Chapter 5
MINIA'S POV :
Totoong kinakabahan pa akong tumawag kay kuya Ian dahil natatakot akong makibalita, pakiramdam ko kasi ay hindi ko matatanggap kung sakaling may masama ngang nangyari sa lokong iyon. Isa pa ay ayoko ring marinig nila ang magiging pag-uusap namin ni kuya Ian dahil paniguradong uulanin na naman ako ng pang-aasar nila.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na mas gusto nila si Arvy para sa'kin kaysa kay Harvest my loves. Hayagan ba naman nila akong ipush do'n sa loko kahit pa alam naman nila na kapatid na ang turing ko ro'n.
"Oy Minia," biglang pagtawag sa'kin ni Fiona matapos niyang malinis ang mga kalat sa sahig, "aalis na kami ni ate Mica para mag-deliver. Gusto mong sumama?" Nakangiting paanyaya niya sa'kin.
"Hindi na, maybe next time nalang? Marami rin kasi akong kailangang pirmahan na mga papeles. Nagsingit lang nga ako ng time para maayos yung tampuhan natin kasi hindi ako mapakali." Napakamot pa ako sa ulo ko habang sinasabi yon, "actually, magpapaalam na rin sana dapat ako sa inyo na babalik na ko ro'n sa café."
"Sige, ikaw ang bahala. Pero Minia, magdahan-dahan ka naman sa pagdadrive, baka mamaya ay maaksidente ka sa daan." Nag-aalalang paalala sa'kin ni ate Mica na ikinabusangot ko.
"Alalahanin mo na lang si tita Tanya, nako Minia kapag naulit na naman 'yun paniguradong 'di na naman mapapakali si tita at baka sumunod na sayo." Natahimik ako sa sinabi ni Fiona. Alam ko naman na nag-aalala rin siya para sa'kin at ayaw lang niyang ipabatid sa malambing na paraan, sanay naman na ako ang kaso lang ay pinaalala na naman niya sa'kin ang katangahan ko no'n.
It was when I wanted to escape from my body guards, dahil feeling ko ay daig ko pa ang presidente ng bansa sa rami nila. But I didn't expect that it will almost cost me my life, 'di ko naman ginustong makabanggaan ang rumaragasang truck noon dahil ang tingin ko ay nasa likod at inaalam kung may nakasunod bang guard sa'kin sa halip na magfocus sa pagdadrive at sa kalsada.
I was about to be announced dead that time, masuwerte lang daw ako na narevive pa 'ko. Naalala kong dahil do'n ay hindi na ako pinayagang mag-drive ng parents ko, ngayon pa lang uli. It was awful to be honest, muntik pang ipatapon ni daddy lahat ng sasakyan ko! Ewan ko ba naman kasi kay San Pedro kung bakit sinali pa 'ko sa pa-meet and greet niya eh.
"I know okay? I can handle myself and I promise na mag-iingat ako. 'Wag nga kayong OA, 'di na mangyayari ulit 'yon itaga mo pa sa bato. Sige na, babye na." Nakangiting paninigurado ko sa kanila na tinanguan lang nila.
Humalik ako sa pisngi nila at yumakap, gano'n din naman sila sa'kin. Sa totoo lang ay atat na atat na 'kong makaalis sa opisina nila, pero syempre hindi ko naman pinahalatang nagmamadali ako, baka kasi sabihin na naman nila na miss na miss ko na talaga ang kabuteng si Arvy kahit pa sabihing hindi naman sila magkakamali ro'n ay nakakahiya.
My past five days without the presence of the three of them sent me unfathomable sadness, masyado na kong nasanay na nadiyaan sila palagi para bwisitin ako kaya kung wala silang paramdam kahit na ilang araw lang ay parang may kulang sa pagkatao ko. A day without them felt like a year!
Nang sa wakas ay nakalabas na rin ako ng opisina nila ay kapansin-pansin ang pagiging friendly ng mga tauhan nila na talagang humihinto pa sa ginagawa para lang batiin ako. At syempre hindi rin nakatakas ang mga papuri nila sa tenga kong halos pumalakpak na. Well, ang ganda ko raw eh at hindi naman sa pagbubuhat ng sarili kong bangko pero alam ko naman na sa sarili ko na maganda talaga ako. Nakakatuwa naman ang mga tauhan nila, masisipag na nga honest pa. Kung malaki man ang pasweldo nila sa mga iyon ay paniguradong sulit.
Grabe! Muntik pa akong maligaw sa sobrang laki ng factory nila! Halos hindi ko na nga maalala kung saan ako nagparking. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sa wakas ay nakita ko na rin ang sasakyan ko pero sa halip na magmaneho agad papunta sa café ay tinawagan ko muna si Kuya Ian. Nakakamangha nga na halos tatlong ring lang ang narinig ko bago nito nasagot ang tawag.
"Hello, who's this?" Pormal na bungad sa akin ni kuya Ian. Alam kong siya iyon dahil kilalang-kilala ko ang boses niya, 'yung siraulo ba naman kasi niyang pinsan ay palaging ibinibigay ang cellphone sa'kin sa tuwing sesermonan siya nito. Ang sabi ng loko ay ako na lang daw ang makinig at manermon sa kaniya pagkatapos. Ewan ko ba ro'n kung bakit minsan baliko ang utak.
"Hello po Kuya Ian, si Minia po 'to." Pagpapakilala ko sa kaniya sa malumanay na tinig.
Actually, napakagwapo at husband material 'tong si kuya Ian. Kaya nga hindi na ako magtataka kung bakit naging crush ko siya rati. Boses pa lang kasi niya ay nakaka-inlove na. Unfortunately, magpapatali na. Feel ko nga lugi si kuya ro'n sa mapapang-asawa niya eh, never kami nagkasundo no'n dahil napakasungit na akala mo naman eh ikinaganda niya. I often describe her as ate Mica's final evolution.
But nevertheless, I have no rights to judge kung sino ang magiging malas sa kasal nilang dalawa. Maybe there's something about her na si kuya Ian lang ang nakakakita, to think that they've been together for 8 long years, I know that they've already seen and accepted each other's flaws and imperfections. Halata kasi ang pagmamahal nila sa isa't-isa sa tuwing magkasama sila. And that's what I've been seeking for, genuine love.
"Oh, Minia ikaw pala," halata ang pagkagulat sa tinig niya nang sabihin 'yon, "napatawag ka?"
"Itatanong ko lang po sana kung kumusta po si Arvy, ilang araw na pong hindi nagpaparamdam sa'kin 'yun eh." Hindi ko na naitago pa ang kalungkutan sa tinig ko nang itanong ko iyon.
"Ah si eggman." Napatawa ako sa narinig kong itinawag ni kuya Ian kay Arvy. Bukod kasi sa mukhang itlog iyon ay talagang kakaiba ang obsession niya sa hard boiled eggs kaya naman gano'n ang tawag sa kaniya ni kuya Ian.
Kuya Ian is Arvy's closest cousin, para ng magkapatid ang dalawang iyon. Madalas ko pa siyang nakakabiruan noon kapag pumupunta ako sa kanila, bukod sa pagiging gwapo ay hindi ko maikakailang natural na matalino si kuya Ian, kaya nga siya lagi ang takbuhan namin no'n kapag hirap na hirap na kami sa thesis.
"Wala siya ngayon dito sa bansa, may business meeting siya sa Hongkong. Actually, ako dapat ang aattend doon kaya lang alam mo na, abala kami ng fiancé ko sa pag-hahanda para sa nalalapit na kasal namin. Wait, nareceive mo na ba 'yung invitation? Punta ka ha?" Napatango-tango ako sa sinabi ni kuya kahit na hindi naman niya ako nakikita, I somehow expected that already.
Arvy mentioned that he's going abroad for business matters about a month ago at sabi niya ay baka hindi niya ako macontact that time. Talagang nag-alala lang ako kasi hindi man lang niya sinabi na ngayong linggo pala 'yon, nakakatampo lang.
"Yes kuya, iniabot na po sa'kin ni Arvy last month pa and of course pupunta po ako. Hindi 'man lang po kasi niya sinabi kaya nag-alala po ako, akala ko po ay napano na siya." Naiiling-iling na pag-kukwento ko kay kuya.
"Ha? Hindi pala siya nag-paalam sa'yo? Alam mo ba na pina-adjust niya pa yung oras ng lipad niya para daw makapag-paalam siya sayo. Hindi ba niya sinabi sayo nung friday? Loko talaga iyong batang 'yon. Saan naman kaya siya nagpunta no'n?" Nagtatakang tanong ni kuya Ian na kahit pa hindi ko nakikita ay nasisiguro kong humihilot na sa sintido niya.
Napakunot noo ako sa narinig, Friday? 'yon ang huling araw na nakita ko siya. Iyon 'yung araw na nakilamon siya sa Café. Ewan! Pati ako ay naguguluhan na sa lalaking 'yun. Kung ano ang sinadya, iyon pa ang hindi ginawa!
"Hindi ko rin po alam sa lalaking 'yon. Sige po kuya ako na pong bahala ro'n pag dating niya," sambit ko at napabuntong hininga pa, "Thanks kuya, saka pasensya na po sa abala."
"It's all right. Mabuti pa ngang ikaw na ang bahala sa batang 'yon. Turuan mo nga ng leksiyon" Tumatawa-tawang bulalas ni kuya bago pinatay ang tawag.
Nakangiting napasandal ako sa upuan matapos 'yon. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagsimulang magmaneho ng maingat, mahirap na at baka hindi na talaga ako makahawak ng manibela sa buong buhay ko kapag naaksidente na naman ako.
Nang makabalik sa café ay dumiretso agad ako sa opisina ko para pumirma ng mga tambak na papeles. Sa ngayon ay mayroon pa lang akong tatlong branch dito sa bansa and so far ay maganda naman ang kita at wala namang problema na 'di agad nasosolusyunan.
Nang lumabas ako sa loob ng opisina ko para mag-break saglit ay agad akong napangiti nang makita ang maraming customer kahit pa gabi na. Masasabi kong maganda ang napili kong lokasyon kaya gano'n. Kadalasan sa mga customer namin ay mga health workers mula sa katapat naming ospital o kaya naman ay mga estudyante mula sa mga eskwelahang malapit.
Hindi lang sikat ang café ko sa pagiging cozy at pagkakaroon nito ng unique coffee and pastries, sikat din ito dahil sa abot kayang presyo ng mga produkto. Noon pa man kasi ay hilig ko na talaga ang baking at coffee making, madalas akong mag-experiment at kapag nasatisfied na ako sa gawa ko ay ina-add ko agad sa menu ang sarili kong recipe.
"Miss?" Pagtawag sa'kin ng isa mga empleyado ko dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ko, base sa uniform na suot niya ay napagtanto ko agad na isa siya sa mga waiter.
Ang totoong dahilan kaya mas gusto kong tinatawag nila akong miss ay dahil ayokong maramdaman ang pagiging boss ko, kung tutuusin nga ay mas gusto ko pa ang magserve na lang din sa mga customers sa halip na pumirma ng sandamakmak na papeles, It's not fun at all! Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko nang natutulugan ang mga 'yon.
"Yes?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya ng nakangiti.
"Magbabakasakali po sana akong magpaalam, baka naman po ngayong taon ay pwede na pong mag-one week leave bukas?" Nakayukong paalam niya sa'kin, "7th birthday po kasi ng anak ko bukas, gusto ko po sanang tuparin 'yung birthday wish niya na ipasyal ko siya sa Boracay ngayong birthday niya."
Hindi ako nakapagsalita agad buhat ng pagkagulat, baka ngayon ay pwede na? What does that mean?
"Call Vanny and tell her to come inside my office." Madilim ang mukhang sambit ko at bumalik sa opisina ko.
Laglag ang balikat na sinunod niya ako, akala niya siguro ay hindi ko siya papayagan. Mamaya ko na siya aalalahanin, kailangan ko munang makausap ang kinuha kong manager.
That waiter is working here for years already and I need Vanny's confirmation na hindi nga niya inaaprubahan ang request ng mga empleyado na mag-leave. Sa kaniya dapat nagpapaalam ang mga ito, pero dahil siguro lagi niyang hindi pinapayagan ay naglakas loob ng lumapit sa'kin. Medyo nakaramdam tuloy ako ng awa para sa waiter kanina, hindi naman kasi sila lumalapit sa'kin kung hindi naman talaga kailangan.
Sa lahat ng café branch ko ay may tatlong set ako ng mga empleyado, magkaka-iba ang oras ng schedule nila pero pare-parehong may 8 hrs shift at 6 working days. Ang manager ko naman ay dalawa lang na mayroong 12hrs shift at 6 working days din dahil 24 hrs kaming bukas from Monday to Saturday. Sarado kasi ang buong cafe every sunday para sa rest day nilang lahat pero that doesn't mean na hindi ko sila pinapayagang mag-leave kung kailangan.
"Pinapatawag niyo raw po ako miss?" Kinakabahang tanong ni Vanny nang makaupo na siya sa harap ko.
"Hindi mo pinapayagang mag-leave ang mga empleyado." It was a statement, not a question. Kalmado ang tinig ko pero hindi ko maitago ang disappointment d'on.
Hindi siya nakasagot at nahihintakutang napalunok lang. Napahilot na lang nga ako sa sintido ko dahil medyo naistress ako sa ginawa niya.
"Masiyado ka naman yatang mahigpit, Ma'am Vanny?" I laughed sarcastically, naiinis kasi talaga ako pero pilit ko lang kinakalma ang sarili ko. Hanggat maari ay ayokong palabasin ang bitchy attitude ko sa isang napaka-liit lang na bagay lang na kung tutuusin ay mapag-uusapan naman ng maayos.
"Pasensya na po miss, natatapat po kasi lagi na walang papalit sa kanila kung papayagan ko sila." Nakayukong sambit niya na tinanguan ko.
I cleared my throat dahilan para makuha ko ang atensyon niya, nginitian ko pa nga siya. "I understand your point, but next time pakitext sa'kin pag may nagpapaalam at ako na ang magdedisisyon, saka para magawan na rin ng paraan kung sakali. Pakisabi kay Larriane na gano'n din ang gawin."
"Pwede ka ng lumabas." Tumango siya sa sinabi ko at tumayo na, halata pa rin sa mukha niya ang kaba.
Nakahawak na siya sa seradura nang may maalala ako, muntik ko nang makalimutan 'yung waiter kanina!
"And oh! I almost forgot, pakisabi nga pala ro'n sa nagpaalam sa'kin kanina na pwede siyang mag-one week leave, effective agad tomorrow. Advance happy birthday kamo sa anak niya." I giggled like a teenage girl in front of her para naman 'di na maintimidate pa si Vanny sa'kin. Ayoko ng magalit, nakakapangit!