Chapter 1
Chapter 1
Minia's POV :
Mas maaga akong nagising kaysa sa nakasanayan ko para muling bumalik sa pag-jojoging na dalawang linggo ko na atang hindi nagagawa, I must maintain my sexy figure. Nararamdaman at napapansin ko kasi lately na tumataba na ako at hindi magandang bagay iyon, baka lalo na niya akong hindi magustuhan.
Nakakatawa nga na tila ba pinaglalaruan ako ng tadhana, biruin mo, ang taong kaninang iniisip ko lang ay nakatayo hindi kalayuan sa'kin. Hindi ko nga lang maiwasang mapabusangot habang tinatanaw siya kasama ang isang babae na napaka imposibleng hindi ko makilala. Halos sa lahat ata ng bagay na may kinalaman sa kaniya ay malabong hindi ako updated.
Well, dahil natural akong tsimosa ay saglit akong huminto sa pagtakbo at nagkubli sa likod ng isang may kalakihang puno at palihim ko silang pinagmasdan, todo ingat ako para hindi niya ako makita lalo pa at alam ko namang iniiwasan niya ako at sadyang hindi na pinapansin dahil sa misunderstanding na nangyari sa pagitan naming dalawa.
Siya lang naman si Harvest Kaye Smith Villanueva, ang lalaking mula pa pagkabata ay gustong-gusto ko na. Ewan ko ba kung bakit napakalakas ng tama ko sa kaniya mula pa noon, hanggang ngayon.
Parehong tanyag at nakakaangat sa business world ang pamilya namin, pareho rin namang maganda ang lahi namin. Kaya naniniwala akong match made in heaven kami. Naniniwala akong wala ng ibang lalaki ang para sa akin, maliban sa kaniya. Uhugin pa lang ako ay alam ko ng mahal ko siya. Natatawa na nga lang ako kapag naalala ko na sa tuwing tatanungin ako kung anong pangarap ko sa'aking paglaki ay maging asawa niya ang lagi kong bukang bibig.
Magkababata kami. Kaming dalawa lang noon ang laging magkasama, marami nga ang nagsasabing para kaming kambal na hindi mapaghiwalay. Nagbago lang naman ang lahat ng dumating kami sa kolehiyo, nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan at ganoon din ako. Hanggang sa isang araw namalayan ko nalang na hindi na pala kami tulad ng dati, bigla ay parang nagkaroon ng ilangan sa pagitan naming dalawa na akala mo ay hindi kami sabay na naliligo noong mga bata pa lang kami.
Laking pasasalamat ko nga at nagkataong iisang foundation lang ang tinutulungan ko at tinutulungan ng kompanya niya, kaya naman lately ay napapadalas na kaming magkasama ulit. Kung saan kasi nagpupunta ang team niya ay nandoon din kami, minsan ay nagkakataon lang, pero madalas ay sinasadya ko talaga.
Sa muling pagsilip ko ay nag-iba ang kilos ng dalawa, bagay na ikinalawak ng ngiti ko. Mukha kasi silang nagtatalo. Alam ko sa sarili kong mali, pero hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng tuwa sa puso ko.
Sa sobrang saya ko nga ay naisipan kong lapitan sila, pero nakakailang hakbang palang ako ng magbago na ang isip ko. Baka kasi mas lalo na niya akong hindi pansin kapag nalaman niyang pinapanood ko sila, hindi ko ata kakayanin 'yon. Napabuntong hininga nalang ako bago tumalikod, nanghihinayang man ay umalis nalang ako.
Alam kong mukha na akong tanga na hindi mabura-bura ang ngiti dahil sa nakita, pero masyado talaga akong masaya para isipin pa ang iisipin ng iba. Maya-maya'y napagdisisyunan kong tawagan nalang at bulabugin ang mga lukaret kong mga kaibigan, tutal ay matagal ko na rin silang hindi nakakabonding dahil pare-pareho kaming naging abala sa kanya-kanya naming buhay.
Abot tenga ang ngiti ko ng sagutin na ni ate Mica ang tawag. "Oh ano na namang problema mo?" masungit na bungad niya sa akin sa kabilang linya, mukhang naistorbo ko na naman ata siya, nasisiguro ko ring masama na ang timpla ng mukha nito kahit 'di ko pa siya nakikita ng harapan. Naiimagine ko na nga kung paano magdugtong ang paarko at makapal nitong kilay.
"Grabe ka naman sakin ate, meron ka ba? Napakasungit mo naman ata ngayon?" Nakangusong reklamo ko sa kaniya. Napangiwi pa ako dahil mukhang napalakas ata ang pagkakasabi ko, nakatingin na kasi sa akin ang ibang customers. Muntik ko ng makalimutan na nasa cafe pala ako at wala sa bahay.
"Wrong timing ka kasi lagi, ano na naman ba kasi ang kailangan mo? Busy kami ni Fiona ngayon," singhal niya sa akin, dinig na dinig ko pa ang tunog ng nilulukot na plastic sa backround nito na tila may bagay siyang sinusupot.
"Eto naman si ate Mica, sasabihin na nga eh. Bakit galit ka kaagad? Sige bahala ka, baka mamaya maaga kang kunin niyan." Bumubungisngis kong sambit sa kaniya, pero dahil mukhang naiinis na talaga siya ay napatikhim ako at sumeryoso na.
"Punta kayo ngayon sa tambayan natin, may sasabihin lang akong napaka importante. Babye, love you. See you." Mabilis kong pinatay ang tawag bago pa man siya makapagreklamo. I'm such a genius, ngayon ay wala na silang ibang pagpipilian kung hindi ang pumunta.
I was continuously tapping the table with my fingers habang hinihintay na makalapit ang tinawag kong waiter. Ganito talaga ako kapag naiinip, mannerism ko iyon na namana ko ata sa aking ama.
"Good day po ma'am, ano pong order niyo?" magalang at pormal na tanong nito sa akin dahilan para mapasimangot ako.
"Didn't I told you to not call me ma'am? That sounds too old for me. Miss na lang." Nakangiti ngunit sinuguro kong hindi nawawala ang autoridad sa tinig ko.
"I'm sorry miss, hindi ko kaagad napansin na ikaw pala yan," he apologized looking so tensed and nervous, kababakasan din ng pagkapahiya ang ekspresyon ng mukha nito. Takot atang masisante. But well, I'm not that heartless lalo pa't hindi naman ganoon kalaking kasalanan ang ginawa niya.
"Ayos lang," kalmadong tugon ko sa kaniya, "I want my favorite coffee, if you have no idea what my favorite one is, itanong mo nalang sa ibang empleyado at alam na nila 'yon." Kibit balikat kong sambit habang nakatuon ang buong atensyon sa hawak-hawak kong cellphone.
"Noted miss," he replied quickly, kasunod no'n ay ang tunog ng mga yabag niya papalayo.
Hindi ko maiwasang mapakunot noo habang naghihintay, para kasing ang tagal dumating nung dalawa. Balak ko na sanang tawagan uli ang isa sa kanila ng matanaw ko mula sa glass wall ang dalawa na kabababa lang mula sa sasakyan nila.
Ang dami naman na atang business ng dalawang ito? ang tagal bago dumating eh, ang sakit lang sa ulo. Tama ba naman na paghintayin ako ng pagkatagal-tagal? I'm a busy person too, hindi ba nila alam iyon?
Napasimangot ako nang makitang nagtatawanan pa sila habang papasok na para bang wala silang pinaghintay, dahil maatitude ako ay napagdisisyunan kong sungitan muna sila ng very, very light lang. Ganoon kasi ang sarili kong paraan ng pagsasabing namiss ko sila.
Lumapit silang dalawa sa gawi ko at hinalikan ako sa magkabilang pisngi gaya ng nakagawian naming batian. Pagkatapos ay umupo na sila sa bakanteng upuan na nasa tapat ko.
"Oh? ano bang meeting na naman 'to?" Masungit na tanong ni ate Mica sa akin. Lagi nalang siyang ganito, para ngang pasan-pasan na niya lahat ng problema sa mundo sa kasungitang taglay niya eh.
"Wala lang, may masama ba kung namiss ko kayo?” Natatawang sambit ko na may halong pang-iinis na rin, ginawa kong malambing ang boses ko dahilan para sabay na malukot ang mga mukha nila. Ayaw kasi nila ng masyadong sweet dahil para lang daw iyon sa mga corny na mag-jowa, ganoon kasi sila ka-abnormal.
“Isip bata ka talaga minsan, ano nga kasi yung napaka importanteng sasabihin mo? Para kang tanga alam mo yun?" Naiiritang sambit ni ate Mica na mukha na namang stress masyado sa buhay niya. Kahit kailan talaga, wala na ata siyang ibang ginawa kung hindi ang magsungit anytime, anywhere. Hindi kaya siya napapagod? Sana may pag-asa pa 'tong magbago.
“May lakad ka ba ate at nagmamadali ka masyado?” Nakanguso kong tanong sa kaniya. Para na naman kaming aso’t pusa sa mga oras na 'to.
“Oyyy! easy lang kayo, tama na yan. Minia sabihin mo na kasi yung sasabihin mo at baka mangalmot pa tong pusa na 'to.” Hinarang ni Fiona ang kamay niya sa pagitan naming dalawa ni ate Mica at tinignan niya kami na nangungusap ang mga mata dahilan para matahimik kaming dalawa.
Siya na lang ata talaga ang pinakamatino sa aming tatlo, wala na yatang makapagpapabago pa sa amin ni ate Mica. Forever aso’t pusa na siguro kaming dalawa. Mabuti nga at minsan may ay pagkatao pa rin siya at hindi na niya pinalalaki ang usapan.
“Oh inom muna kayo, ang init kasi ng mga ulo ninyo,” mas malumanay na ang tinig na sambit ko nang mailapag na ang order naming tatlo.
“Minia, ano ba kasi yung sasabihin mo? Sorry na, medyo pagod lang ako. Umayos ka naman na kasi.” bigla ring naging kalmado ang tinig ni ate Mica na akala mo'y isa siyang mabait na nilalang. Well, mabait naman talaga siya e, pero nanaig lang talaga yung pagkamaldita niya madalas.
"Eto na nga," pagsuko ko sa pambubwisit sa kanila, "May nakita kasi akong napakagandang pwedeng panoorin. Hardcore drama, grabe nakakaiyak talaga.” Nakangiting sambit ko sa kanilang dalawa.
Nakatingin lang sila sa akin na parang nabitin sa sinabi ko. Bakas din sa mga mukha nila ang pagkakuryoso at kagustuhang malaman ang sunod na sasabihin ko, napaghahalataan tuloy na mga tsismosa rin sila gaya ko.
“Nakita ko kasi si Harvest sa park kanina kasama yung girlfriend niya. Nag-aaway yata sila, kaya ayun medyo nagtago ako para makichismis. Medyo malayo nga lang yung pwesto ko sa kanila kaya hindi ko narinig kung ano yung pinag-aawayan nila. Sayang nga eh. Pero in fairness ha, nakakaaliw siya panoorin hahaha.“ Natatawa kong pagkukwento sa kanila.
Napatigil lang ako sa pagtawa nang mapansin kong ako lang pala ang tumatawa at seryoso lang nila akong tinititigan, bigla ay napaseryoso din tuloy ako ng tingin sa kanila buhat ng pagtataka.
“Iyon na ba 'yon Minia?” seryosong tanong sa akin ni ate Mica na marahan ko namang tinanguan. Halata sa mukha niyang hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa'kin.
“Minia ano na ba ang nangyayari sa'yo? ganiyan ka na ba talaga kadisperadang makuha si Harvest?” dismayadong tanong sa akin ni Fiona na may kasama pang pag-iling.
“Minia sa tingin mo tama pa 'yang mga ginagawa mo? Nagsasaya ka tapos yung kapwa mo nagdurusa dahil mayroong problema? Bakit ikinasasaya mo yung lungkot nila? Ano ba ang nangyayari at parang hindi ka na namin makilala. Ang laki na nang pinagbago mo, wala na yung Minia na lagi lang mabuti at malalahanin sa iba. Minia hindi naman na tama 'yan. 'Wag kang maging masaya sa pagiging miserable ng iba," seryosong gatong naman ni ate Mica. Hindi agad ako nakapagsalita sa mga sinabi niya sa akin. Masakit, pero alam ko sa sarili kong tama siya.
“Sa tingin mo ba 'pag nalaman nila tito at tita 'tong ginawa mo ay matutuwa sila? Fix yourself, ako na ang nagsasabi sayo na baka 'di mo mamalayang sa susunod tuluyan ka ng maging masamang tao dahil diyan sa nararamdaman mo para sa kaniya. Ang dami namang mga nagkakagusto sayo, wala ka bang type ni isa sa mga yun?”
Diretso ang tingin sa akin ni Fiona nang sabihin niya iyon. Alam ko namang mali, but that is what I actually feel, pakiramdam ko kasi ay nagkaroon ako ng pag-asang muling mapalapit sa kaniya.
“Minia, tumingin ka sa akin.” Mabilis kong sinunod ang utos ni ate Mica dahil sa autoridad sa tinig niya, ramdam ko sa tingin niya ang pagkainis niya sa akin dahil na rin siguro sa mga sinabi ko. Sino ba naman kasi matutuwa doon diba? Ako lang yata.
“Minia, Pakinggan mo lahat ng mga sinabi namin okay? Please nagmamakaawa ako sa'yo, hindi mo deserve na maging ganito para lang sa taong wala namang gusto sayo. Pilitin mong alisin sa sistema mo yung pagiging tanga dahil wala kang mararating jan. Itatak mo sa puso't isip mo lahat ng mga sinabi namin ni Fiona dahil para rin naman sayo yun. Tandaan mong lahat ng ginawa mo sa kapwa mo ay may sariling paraan ng pagbalik sa'yo. Huwag mo ng hintayin na bumalik pa sayo, kasi mas magiging masakit yun. 'Wag kang magfocus sa isang tao lang, wala ng loyal sa panahon ngayon. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. Umiiwas na sa'yo yung tao, kaya kailangan mo na rin siyang layuan. 'Wag ka ngang tanga na habol pa ng habol sa kaniya. Ayokong nakikita kang ganiyan." Her voice cracked a little, may kurot sa puso ko ang bawat salitang lumalabas mula sa labi niya.
"Kasi kami ang nasasaktan para sayo, alam kong masakit tong mga sinasabi ko pero para sa ikabubuti mo rin naman ito. Ayoko lang na mas masaktan ka pa. Wag mong ibaba ng todo yung sarili mo para lang sa isang lalaki. You know I've been in your situation, saksi ka sa katangahan ko noon. Isa lang ang masasabi ko Minia, it's not worth it.” She held my hand tightly habang nakayuko lang akong nakikinig sa kaniya. Pilit kong iniintindi at isinasalpak sa makitid na utak ko ang mga sinabi niya.
“Sige na, aalis na kami ni Fiona. Itatak mo sana sa isip mo lahat ng mga sinabi namin,” huling sambit ni ate Mica bago sila tuluyang tumayo mula sa kinauupuan nila. They both tapped my shoulder twice as a sign of goodbye, nginitian pa nila ako ngunit hindi ko na nagawang suklian pa iyon.
Nang tulayan na silang makaalis ay nanatili lang akong nakaupo at nakatulala habang pinoproseso sa isipan ko ang mga sinabi nila. Madaling sabihin, madali ring unawaiin, pero alam ko sa sarili kong mahirap gawin.