Chapter 3

2144 Words
Chapter 3 Minia's POV : Ilang araw na rin ang nakalipas 'mula nang pinagsabihan ako nila ate Mica at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpaparamdam sa akin, mukhang masama pa rin yata ang loob nila. Narealize ko namang hindi nga talaga tama yung ginawa ko at hindi na dapat pang maulit iyon. I'm a woman of logic and values pero ewan ko ba kung bakit 'pag dating kay Harvest ay nagiging irrational na ako. It's like my brain loses its capability to function every time that he's involved into something, laging nauuna ang emosyon ko sa akin. Pumasok nalang ako sa café dahil na naiinip na rin ako sa bahay. Mas gusto kong dito muna mamalagi kaysa sa kompanya, masyado kasing mabigat at seryoso ang atmosphere dun kaya mas nakakapressure magtrabaho. Nagpupunta lang naman ako do'n usually kapag may mga meeting na kailangan ako, hindi pa naman bumababa si Dad sa position niya as a CEO so there's no need for me to be there so often. Ilang text at tawag na ang ginawa ko kay ate Mica at Fiona, pero wala talaga silang paramdam sa'kin. I'm confused, ganoon ba talaga kamali yung ginawa ko para gawin nila sa'kin 'to? Well, I know it's wrong but ignoring me like this? isn't it too much for such a small mistake? Iniiwasan na nga ako ni Harvest tapos maging sila ay ganoon din ang ginagawa, hindi ko na tuloy alam kung ano ang dapat na gawin. Parang lahat na lang tuloy ng ginagawa ko ay mali. Ilang minuto na rin akong parang tanga na paikot-ikot lang sa loob ng office ko, pinag-iisipan ko kung ano ba ang dapat kong gawin para makausap na yung dalawa. Hindi kasi ako sanay ng hindi nila ako pinapansin o kinukumusta man lang. Hindi rin talaga ako mapapakali kapag alam kong may taong masama ang loob sa'kin, hindi ko tuloy magawang makapagfocus sa trabaho ko. Nang mapagod na ako sa kakaisip ay naupo na lang muna ako sa swivel chair ko nang biglang may isang ideyang pumasok sa utak ko. Kung kailan talaga sumuko ka na sa pag-iisip ay saka ka lang makakaisip ng solusyon. Ibababa ko na muna yung pride ko para sa dalawang lukaret kong kaibigan na masyadong madaming arte sa buhay. Medyo nagbago nga naman kasi yung ugali ko lately simula nang magkaroon ng seryosong relasyon si Harvest. Masyado na yata akong inlove sa maling tao. Pero kasi pag pagmamahal na yung kalaban mo, hindi ka na talaga mananalo eh. Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling isinukbit iyon sa balikat ko, ni hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ba ako habang naglalakad papunta sa kotse ko. Naisip ko kasing puntahan na lang silang dalawa sa bahay nila, 'yun na lang talaga ang naiisip kong way para makausap sila dahil hindi naman nila sinasagot ang mga tawag at text ko. Hindi naman siguro nila ako ipagtatabuyan kapag nandoon na ako diba? Habang nagdadrive ay sinubukan kong tawagan sila para sana makasigurong nasa bahay nga nila sila, baka kasi masayang lang ang effort ko sa pagpunta kung wala naman doon yung sadya ko. Nakailang missed call na naman ako pero as expected, wala pa ring sumasagot sa kanila ni isa kaya napagdesisyunan kong tigilan nalang dahil useless naman at baka mamaya ay madisgrasya pa ako. Huminto muna ako saglit sa nadaanan kong 7/11 para bumili ng pwedeng inumin, nakakasakit na ng ulo yung binabalewala ka na nga, nanunuyo pa lalamunan mo. Ngayon ko lang kasi naranasan na ako yung manunuyo ng nagtatampo, nasanay na kasi akong ako yung lagi nilang sinusuyo dahil sa pagiging matampuhin ko. Nang makabili ay mabilis din akong bumalik sa loob ng kotse ko, baka kasi may makakilala sa akin. Mahirap na at wala pa naman akong kasamang bodyguard ngayon, ayoko ng maulit pa yung dinanas ko noong bata pa ako. Kasabay nang pagsara ko ng pinto ng sasakyan ay ang pagring ng cellphone ko na nakapatong sa dashboard, agad akong napangiti ng makita ko ang pangalan ni Fiona sa caller ID kaya walang pag-aalinlangang sinagot ko iyon agad. "Hello," pambungad na bati niya sa akin dahilan para mapanguso ako, namiss ko yung boses niya. "Oy kanina pa 'ko tumatawag sa'yo pero 'di mo naman sinasagot, pati nga si ate Mica. Kahit sa mga text ni reply na tuldok wala. Ano na bang