay sakin ni mom na katulong matagal na sya samin kaya ok na din sakin "let's go" yaya ni toper na akala mo party gutom.Agad kami sumunod sa hapagkainan "ano talaga sadya nyo dito" sabi ko sa kanila di naman kasi yan pupunta ng walang dahilan. "boss na miss ka lang talaga namin ang tagal na natin di lumalabas" sabi ni Liam "oo nga boss handa lagi ang VIP sa Bar ko" mayabang na sabi ni toper na nakangiti ng malapad. "pag iisipan ko" sagot ko na lang sa kanila, para tumahimik sila,nagpa tuloy kami sa pag Kain ng matapos at kanya kanya kami tayo at lumabas ng bahay. "boss sama ko sa office mo" sabi ni toper sakin na ikinaangat ng tingin ko sa kanya. "why? " kunot noo kong tanong sa kanya "wala naman akong gagawin I'm so bored " sagot lang nito sakin na inirapan pa ko. Di nalang ako sumagot inihagis ko na lang sa kanya yung Susi ng kotse ko tutal gusto nya sumama eh di ipagdrive nya ko. "boss sabi ko gusto ko sumama Hindi making driver mo" sagot sakin ni toper na kakamot kamot ang ulo, tumawa naman yung dalawa. "ayan sama pa more" asar ni Liam "driver ka ngayon" c Wesley naman na tatawa tawa, tinaasan ko lang ng kilay c toper. "oo nga sabi ko nga pagdridrive kita" sabi ni toper na wala ng nagawa at pumasok na sa driver seat samantalang ako sa likod ako sumakay kaya mukha talaga syang driver ko,. "pfft, bagay sayo" sabi ni Liam na sumilip pa sa bintana ng kotse ko. "tsk bagay sakin lahat kasi gwapo ako" sagot ni toper na taas noo. "let's go malalate na ko" sabi ko naman para tumigil na sila sa asaran nila. "tsk sungit"bulong ni toper. " may sinasabi ka ba Mr. Mendoza? "tanong ko na masama na ang tingin sa kanya. " nothing sir ito na nga aalis na tayo eh"sabi nya at pinaandar na ang sasakyan. . . . . . . . Nagmamadali akong umalis ng bahay kasi late na ko nagising kainis kasing alarm yan eh ang hina, sabi ng isip ko kasalukuyan akong palabas na ng bahay ng sumigaw c mama "anak di ka na ba kakain"sigaw nya " Hindi na po ma late na ko sa cafeteria na lang ako kakain""sigaw ko bago nagmamadaling lumabas na ng bahay, di kami sabay ni Lucy ngayon kasi maaga sya pinapasok ng leader nila dahil may pameeting daw ang kanilang manager kaya ako ito nagmamadali at tanghali na tatalakan na naman ako ni miss Brenda hay nakayanan ko tumagal sa kanya ng 1month, napangiti ako sa naisip ko di ko akalain na 1month na ko sa SC Company medyo gumaan na din ang bahay namin di na kami nagigipit ng konti makakaraos din kami, sabi ko sa isipan ko. Nang makarating ako lakad takbo ginawa ko kasi medyo malayo pa ng konti ang entrance ng SC sa binabaan ko, kaya yung nagmamadali ako pagpasok ko tinapat ko agad yung I'd ko para madaan ako ng bumukas tumakbo agad ako kasi nakita ko ng bumukas yung isang elevator at may nakita akong papasok na dalawang lalaki kaya agad akong sumabay sa kanila. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa elevator at pinindot ang 5th floor. "ehem"tikim ng lalake sa likuran ko kaya agad ako napatingin sa kanya, medyo nagulat ako kasi parang pamilyar yung mukha nya sakin hanggang sa napatingin din ako sa katabi nya na nakasuit,nag tama yung tinging namin dalawa bigla nalang kumalabog yung dibdib ko ng wala sa oras. " ahh miss"sabi ng katabi nya, kaya bigla kong nabaling kong tingin ko sa lalakeng tumikhim kanina. "y-yes " nauutal na sabi ko kasi sobrang lakas ng t***k ng puso ko. "are you new her? " nakakunot na tanong nito kahit nagtataka ay napatango ako, bakit ba lagi nalang nagtataka ang mga nakakasabay ko dito sa elevator at nagtataning sakin. "ohh I see" ngingiti ngiting sabi nito, samantalang yung isang lalaki naman ay tahimik lang na nakikinig. "don't you now that this elevator is exclusively in a VIP only"matigas na sabi nito sabay tingin ng nakakatakot. Kaya mas lalo akong kinabahan ng malamang ko yun, di agad ako nakasagot sa tanong nya sakin para akong natuod sa kinatatayuan ko. "are you deaf miss? " tanong nya ulit ng wala syang nakuhang sagot sakin. "a-ahmm sorry sir" hinging paumanhin ko sabay Yuko. Nang bumukas ang elevator hudyat na na sa 5th floor na kami, agad akong lumabas at nagulat ako ng bumaba din silang dalawa. "ohh ur miss Brenda team" sabi nya ng pag ka baba ng elevator, tumango lang ako at nagulat ang he department kaya nag kanya kanya silang tayo maging c miss Brenda at di malamang ang gagawin. "S-sir biglaan po atah ang pag punta nyo di to sa hr? " kabadong tanong nya. "Hindi mo ba naoreint ng maayos ang mga team mate mo miss Brenda? " taas kilay na tanong ng lalaking na complete suit. "s-sir? " takang tanong ni miss Brenda, mas lalo naman kinabahan c jieun dahil sa nangyayare. "may nakasabay lang naman akong employees sa elevator na for VIP at nalaman ko na tagaHR sya I hope na nahahandle mo ng mabuti ang bawat staff mo miss Brenda" sabi nito na nagbabantang tinig. Kaya lahat sila napatingin kay jieun na nakayuko lang. Agad nagtangis ang bag ang ni miss Brenda ng malaman yun. "I'm sorry sir don't worry I try my best to handle my staff and I insured that will not happen again! " paliwanag nito habang nakayuko "no more second chance miss Brenda you know my policy" huling sabi nito at pumunta na ulit ng elevator sabay sabay naman silang yumuko bilang paggalang. Ng makaalis na ang mga boss nila agad hinarap ni miss Brenda c jieun. "my gosh miss Garcia kabago bago palang pinahamak mo na agad ako,! " nanggigigil na sermon nito "I'm sorry ma'am wala po kasi na kapag sabi sakin na exclusively ang elevator na isa" paliwanag ko habang nakayuko "I don't need you're excuses,napahiya na ko dahil sa Katangahan mo. " sigaw nito na halos papitid na ang ugat sa lalamunan. Nanatili lang akong nakayuko at nakikinig sa kanya. "Maiwan ka dito sa office linisan mo lahat ng kalat dito" sigaw nitong Muli Tumango lang ako at bumalik na sa Lamesa na nakatalaga sakin. "gosh ganun ba sya Katanga para di malaman yun" bulong ng isang kasamahan nya sa katabi nitong babae "kaya NGA eh grabe nakakatakot pa naman c sir Steven kapag sinabi nun tinutuloy" ayun naman ng isa pa, nakayuko lang c jieun at di na lang pinansin ang mga bulungan. Steven POV: Nang makarating kami sa company agad ako pumasok sa elevator nakasunod naman sakin si topher ng akmang magsasara na ang elevator bigla kami nagulat kasi may babaeng bigla nalang pumasok sa elevator bago ito magsara, napatulala kami ni topher sa ginawa ng babae ng makabawe kami ng pagkagulat tumikhim si topher. "ehem" tikhim nito bigla naman lumingon yung babae samin, agad nagtama yung Mata namin dalawa di ko agad nabawe yung titig ko sa kanya kasi pamilyar sakin yung mga Mata nya parang ilang beses na kami nagtagpo. "Yess" sagot nito na mukhang kinakabahan, tinanong naman sya ni topher kaya nabaling yung tingin nya sa kasama ko habang ako nakikinig lang. Bigla akong nakaramdam ng inis kaya bigla akong sumabat sa kanila. "did you know that this elevator is exclusively in VIP only" tanong ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin mukha naman natakot ito, wala ko paki kasi Ewan ko bigla akong nakaramdam ng inis ng nakita ko na nakatitig sya kay topher. Mas lalo akong na inis ng di nya ko sinagot. "are you deaf? " muling tanong ko sa kanya kaya napatingin ulit sya sakin at sabay hingi ng paumanhin kasabay ng pagyuko nito. Biglang bumukas ang pinto kaya nalaman ko na tagahr pala sya, dahil sa inis ko bumaba ako at pinuntahan ang senior manager nila na c miss Brenda, nagulat naman ang mga staff dun kaya agad nagsitayuan ng makita ako at yumuko bilang respeto. Nang makita ako ni miss Brenda halata ang gulat sa kanya at di sya mapakali,talagang nakakagulat kasi bihira lang talaga akong pumunta ng bawat department usually c zyrus ang pinaiikot ko or magpapatawag ako ng meeting at bawat department nila nandun ang mga leader. "s-sir what can I do for you? " utal na tanong nito,di ko muna sya sinagot at inikot ang Mata ko sa being department nila. "miss Brenda naooreint mo ba ang mga staff mo ng maayos? " tanong ko sa kanya, napalunok naman ito sa kaba bago sumagot sakin. "may nakasabay lang naman ako isa sa staff mo sa elevator na exclusively only in VIP" dugtong ko sa tanong sa kanya. "I'm sorry sir Hindi na po mauulit"hinging paumanhin nito ng nakayuko. "no more second chance miss Brenda you know my policy" un lang at sabay alis na sa harapan nila, sinundan naman nila ako at hinatid sa elevator bago magsara yumuko pa sila kasama nun babaeng nakasabay ko sa elevator di na sya ulit tumingin sakin hanggang magsara na ito. "boss masyado naman atah sobra yung ginawa mo mamaya tanggalin ni miss Brenda yung babae" sabi ni topher sakin "tsk dapat ginagawa nya yung trabaho nya, kung may alam yung babae sa policy ng company natin di sya maglalakas loob na sumakay dito" paliwanag ko kay topher. "knowing miss Brenda pag iinitan nya yung babae na yun" sagot naman ni topher sakin, natahimik ako alam kasi namin ugali ng babaeng yung di ko lang matanggal kasi magaling talaga sya kahit madami na kong natatanggap na reklamo sa kanya kasi nga pinag iinitan yung mga bagong pasok. Hanggang sa makarating kami sa opisina ko yung pa din laman ng isip ko. "good morning sir" bati ng secretary ko at pumasok na ko sa opisina ko, nanatiling nakasunod naman c topher sakin. "wala bang event ang bar mo ngayon at dito ka sakin Nang iistorbo? " taas kilay na tanong ko kay topher. "naah meron pero kaya na ng staff ko yun" balewalang tugon nito habang nakaupo sa sofa ng pangdalawahan. "boss nakita mo na ba yung batang hinahanap mo? " tanong nya sakin habang hawak ang cell phone nya "why" kunot noo kong tanong sa kanya. "wala boss ang tagal mo na kasi syang hinahanap di ka ba napapagod?"balik tanong naman nya sakin, kaya napabuntong hininga nalang ako, actually nakakapagod nga maghanap ng walang pagkakakilanlan bakit ba naman kasi Hindi ko tinanong ang buong pangalan eh di Sana matagal ko na syang nakita, isang Malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko. " lalim boss ahh"pang aasar ni topher habang nakangiti. "tsk... " ismid ko sa kanya. "madami naman boss na magaganda Jan bakit di mo nalang kalimutan yun, " tanong ulit nito kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "is none of your business"naiirita kong sagot sa kanya " ok suggestion lang naman"sabi nito at nagpatuloy na sa pagkalikot ng cell phone na hawak nya.. . . . . . . . . . . Nang maglulunch na agad ako pinuntahan ni Lucy dito sa department namin sabay kasi kaming maglulunch "best" tawag nya sakin sa may pinto kaya napalingon ako sa kanya. "wait lang" sagot ko naman at inayos yung mga nakakakalat sa table ko,dami kasi nalang utos sakin kaya tambak ang mga papel na nasa table ko. "Tara na" yaya ko at sumakay na kami ng elevator para pumunta sa ground floor nandun kasi yung cafeteria. Nang makababa agad kami pumila kasalukuyan madami ng tao dahil lunch time na nga kaya lahat ng department nandito. Ng makakuha kami ng pag Kain agad kami naghanap ng mauupuan, ng makahanap agad kami naupo dun. "kamusta best" umpisa ni Lucy sakin. "ayos lang ikaw" sabi ko habang kumakain kami, one rice saka menudo at isang saging ang pag Kain ko, c Lucy naman ay one and half rice sa kanya saka adobong manok at saging din ice tea naman ang juice namin, nakakatuwa nga kahit ganito lalaking kompanya ito ganito ang pag Kain nila dito ang kaso nga lang Mahal ang Presyo. "best di ako makakasabay sayo" malungkot na sabi ko naalala ko na naman kasi yung nangyare kanina. "bakit best may problema ba kanina ka pa malungkot at Panay buntong hininga" nag aalalang tanong nito. "napagalitan kasi ako ni miss Brenda eh kaya di ako makakauwe ng maaga kasi may pinapatapos pa sya sakin nga papeles"sabi ko sabay subo ng pagkain ko. " bakit anong nangyare"tanong ulit nito, kaya ikinuwento ko sa kanya yung nangyare. "eh sya naman pala Mali eh bakit di nila sinabi sayo samin nga sinabi ng team leader namin ang mga do's and don't eh tapos sayo di man lang nya pinaliwanag" nanggagalaiting sabi nito. "alam may inggit talaga yan Brenda na yan sayo eh, palibhasa mas maganda ka kesa sa kanya" dugtong pa nito. "best wag kang maingay mamaya may makadinig sayo wala tayong Laban baguhan lang tayo matagal na sya" saway ko sa kanya "Hindi naman kasi Tama yung best porket bago ka gaganyanin ka nila" naiinis pa din sabi nya, kaya salamat talaga ako kasi may best friend akong katulad nila ni Jane na nakakatuwang ko sa mga problema. "ok lang best kasalanan ko din naman kasi di ako nag iisip" sabi ko nalang sa kanya para kumalma sya. "ohh nandito pala yung babaeng may kasalanan kung bakit muntik ng matanggal c miss Brenda kanina" sabi ng isang ka team ko na katabi lang ng Mesa namin. "sya ba yung tangang sumakay sa elevator na exclusively lang sa VIP? "sabi naman ng kasama nyang babae sabay tingin sakin na nakataas ang kilay, tumawa naman yung dalawang kasama nya. " anong sabi nyo"nagulat ako bigla kasng tumayo si Lucy. "best wag mo ng patulan ayokong mawalan ng trabaho" pakiusap ko kasi napatingin samin yung ibang kumakain. "ohh may kasama pala syang isa pang cheap" sabi ng kasama ni Bea na kasama ko sa hr department yung dalawang kasama nya di ko alam kung saan team kasama. "best tara na, madami pa din ako tatapusin eh" yaya ko kay Lucy para nakaiwas kami sa gulo, buti nalang nagpatianod nalang sya sakin kaya nakahinga ako ng maluwag. "nako best kung di mo lang ako pinigilan talagang kakalbuhin ko yung mga yung" naggigigil na sabi ni Lucy habang nasa CR kami. "nako best wag mo sila intindihin tayo lang kawawa kasi sabihin satin kabago bago pa lang natin gumagawa na tayo ng gulo nakakahiya" sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng CR para bumalik na sa kanya kanya namin trabaho. Sumakay kami ng elevator buti wala pang ganon sumasakay dun kaya agad kami nakasakay naunang bumaba si Lucy kasi 3rd floor sila. "una na ko best" paalam nya, tumango lang ako at nagsara na ulit ang elevator. Ng makarating ako sa table ko agad ko ng inumpisahan ang tambak na papeles sa table ko talagang aabutin ako ng hating Gabi nito, napabuga nalang ano ng Malalim. "kaya ko to" mahinang bulong ko at nag umpisa na ko. . . . . . Habang abala sa pagbabasa c Steven sa mga pinipirmahan nyang mga papeles biglang kumatok ang secretary nya. "sir"tawag nito " come in"agad naman sagot nya "sir mag papaalam lang po Sana ako for leave"bungad nito sakin, nagtaka naman ako kung bakit sya magleleave. " why"I asked him. "personal reason po sir" sabi nito na bahagyang nalungkot,tinitigan ko sya mukhang may problema nga sya. "ok before you have you're leave please find me a temporary secretary para di ako mahirap kapag wala ka" paliwanag ko sa kanya, bigla naman naging masigla ang boses nito at nagpaalam na saka lumabas ng pinto, marahan akong napabuntong hininga, saka nagpatuloy sa ginagawa. Mas mahihirapan ako nito kapag wala sya napapadali ang trabaho dahil sa kanya, kaya tumagal sya sakin kilala nya na ko kaya alam nya na ang mga dapat gawin. Sana yung makuha nya di sumakit ang ulo ko, na sabi mo nalang sa isipan ko at bumuga ng hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD