Chapter 18 Minia's POV : Hindi ko maitatangging busog lusog ang itsura ko ngayon, isang oras na simula nang matapos kaming kumain at nagpapahinga na lang ngayon bago maglibot. Halos hindi na ako nga makahinga at makapagsalita sa kabusugan kanina eh, mabuti nga at medyo okay na ako ngayon eh kung hindi ay baka tinuloy na ni mommy ang plano niya na isugod na ako sa ospital kanina. "Hindi na kita tatanungin kung nabusog ka ba anak, halata naman na kasi sa itsura mo kanina." Nakangiting pahayag ni mommy nang makalabas na kami ng Jollibee. Tumango-tango na lang ako sa kaniya bilang tugon, pakiramdam ko kasi ay ang bigat-bigat na ng katawan ko kaya wala pa akong ganang sumagot. Sobra pa nga sa kabusugan ang nararamsaman ko ngayon eh. "Oh, saan niyo gusto unang pumunta girls? Sulitin niyo na