nangyayari sa inyo? Nakakatampo na kayong dalawa," bulalas ko na tila binagsakan ng langit at lupa. "Sorry na, busy lang kasi kami ni Ate Mica ang dami kasing order na dapat ideliver. Bakit ka nga ba kasi tawag ng tawag?" malumanay na pagpapaliwanag niya sa akin, bakas sa tinig niya ang pagod dahilan para makaramdam ako ng bahagyang konsensya. "Eh kasi naman bakit hindi na kayo nagpaparamdam sa'kin? Nakakainis kayo, akala ko kung ano ng nangyari sa inyo." Nagpapa-awang sambit ko. "Ikaw din naman kasi, gumagawa ka pa ng ikagagalit ni Ate Mica eh. Naging makasarili ka kasi, ayan tuloy napapala mo," halata ang iritasyon sa boses niya dahilan para mapangiwi ako. Di pa rin pala tapos ang panenermon sa akin? Akala ko tapos na, it's a prank lang pala. "Oo na, sorry na kasi. Nasaan ba kayo? pupuntahan ko sana kayo eh, kaya nga tumatawag ako kasi itatanong ko kung 'saan kayo ngayon kasi baka pumunta ako sa bahay niyo tapos wala pala kayo, edi wala rin ang pinunta ko. Masasayang lang ang gas at effort ko 'di ba?" pagpapaliwanag ko sa kaniya, iisa lang kasi ang bahay na tinitirahan nila at galing sa sarili nilang pera ang pinagpagawa roon. Magpinsan naman daw sila kaya ayos lang na magkasama sila, maayos naman ang hatian nila at walang lamangan eh. "Nadito kami sa may factory, magdahan-dahan ka lang sa pagdadrive okay? Baka maagang mawalan ng anak si tita Tanya kapag 'di ka nag-ingat. 'Wag kang makipagkarera kay kamatayan, chill ka lang." Tatawa-tawang bilin niya sa kabilang linya. "Ewan ko sayo Fiona. Sige na pupunta na ko jan hintayin niyo ako ha? Bye." Nakabusangot na paalam ko sa kaniya, bakit ba lahat ng kaibigang meron ako ay may hobby na bwisitin ako? Sinunod ko ang sinabi niya, talagang nagdahan-dahan ako sa pagdridive, sa sobrang pagdadahan-dahan ko nga ay napakaingay na sa likuran ko sa lakas ng busina ng mga sasakyang kasunod ko. Parang may parada na nga ng kotse sa kalsada at ako ang nasa may unahan, ilang tsinelas na nga ba ang lumipad at tumama sa sasakyan ko? 'di ko na maalala. Bahala sila riyan, basta ako susundin ko yung sinabi ni Fiona, masunurin kaya akong tao. Ang isang oras lang sana na byahe ay naging dalawa at ang malayong factory ay naging napakalayo kahit pa hindi naman traffic, actually ako pa nga ang gumawa ng sarili kong traffic kaya talaga namang ngalay na ngalay ang likuran at pwetan ko. Ngayon na lang uli ako nakapunta rito simula nung opening ng business nila kaya medyo naninibago ako, mas lalo kasing gumanda at lumaki ang factory nila kumpara sa huling punta ko. At infairness ha may pauniform na ngayon sa mga tauhan nila, samatalang noon kung ano ang isuot nila ay ayos lang. Hindi ko tuloy maiwasang mapamangha sa kanilang dalawa, sa loob ng maikling panahon ay napakalaki ng naging paglago ng negosyo nila. Sadyang maraming nagbago sa factory nila kaya naman sa tagal ko ng hindi nakarating dito ay hindi ko na alam kung saan banda yung opisina nila, kaya naman eto at labag sa loob na lumapit ako sa empleyadong may pinaka katiwala-tiwalang mukha. Having trust issues is actually hard! "Teka lang po, kuya." Patakbo akong lumapit sa isang lalaking hindi katangkaran. Huminto siya sa ginagawa niya at humarap sa akin, nginitian ako na sinuklian ko rin ng isang matamis na ngiti. "Bakit po ma'am?" magalang na tanong niya sa akin. "Itatanong ko lang sana kung saan yung office ng boss nyo?" malumanay kong tanong sa kaniya. "Ahh sa pinakataas po ma'am, gusto niyo po bang samahan ko na po kayo para hindi na po kayo maligaw?" Nakangiting suhestiyon niya sa akin. Saglit ko pa siyang tinitigan habang nag-iisip, hindi naman siguro siya gagawa ng masama sa akin sa mataong lugar 'di ba? Nginitian ko siya pabalik, ang babait at maasikaso naman pala ng mga tauhan nila dito. "Sure po kuya, kung hindi po ako nakakaabala sa inyo, why not?" Pagpayag ko sa alok niya. Tinanguan niya ako at nauna nang naglakad kaya naman nag-iingat na sinundan ko siya. Hindi ko maiwasang maparanoid habang nakatingin sa mga patong-patong at nagtataasang kahon na animo'y babagsak sa'kin anumang oras. Ni minsan ay hindi ko pinangarap mailibing sa ilalim ng mga tambak na kahon. Medyo nakakapagod maglakad pero kinakaya naman, hindi ko naman alam na may kalayuan din pala yung sinasabing taas ni kuya. Sa may mga pwesto ng makina kasi yung pinanggalingan ko kaya siguro medyo malayo yung office nila. "Ma'am doon po yung opisina ni ma'am Fiona at ma'am Mica sa pintong nilabasan nung manager," sambit nya sa akin at itinuro ang isang eleganteng pinto na pinanggalingan ng empleyadong may balingkinitang pangangatawan. Hindi maitatanggi ng pinto ng opisina nila na talagang ginastusan nila ang pagpapagawa ng buong pasilidad. "Sige, salamat po kuya, sa uulitin." Nakangiting yumuko ako sa harapan niya bilang pamamaalam, feel na feel ko talaga ang mga korean gesture na napapanood ko sa mga k-drama. Tumango lang siya sa akin na tila naweirduhan sa ginawa ko. Biglang lumiwanag ang kalangitan nang makita ko sa hindi kalayuan ang kaibigan kong pinakamasungit sa balat ng lupa. Kinawayan ko ang lukaret na si ate Mica nang makita niya ako. Kahit na may kalabuan ang paningin ko ay madali kong makilatis ang mga kaibigan ko kahit pa mula sa malayo. Lumapit agad ako sa kaniya at inakbayan siya na animo'y walang iwasang nangyari sa'ming dalawa. Matampuhin ako at aaminin kong nagtampo ako sa ginawa nila pero I'll let it pass, namiss ko na kasi sila. "Hey, ate Mica namiss mo ko 'no?" Taas-baba ang kilay na tanong ko sa kaniya na sinuklian lang niya ng isang masayang ngiti. Wala naman kasi kaming away na nagtatagal, ayaw naming masira yung pagkakaibigan na mayroon kami dahil lang sa mga pagkakaiba ng pag-uugali namin. "Tumatawag ka pala sa'kin sabi ni Fiona? Hindi ko na nasagot kasi ang dami talaga naming ginagawa to the point na wala na kaming oras para icheck pa yung phone namin. Look." Iminuwestra niya sa akin ang sandamakmak na produktong sila mismo ang nagpapack sa loob ng opisina nila na nagmukha ng storage room. Napangiwi ako sa nakita, marami naman sana silang tauhan pero hindi gaya ko mas gusto nilang maging hands on sa negosyo. I sighed, masyado nga siguro silang busy ngayon at nag-oover think lang ako. "Oo nga, kanina pa ako tawag ng tawag pero wala namang sumasagot sa inyong dalawa." Malumanay na sambit ko sa kaniya at naupo sa couch doon. Alam kong pagod sila at hindi ito ang tamang oras para makipagtalo kay ate Mica, baka mamaya ay ihagis nalang ako nito palabas. "Ohh, nandiyan ka na pala," sambit ng kalalabas lang mula sa banyo na si Fiona. Napasandal ako sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan ang suot niya, hindi pa rin talaga nagbabago ang paraan ng pananamit niya, mas lumala pa nga ata ngayon. Kung titignan mo siya ay mapagkakamalan mo na talaga siyang tomboy dahil sa pananamit niya, sa kilos naman ay babaeng-babae siya kapag kasama kami pero tila siga naman siya sa kanto sa harapan ng iba. Hindi ko nga maunawaan kung ano ba talaga siya eh. "Yes, the dyosa is here," mahanging sambit ko. Muli ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at saka ko ibinalibag sa kaniya ang ballpen na nadampot ko. "Aray! bakit ba? Ang sakit nu'n Minia, sa ulo pa talaga ha?" agad na angal nya sa akin. Well she can't blame me, nakakainis at nakakairita naman kasi yung suot nya eh. Kahit hindi ako ang may suot naiirita pa rin ako. Ang panget talaga ng pananamit nya, parang kung ano ang una niyang mahugot ay iyon na lang ang isusuot niya. "Hindi ka ba naiinitan sa suot mo? Napakainit tignanl babae." Iritang bulalas ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa suot niyang malaking poloshirt at jersey shorts, kabaduy lang kasi. "Kung naiinis ka sa suot ko alisin mo nalang mata mo. Ikaw na nga lang titingin ikaw pa magrereklamo? Suot mo ba 'to? Suot mo?" sigang sambit niya sa akin na parang naghahamon ng suntukan. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang ugali niya, madalas siya ang pumipigil sa away namin ni ate Mica pero ngayon siya pa ang nagsisimula dahil sa pagpuna ko sa suot niya na pangit naman talaga. Napakalakas pa ng boses niya na akala mo ay may sampung bundok ang layo ko sa kaniya. Kaya siguro kami naging magkakaibigan, pare-pareho kasi kaming moody at minsan ay hindi maunawan ang ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD