ikadalawangpu't tatlong kabanata:

1900 Words
Nandito ako ngayon sa hospital hawak ko ang kamay ni jieun. Ang daming tumatakbo sa isipan ko, kasalanan ko kung bakit nangyare sa kanya to, dapat di ko sya iniwan, pano nalang kung nahuli ako ng dating, anong mangyayare hindi ko kakayanin. Hinalikan ko yung kamay nya, nagpupuyos pa din ako sa galit sa ginawa ng matandang yun. Humanda sya sakin hinding hindi ko sya mapapatawad. Nakita ko na may pasa sya sa bandang siko nya, saka yung sugat nya sa labi. Napakuyom ako ng kamao ko. Naramdaman ko syang gumalaw kaya hinawakan ko sya agad, pero nabigla ako kasi bigla nyang iwinaksi ang kamay ko. "maawa kayo sakin, please parang awa nyo" sabi nya sabay luha, paulit ulit nyang sinasabi yun sobra akong nasasaktan kaya niyakap ko sya ng mahigpit kahit nagpupumiglas sya sakin. "shhhh.. babe ako to si Steven, don't worry di ka na nila masasaktan"sabi ko sabay haplos sa buhok nya, naramdaman ko naman kumalma sya. " s-ste-ven"nauutal na sabi nya, kaya tinapat ko yung noo ko sa noo nya. "yes ako nga babe,I'm sorry" sabi ko sabay halik sa noo nya, bigla syang yumakap sakin ng mahigpit saka umiyak ng umiyak, parang sinasaksak ako ng ilang libong punyal sa dibdib ko kapag nakikita ko syang ganito. "ste-ven akala ko di mo na ko malilig-tas, takot na takot ako" sumbong nito "shhh.. hush now di ka na ulit nila masasaktan o mahahawakan "assurance ko sa kanya at hinalikan sya sa noo. " sala-mat at dumating ka"sabi nya sa pagitan ng mga hikbi nya. "kahit anong mangyare lagi kitang ililigtas ok, sabi ko sabay halik sa labi nya. Dampi lang yung dahil may sugat sya. Niyakap nya ko at niyakap ko din sya ng mas mahigpit pa.. Maya Maya naramdaman ko na parang bumigat sya, nang makita ko nakatulog pala ulit sya sa kakai yak. Dahan dahan ko syang inihiga ulit sa higaan nya, pinunasan ko ang mga luhang natira sa pisngi nya sa mata. Hinawi ko din ang buhok nya na medyo nagulo. Tinitigan ko sya sa mukha at hinalikan sya sa noo saka inayos ang kumot nya. Maya maya nag ring ang cellphone ko, agad ko itong sinagot. " yes, hello"bungad ko. "boss, anong gagawin natin kay Mr. chua? " tanong ni Wesley sakin. Kasalukuyang kasi sila ang nag aayos non. "nakuha ba ni liam yung mga CCTV? " tanong ko dito. "yes boss naisend na din sayo" sagot nito. "ok gawin nyo ang lahat para di makalabas yan, saka ko na sya haharapin" seryosong sagot ko dito. "saka pag nasa loob na alam nyo na gagawin nyo" pahabol mo pa dito. "copy" sagot sa kabila.At binaba ko ang tawag, bumaling ako ng tingin sa babaeng nakahiga, lalo akong nagpupuyos sa galit. Tumunog ang cellphone ni jieun, kaya tinignan ko kung Sino ang tumawag, nakita ko si tita nag aalala na siguro dahil anong oras na wala pa ito. Sinagot ko na din "hello tita" sabi ko "ohh hijo bakit ikaw ang sumagot as an ang anak ko bisi pa ba? "nag aalalang tanong nito. Di ako nakaimik di ko alam ang sasabihin ko sa parents nya. " Steven hijo andyan ka pa ba? "tanong nito " Yess tita"sagot ko agad. "ahmm tita baka po hindi kasi sya makauwe ngayon gabi, kasi po may tinatapos po kasi kami don't worry tita wala po akong gagawin sa kanya, promise po trabaho lang talaga" paliwanag ko, nadinig ko naman na tumawa ito kaya medyo nahiya ako. "ikaw talagang bata ka, sige ako na mag sabi sa Papa nya saka may tiwala kami sayo alam namin na mahal mo ang anak ko kaya ikaw na ang bahala sa kanya huh. " bilin naman nito napangiti ako sa sinabi ni tita sakin saka bumaling ng tingin kay jieun. "opo tita mahal ko po ang anak nyo" sagot ko saka pinatay na ang tawag. Bumalik ako