ikadalawangpu't apat na kabanata:

2273 Words
Matapos ang insidenteng yon ay di muna ako pinapasok ni Steven, ok naman na ko saka gusto ko na din nakita si Gm kasi balita ko bumalik na ito at sya na ulit ang secretary ni Steven,akala ko babalik na ko hr department pero di pumayag si Steven, kaya ayun dalawa kami ni Gm ang magiging secretary nya ako ang personal nyang secretary, habang si Gm naman ang maiiwan sa kompanya kapag wala si Steven. Nandito lang ako sa bahay habang nanunuod ako bigla nalang nagtitili si Lucy pagpasok nito. "hoyyyyyyy bestttttt"tili nito, nangunot naman ang noo ko. " bakit ba ang ingay ingay mo? "takang tanong ko sa kanya, naupo sya sa harapan ko at kinikilatis ako. Tinaasan ko naman sya ng kilay, ayaw pa kasi magsalita. " may boyfriend ka na daw sabi ni tita, totoo? "di makapaniwalang tanong nito. Napangiti ako at saka nya ko hinampas hampas. " nakakainis ka di ka man lang nag sabi sakin, at take note boss natin! OMGGGGG! "di magkamayaw na tili nito. Pinasakan ko nga ng tinapay sa bibig para manahimik sa kakasigaw. " eh di nanahimik ka din"natatawang sabi ko dito, sinamaan naman ako ng tingin saka tinanggal ang tinapay sa bibig nya. "kainis naman magkwento ka bilis pano nangyare yun" excited na tanong nito. Tinayuan ko sya saka inalisan. "JIEUN LEE GARCIA" sigaw nito saka tumakbo papunta sakin, natatawa naman ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa kwarto ko, off nya ngayon kaya wala syang pasok. "ano na, magkukwento ka o sasabunutan kita? " nakapameywang na tanong nito. Kaya yung kinuwento ko sa kanya lahat, pati yung nangyare sakin kay Mr. Chua pati yung paghahalikan namin, na sobrang ikinapula ng pisngi ko. Panay palo naman ni Lucy sakin at di mapigilan magsisigaw, tinatakpan nya ng unan yung bibig nya para di marinig nila mama. "gosh best dami na pa lang ganap sayo, wala man lang balita ahh" sabi nito na warey nagtatampo. Niyakap ko sya para lambingin, "sorry na best, alam ko bisi din kasi kayo ni Jane kaya di ko na kayo inistorbo pa" sabi ko sa kanya, niyakap nya din ako. Saka maghapon lang kami nagkwentuhan ng tumunog ang cell phone ko. "yes hello? " tanong ko, di ko kasi nakita yung name ng tumatawag. Nakatingin lang naman sakin si Lucy. "hi babe, I fetch you around 6pm today" sabi ni Steven, namula naman ang pisngi ko. Panay palo na sakin ni Lucy kasi nadinig nya yung sinabi ni Steven. "ok San tayo pupunta? " tanong ko, kahit nasasaktan na ko kakapalo ng katabi ko. "family dinner" sagot nito na nagpaawang ng bibig ko,shock ngayon nya na ba ko papakilala sa family nya? 'tanong ko sa isipan ko di agad ako nakasagot. "hey babe, are you still there? " tanong nito, lumunok muna ako ng laway saka sumagot. "babe sure ka na ba na papakilala mo ako sa f-family mo? " kinakabahang tanong ko. "of course babe excited na din naman si lang mameet ka"sabi nito sakin. Bumuntong hininga ako " ok"sagot ko sa kanya. "ok bye I love you" sabi nito na, nagpatalon sa puso ko, at uminit ang mga pisngi ko dahil sa kilig, di ko sya masagot kasi nahihiya ako kay Lucy, pero tinutulak tulak nya ko para sumagot, kaya sumagot na din ako. "I love you too babe." sabi ko saka binababa ang tawag. "OMG! OMG! ikaw na talaga best ang. mahabang buhok" nagtitiling sabi nito "ang ingay mo" natatawang sabi ko sabay hila ng buhok nya para huminto. "best tulungan mo ko mag ayos ng susuotin ko" nag aalalang sabi ko sa kanya. "don't worry best hihiram tayo kay fairy god mother" sagot naman nito sakin at hinila ako palabas ng bahay. Pumunta kami sa kabitbahay namin si Jessa na galing Japan, entertainment ang trabaho nya dun. "ohh mga bakla nadalaw kayo? " maarteng tanong nito, kaibigan din namin sya kaya lang di sya nag iistay dito sa Pilipinas. "bakla hanapan mo nga to ng maisusuot nya sa family dinner nila ng jowa nya, "walang prenong sabi ni Lucy. " ayy taray meet the family na ang level, sige bakla don't worry be happy, I can manage you I am you're fairy god mother today's video"nagagalak na sabi nito, tawa naman kami ng tawa ni Lucy sa mga sinabi nya. "sige bakla wag mo kong ipahiya kundi kakalbuhin kita" pagbabanta ko naman, nagtawanan kami saka sya naghalungkat g mga damit nya. Isa isa nyang pinasukat sakin ang mga dress nya na tingin ko mga mahal din kasi may mga tatak at yung iba mga bago pa. Yung huling pinasukat nya sakin na off shoulder na denim dress. Parang sinukat sakin at saktong sakto talaga dahil may tag price pang nakalagay. "ohh pak pang universe , kabog din" sabi ni Jessa na papalakpak pa. "ternuhan mo nitong 2inch na white sandals, perfect! tanggap ka na agad ng magiging mother in law mo" sabi nito sabay paikot pa sakin, natuwa din ako sa kinalabasan kaya umalis na kami sa bahay ni Jessa. "bakla bilhin ko na to sayo huh" sabi ko dito. "sure, dagdag datong din yan" sagot naman nito, pera pera talaga sya kahit na asensado na ito, bread winner din kasi sya ng pamilya nya. Makalipas ang ilang oras ito na ko ngayon nakabihis na at na kaharap sa salamin, di ko alam kung maglalagay pa ko ng make up, pero di ako sanay kaya bahala na. Naglagay lang ako ng konting foundation sa mukha at lipstick saka tumingin sa salamin, napangiti ako sa kinalabasan simpleng simple lang ayoko naman isipin nila na masyado akong exagarrated kaya Tama na sakin yung ganito. "ate nandyan na si kuya"tawag sakin ni jk. Kumalabog ng husto ang puso ko, sobra akong kinakabahan,tumayo ako at lumabas na ng kwarto, nakita ko si Steven na nakapolona nakatupi sa magkabilang si ko nya, at nakaslacks na itim na ang buhok ay medyo bagsak na maiksi. Nagtama ang mata namin at agad syang ngumiti, sh*t ang gwapo nya talaga para syang Korean leading man sa mga Korean series *^_^*. " you're so beautiful babe"bulong nito sakin paglapit nya,pinalo ko naman sya sa dibdib nya na matigas I think may abs sya,namula ako sa na isip ko. "ate bakit para kang kamatis sa mukha mo" sabi ni jk sinamaan ko naman sya ng tingin. "ikaw talaga inaasar mo na naman ang ate mo, kinikilig kasi yan" asar naman ni papa na mas lalong ikinapula ng mukha ko. "ayus,sino ba naman di kikiligin kung kasing gwapo naman ni eunwoo ang magiging boyfriend mo hindi ba" sali na din ni mama sa pang aasar sakin, "ma, naman! " nahihiyang sabi ko at siniksik yung mukha ko sa dibdib ni Steven, na nadidinig ko pang tumatawa. "nako, umalis na nga kayo at baka gabihin kayo sa daan" taboy ni mama sakin. "mag ingat kayo" bilin naman ni papa, tumango kami saka nagpaalam. Pinagbuksan pa ko ni Steven ng pin?, saka sya umikot sa driver seat. Umalis na kami at bumyahe na papuntang Makati. Habang nasa byahe di ko naman maiwasan di makaramdam ng kaba, napansin siguro ni Steven yun kaya agad nyang kinuha ang kamay ko at pinagsaklop nya ito. "are you nervous? " tanong nya na sinulyapan ako saglit at tinuon na ang tingin sa daan. "oo, baka kasi di ako magustuhan ng family mo eh" nag aalangan kong sagot. "that's won't happen, my family will accept you" sabi nya sakin sabay pisil ng kamay, sana nga hindi ako mahirapan na tanggapin nila. Tahimik lang ako sa byahe hanggang sa nakarating na kami sa isang bahay O sabihin natin mansion, kasi sobrang laki at ang laki ng gate nila, mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil hindi lang pala sya ordinaryon businessman, mayaman din talaga ang pamilya nya, pano nila ako matatanggap kung galing ako sa mahirap na pamilya. Pinagbuksan ako ng pinto ni Steven pero nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ko O hindi nalang. "hey, babe let's go relax di kita iiwan" sabi ni Steven sakin at inalalayan akong bumaba sa kotse nya, hinawakan din nya ng mahigpit ang kamay ko. "nandito lang ako sa tabi mo, ok" sabi nito sabay halik sa noo ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga sa kay ngiti, bahala na si Batman (kawawang Batman:-D). Pumasok kami at mas lalo akong na namangha pagpasok ko sa loob, sobrang ganda at tingin ko lahat mamahalin ang mga gamit dito. Sinalubong kami ng isang katulong, nakita ko din sa may sala na may isang edad na ginang na nakaupo doon at kung titignan mo sya ay napakaganda nya, natulala ako at feeling ko biglang nanginig ang kamay ko dahil nagtama ang mata namin ng ginang. Steven: Naramdaman ko na nangingig ang mga kamay nya dahil sa nervous, first time nya kasing mamemeet ang parents ko dapat noon pa kaso ngayon lang ako nagkaroon ng free time para maipakilala sya, saka gusto ko din na handa si jieun sa pagkikita nila ng family ko. Bumungad samin si mommy na nakaupo sa sala at nadako ang tingin kay jieun. Lumapit kami dito at binati ko sya "hi mom" bati ko dito sabay halik sa pisngi "this is Jieun LEE Garcia may girlfriend" pakilala ko dito kay mommy. "m-magandang Gabi po" nautal pa na bati nito, agad kong pinisil ang bewang nya para sabihin na ok lang yan. Nagulat kami ng bigla syang yakapin ni mommy. "finally nakilala din kita" malapad na ngiting sabi ni mommy at kumalas sa yakap kay jieun. Di nakareact agad si jieun dahil sa pagkabigla kaya binulungan ko sya. "see, tanggap ka nila" sabi ko na nakangiti, agad naman itong tumingin sakin at ngumiti din, hinila sya ni mommy sa upuan kaya nabitawan ko sya. "mom, girlfriend ko yan eh" nakasimangot na sabi ko, inikutan lang ako ng. mata ni mommy. "hi hija tita nalang itawag mo sakin huh, natutuwa ako at nakahanap na ang anak mo ng mamahalin" excited na sabi ni mommy, napangiti nalang ako kasi alam ko na matagal ng naghahanap yan ng girlfriend ko. "sige po ti-tita" nahihiyang sabi pa ni jieun, ang cute talaga nya. "ang tagal ka kaya namin inaan-" di na natapos ni mommy ang sasabihin ng may sumigaw. "OMG! kuya it's that her? "nagtitiling tanong ni Therese at lumapit kela mommy at jieun, sya lang naman tumabi sa girlfriend ko at ako ito nakaharap sa kanilang tatlo. " tsk, sinolo nyo na"reklamo ko "my gosh kuya stay away muna we need to talk her" taas kilay sa sabi nito sakin, aba't ako pa talaga papaalisin. "no I stay here, uuwe nalang kami" sagot ko naman sa kanila at akmang tatayo na Sana ako ng magsalita si mommy. "ok son you may leave na bat jieun is stay here"balewalang sagot ni mommy sakin na ikinalaglag ng panga ko, " seriously mom, tingin nyo naman papayag ako na iwan sya dito, no way! "final na sagot ko at naupo ulit ako sa pwesto ko. " tsk, hi ate I'm therese beautiful sister of that man"pakilala naman ng kapatid ko sabay turo pa sakin, tinaasan ko lang sya ng kilay. "ate anong nagustuhan mo kay kuya, kelan mo sya hihiwalayan,nakakainis kaya yan lagi nya kong inaasar kaya let him suffer huh" sumbong nito na kinasama ko ng tingin sa kanya, sobrang daldal na naman kasi. "no, we don't break up because you say that"madiin sabi ko, inirapan lang ako nito at tumawa naman si mommy at jieun. " kayo talagang dalawa, antayin lang natin ang daddy mo pwede na tayo kumain"sabi mommy, bisi na naman siguro sa office nya. Maya maya may nadinig na kaming pababa ng hagdan, nakita ko kay jieun na napalunok ito kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sya ng mahigpit sa kamay. Di ko di alam kung anong pwede O gawin ni daddy ngayon na nasa harap na nya ang babaeng gusto kong pakasalan at hindi yun anak ni Mr. Harris. "dad" bati ko dito pagbaba,tumingin naman iito sakin at binalingan ng tingin si jieun mula ulo hanggang paa,nainis ako sa ginawa nya. "dad, this is my girlfriend Jieun LEE Garcia " pakilala ko, nakita kong nagtangis ang bagang ni daddy. "maganda Gabi po" magalang na bati ni jieun kay dad, di ito sinuklian ni daddy at agad nagyaya ng kumain.. "let's have dinner lalamig ang pagkain" seryosong sabi lang nito, kaya sumunod na kami sa kanya sa dinning table. Pagkaupo namin tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si dad. "hija anong tinapos mo" tanong nito na sa pagkain lang nakatuon ang pansin. "business management po" sagot naman ni jieun kay daddy, alam ko kung saan na tutungo na naman ang usapan na ganito. "anong maitutulong mo sa company ni Steven? " tanong ulit nito na lalong nagpainit ng ulo ko. "dad I think we should go"kalmadong sabi ko kahit na gusto ko ng sumagot sa kanya. "son let's finish our dinner and hon please keep your mouth" sabay ni mommy alam nya kasi na kahit anong oras pwede kaming umalis dito kung di titigil si daddy.. Bumalik ako sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkain tumingin naman sakin si jieun at saka ngumiti kaya kumalma ako. Nang matapos si dad nagsalita pa ito bago umalis. "the girl you should be your girlfriend is the one who help your company" sabi nito sabay tayo sa upuan, nang akma akong sasagot ay hinawakan ni jieun ang kamay ko at umiling sakin. Kaya hinila ko sya paalis sa bahay kahit nadidinig kong tinatawag pa kami ni mommy at Therese. Hinding hindi ko sya susundin sa gusto nyang mangyare.. Agad kaming umalis sa mansion at nag drive nalang ako pahatid kay jieun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD