Chapter 44 Minia's POV : Kasalukuyan akong nasa coffee shop ko ngayon at nakatunganga lang, nagpapalipas lang ako ng oras dahil tinatamad akong magtrabaho. Sila ate Mica at Fiona ay naging mas busy na kaysa dati, si Arvy ay ganoon din kaya naging napakaboring nang mga lumilipas na araw para sa akin. Matutulog, gigising, kakain, magtatarabaho, kakain at matutulog. Halos sa iyon na lang ata ang ginagawa ko sa buhay ko. Pero sa totoo lang sanay na ako sa pagiging busy nila ate Mica at Fiona pero kay Arvy ay hindi, pakiramdam ko nga ay iniiwasan lang niya ako pero wala naman akong maisip na dahilan kung bakit kaya ipinagsasawalang bahala ko na lang ang isiping iyon. Napasimangot na lang ako dahil ngayon ko lang naisip kung gaano talaga napakaboring ang buhay ko. Halos kuminang na nga ang kw