sa pag kakaupo at hinawakan ulit ang kamay ni jieun. . . . . jieun povs: Nagising ako na masakit ang katawan ko,pagmulat ng mata ko medyo malabo pa kaya pumikit ulit ako saka nagdilat,nakita ko ang puting kisame, umikot ako sa kabuuan napag alaman ko na nasa isang kwarto ako siguro hospital, may nakita din ako IV na nakakabit sakin. Pag tingin ko sa gawin kaliwa ko nakita ko na may nakayuko, si Steven napangiti ako di nya ko iniwan binatayan nya ko. Hinipas ko ang buhok nya, nagising naman sya agad, pagkakita nya sakin agad syang tumayo at nilapitan ako. "how are you feeling? " nag aalalang tanong nito, natawa ako sa itsura nya. "hmp,pinagtatawanan mo ko pagtapos mo pag alalahanin ako" sabi nito na nakapout, bakit ang pogi nya kahit nakaganyan sya, sabi ko sa isipan ko. "ayos na ko may nagbantay kasi sakin ng gwapong nurse" nakangiting sabi ko, napangiti din sya sa sinabi ko at hinalikan ako sa noo na nakapagpikit sakin. Gusto ko talaga yung ganyan ginagawa nya ramdam ko ang respeto at pagmamahal nya. "thanks god, I can't handle it, when something bad happens to you" sabi nito sakin. "thank you dahil nandyan ka" sagot ko, dahil kung wala sya at nangyare sakin yun malamang nagkulong na naman ako sa bahay ng ilang taong. Magkayap lang kaming dalawa ng may mga pumasok. "sorry boss" sabi ni topher sabay harang sa pinto, tinulak naman ni Wesley kaya derideritcho sila sa loob. "hi boss" malawak na ngiting bati nito. Sinamaan sila ng tingin ni Steven, nahiya ako kaya nagtago ako sa likod nya. "boss" bati ni Liam na kapapasok lang. "you should know how to knock? " seryosong tanong ni Steven,napaayos naman ng tayo yun dalawa Samantalang si Liam ay prenteng nakaupo na sa sofa. "si Wesley kasi boss tinulak ako" turo ni topher, "bakit ako ikaw kaya unang pumasok" turo naman ni Wesley "si liam-" di na natuloy yung sasabihin ni topher kasi nakatingin na sa kanya ng masama si Liam. Natawa naman ako sa kakulitan nila. "sige na wag na kayo magturuan ok lang" sabi ko nalang kasi ang sama na ng tingin nun dalawa sa dalawa. "hoooh!" sabi ni topher na parang nailigtas sa eviction na nagaganap. "why are you here? " seryosong tanong ni Steven sa kanila. "naah, obviously dumadalaw"sabi ni Wesley na umikot pa ang mata, natawa ako ng bahagya sinamaan naman ako ng tingin ni Steven. Naupo na ko at naka sandal sa headboard ng hinihigaan ko si Steven naman ay naupo sa gilid ng kama at nagbabalat ng apple, may mga dalang prutas sila topher. "sabi ko bang pumunta kayo dito" tanong ulit nito na nakasalubong pa din ang kilay, sungit talaga. "boss hindi ikaw ang pinunta namin si miss jieun ang pinunta namin dito" nakaismid na sagot naman ni topher. "miss kamusta na pakiramdam nyo? " seryosong tanong ni Liam sakin, seryoso tinatanong nya ko, di makapaniwalang tanong ko sa sarili ko. "nako naman Ferrer wala ka man lang kasincere mag tanong" sabat ni topher. "tsk" tanging sagot naman ni Liam, napangiti ako. "don't smile for them" taas kilay naman na sabi ni Steven sakin. "bakit?sa natutuwa ako sa kanila eh" sagot ko naman, kasi naman pati pag ngiti ko sa mga kaibigan nya papansinin nya. "damot"bulong naman ni Wesley. " may sinasabi ka ba Gomez? "seryosong pagtatanong ni steven. " wala boss, miss ok na ba pakiramdam mo? "binalingan ako ni Wesley. " oo salamat sa pagdalaw"sincere na sabi ko sa kanila. "nadalaw nyo na sya makakaalis na kayo" sabat ni Steven sabay bukas ng pinto. "kararating lang kaya namin boss" kakamot kamot sa ulo na sabi ni topher. "aalis kayo o alam nyo na mangyayare sa inyo? " sumeryoso na naman ang mukha, bakit ang bilis nya magbago ng emosyon.? "si Mendoza lang ang gustong mag stay boss" sali naman ni Liam sa usapan, kasunod nun ang lumabas na ito. "may rest in peace Mendoza, araw araw kitang dadalhan ng cafe" sabat naman ni Wesley sabay takbo. "hoy mga gag* dadalawin mo kayo, lalo ka na Gomez" sigaw naman ni topher sabay takbo din palabas, natatawa naman ako sa kakulitan nila samantalang si Steven naman hinihilot ang pagitang ng mga mata nya, maagang tatanda ang boyfriend ko sa kanila, mas natawa ako sa naisip ko. Maya maya di ko namalayan nakalapit na pala sakin si Steven as in malapit talaga mga 1inch nalang magdidikit na ang mga mukha namin, "you look so happy miss j-lee" sabi nito sa harapan ng mukha ko kaya ramdam ko ang init ng hininga nya,napalunok ako sabay sabi "a-ahh kasi ang kukulit nila" utal na sabi ko, nakatitig sya sakin hanggang sa dumapo sa mga labi ko ang tingin nya.Hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa labi ko, di agad ako nakareact at nakabukas ang aking mga bibig dahil sa bilis ng pangyayare, naramdaman ko nalang ang dila nya sa bibig ko na nanggagalugad, agad akong yumapos sa leeg nya at tinugon ang mga halik nya. Kapwa kami na tigilan at kusang naghiwalay ang mga labi ng marinig kami ng mga katok sa labas, buti nalang pala ni lock nya ang pinto kung hindi naabutan kami ng kung Sino man ang nasa labas, agad namula ang mga pisngi ko sa Hiya. "sh*t, mapapatay ko talaga tong mga to" naiiritang sabi ni steven, natawa nalang ako ng palihim at agad syang nagtungo sa pinto para buksan ang kumakatok. "sir ichecheck ko lang po si ma'am" magalang na sabi ng babaeng nurse, nanatiling nakasimangot si Steven kaya ako na ang sumagot dito. "sige miss pasok ka" sabi ko pumasok naman ito at check na ako,pagtapos nun agad din naman nagpaalam ito. Nang magsara ang pinto agad kong niyaya si Steven sa tabi ko kasi di na maipinta ang mukha nya. "halika nga dito ang panget mo kapag nakabusangot ka" natatawang sabi ko, agad naman itong lumapit, saka ko sya niyakap ng mahigpit, nagulat pa sya pero kalaunan yumakap din ng pa balik. "tumawag si tita kanina" basag nya sa katahimikan namin dalawa, agad akong bumitaw sa kanya at tinignan sya. "don't worry di ko sinabi sa kanya yung nangyare, pero naguguilty ako kasi nagsinungaling ako" sabi nito sakin halata sa mata nya ang nararamdaman nya, kapag kaharap ko sya lahat ng emosyon nakikita ko sa kanya, pero sa ibang tao lagi syang seryoso. Napabuntong hininga ako "thank you babe, and sorry kung dahil sakin nagsinungaling ka, ayoko din kasi mag aalala sila mama sakin" sabi ko sa kanya saka sya hinawakan sa kamay. "ako din naman kaya yun nalang sinabi ko na may mga trabaho pa tayong inaayos"sabi nya sabay halik sa noo ko. " sige na magpahinga ka na, Gabi na din"sabi nya sakin at tinulungan akong mahiga. "eh ikaw? " tanong ko "I'm just here to watch over you" nakangiting sabi nya, di sya matutulog "halika na tabi na tayo, di ka makakatulog ng maayos kapag nakaupo ka lang" sabi ko kahit nag aalangan ako, lumapad naman ang pagkakangiti nito. "really? " di makapaniwalang tanong nito, tumango ako at umusod na, kasya naman kami kasi may kalakihan naman yung kama siguro nasa VIP ako. Agad tumabi sakin si Steven, pinaunan nya ko sa braso nya magkaharap kaming dalawa. "goodnight babe, I love you" sabi nito sakin sabay halik sa noo. "goodnight, I love you too" sagot ko at siniksik ang mukha sa dibdib nya. Nadinig ko pa syang tumawa at ipinikit ko ang aking mga mata ka sabay ng pag ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD